Magsisimula na naman ang kampanya ng
Brigada Eskuwela
kung saan kinakailangan ang pagtutulungan
ng mga bumubuo ng paaralan at komunidad...
kabilang dito ang pamunuan ng paaralan, mga guro,
mga magulang, mga mag-aaral at iba pang nagnanais na makatulong
sa ikagaganda ng paaralan at sa ikauunlad ng pag-aaral ng mga mag-aaral.
Taun-taon itong ginagawa kaya hindi na ito bago
ngunit mas magiging maganda ang gawaing ito kung maraming makikipagtulungan
at makikibahagi ng kanilang oras at panahon para dito.
Nandiyan ang taga-kuha ng larawan...
Katulong ng mga magulang at mga guro ang pamunuan
ng SSG o ang Supreme Students Government!
Taun-taon itong ginagawa kaya hindi na ito bago
ngunit mas magiging maganda ang gawaing ito kung maraming makikipagtulungan
at makikibahagi ng kanilang oras at panahon para dito.
Katulad nang nakaraang taon...
bago nagsimula ang SY 2011 - 2012 muling nagsama-sama
ang mga guro, kawani ng barangay, magulang at mga mag-aaral upang
maging handa ang paaralan sa pagpasok ng mga mag-aaral.
May nagbigay ng t-shirt...
May mga nagpa-picture lang... LOL...
Dahil sa bakasyon, hindi nagalaw ang mga kuwarto ng paaralan...
maraming alikabok at mga tuyong dahon na kailangan
walisin at damputin...
ang mga kinabakasan ng pagod....
present din ang mga kinatawan ng mga magulang at baranggay.
Katulong ng mga magulang at mga guro ang pamunuan
ng SSG o ang Supreme Students Government!
Nakiisa rin ang mga mag-aaral sa pagwawalis para sa mga babae...
at paglalampaso ng sahig sa mga lalaki...
Nariyan din ang mga gurong lalaki kasama ang ibang mga mag-aaral na lalaki na nagsasalansan ng mga kagamitan tulad ng mga silya...
At syempre, isang masaganang lugaw ang pinagsaluhan
pagkatapos ng paglilinis...
Maganda ang hangarin ng Brigada Eskuwela.
Hindi dahil sa makukunan tayo ng pictures para masabing naging bahagi tayo nito kundi ito ay pagtataguyod sa isang bagay na pakikinabangan ng mas nakararaming kabataan sa ngayon na naghahangad ng quality education tuwing darating ang pasukan.
Kaya ngayon palang ay hinihimok na ang lahat na makipagtulungan.
Dapat lang na magkaroon tayo ng pakialam... mas maganda kung papasyalan natin ang paaralan sa ating komunidad upang malaman natin ang pangangailangan nito.
Maraming pwedeng gawing paraan upang makatulong tulad ng...
pagbibigay ng walis tingting o kaya ay tambo,
pagdadala ng mga basahan...
o kaya naman ay pintura
at iba pang maaaring gamitin sa pagkukumpuni
ng mga nasirang mga upuan, mesa o kaya'y pisara.
Kaya naman kung tayo'y may malasakit sa ating mga kabataan,
maging bahagi tayo ng brigada eskuwela.
Magtulungan tayo, sama ka!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento