Salarin

Ang blog na ito ay hindi binuo upang bigyan kayo ng kasiyahan kundi upang mahasa at maipahayag ng may-akda ang kanyang mga saloobin, opinyon, kuru-kuro at palagay sa kung anumang bagay na kanyang maisipan sa pamamagitan ng pagsulat. 

Hilig ng may-akda ang magsulat ng kung ano-ano kung kaya't ang mga mababasa sa blog na ito ay mga karanasang maaaring kanyang pinagdaanan o kanyang nasaksihan.

Nais lamang ng may-akda na magkaroon ng lugar na makapagpahayag at makapagkuwento ng iba't ibang pangyayari sa buhay... personal man o hindi. May magbasa man o wala.

Ganoon pa man, salamat sa mga bumisita at nagbasa ng mga walang kuwentang post ng may-akda sa blog na ito! Mas makakabuti kung mag-iiwan ng komento para mas masaya.

Kung inaakalang seryoso ang dating ng blog na ito, eh, diyan kayo nagkakamali! (*^_^)

2 komento: