Linggo, Oktubre 2, 2011

Kumanta siya, umiyak ako

Nang sumalakay si Pedring nawalan kami ng kuryente. Dalawang araw na walang kuryente dito sa amin. Sa unang gabi, walang magawa. Ang gitara ko...wala sa tono kaya wala akong magawa. Kaya...tulog na lang muna.

Sa pangalawang gabi, tila ganoon ulet ang drama ng buhay ng mga walang kuryente....bago sumapit ang dilim kailangan, luto na ang pagkain...at bago pa tuluyang mabalot ng dilim ang buong paligid at mga malabong ilaw na lamang ng kandila ang magsisilbing liwanag ay kailangang nakakain na. 

Hindi naman namin inaasahan na hindi pa rin magkakaroon ng kuryente. Ang anak kong buhay na buhay pa rin ang energy sa kabila ng madilim na kapaligiran...inuto kong kumanta.

Marami siyang kinanta na kinakanta daw nila sa school...pero may isang awitin na tinamaan ako...

eto iyon...

Bago ko ipikit ang mata ng mahigpit
kaya bago pa managinip kayo ang nasa isip

Ang pamilyang ito, may pag-ibig na totoo
kaya abot hanggang langit 
ang pasasalamat ko

Dear God, salamat po 
sa pamilyang ito
Huwag n'yo pong pababayaan 
ang mga minamahal ko
Dear God, salamat po
panalangin ko'y dinggin
sana'y laging may pag-ibig
sa tahanan namin

Nanay at tatay ko
sa akin ay the best kayo
kapatid kong makulit
hindi kita ipagpapalit

Dear God, salamat po
sa pamilyang ito
huwag n'yo pong pababayaan 
ang mga minamahal ko
Dear God, salamat po
panalangin ko'y dinggin
sana'y laging may pag-ibig 
sa tahanan namin


natuwa ako sa pagkanta n'ya punung-puno ng feelings...
mabuti na lang at madilim hindi n'ya pansin ang luha ko...

Kalungkot lang hindi ko na-record...siguro pag nauto ko na lang siya ulet!

Nakakatuwa talaga siya...(*^_^)
Sep. 28,2011




1 komento:

  1. kamusta po.. meron po ba kayong nakita na music video nito? wala na po kasi ako mahanap.. huli ko po kasing narinig ito eh bahagi po ng album ng jollibee, kaso po hindi ko na rin po makita.. kung meron po kayo pakishare naman po or paki-email dito jeangonzales25@yahoo.com.. salamat po.. Godbless!!!

    TumugonBurahin