Marami ang nagsasabi na magandang
ehersisyo ang paglalakad. Kaya naman ang motto ko…(na sinabi rin ni drew..ehem)
‘Lahat ay walking distance.’
Pero paano kung ang kalsadang daraanan
mo ay puno ng mga …jackpot?!?
Paumanhin sa mga kumakain… pero hindi
ba’t nakakadiri…nakakawalang gana at talaga naman nakakaasar lalo na kung
umagang-umaga ito ang babati sa’yo! (eeewww!)
HIindi naman
ako maselan sa mga mababahong amoy…maging sa mga dumi ng hayop…pero ang hindi
ko gusto ay ang kawalang manners ng mga aso na araw-araw ay ginagawang
palikuran ang kalye.
Walang araw na
walang jackpot sa dinadaanan kong kalye…pwera na lang kung umuulan. Tulad na ng
nasabi ko na kung baho rin lang ang pag-uusapan di ko na iyon pansin…pero ang
nakakadiri ay ang nagkalat na jackpot na napisa na ng mga gulong ng mga
sasakyan o kaya’y may suwerteng nakaapak dito! (Eeewww)
Pero ang malala
ay ang pagpapatintero sa mga nakaladkad ng mga gulong o mga tsinelas na bumuo
ng mga pulo-pulo sa kahabaan ng kalye. Talagang nakaka-eeewww!
Sabihin n’yo
nang nag-iinarte ako… pero nagsasabi lamang ako ng isang katotohanang araw-araw
na bumabati sa aking umaga. How I wish magpalit tayo ng sitwasyon kung saan
kayo ang makakasaksi ng mga bastos na mga asong hindi magpagawa ng sarili nilang
palikuran para hindi nakakahiya sa taong katulad natin!
Hay naku,
talaga! EEEWWW!
(*^_^)
Setyembre 19,
2011
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento