Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Noon, umakyat ako ng puno

Hindi daw magandang tingnan sa isang babae ang umakyat ng puno…pero ang alam ko… masarap umakyat ng puno.

Maraming punong bayabas sa bakuran namin noon. Meron ding puno ng kaimito at niyog. Sa bakanteng lupa naman sa aming harapan ay may puno ng chesa, kamias, abokado at dalawang malalaking puno ng narra.

Doon kami madalas maglaro ng taguan o kaya ay patintero. Takbo doon. Takbo ditto. Kapag kami’y  napagod tatambay naman kami sa mga sanga ng punong bayabas habang ngumangata ng manibang bunga nito.

Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang pakiramdam habang umaakyat at nasa mga sanga ng puno. Masarap kasi talaga umakyat ng puno lalo na’t kung ang dahilan ng pag-akyat ay  mangunguha ng mga hinog na bunga tulad ng mangga at bayabas.

Masarap ding tumambay sa itaas ng puno…wala lang…pahinga lang habang nagbabasa ng funny komiks o kaya ng mga pocketbook. Minsan tambayan ng barkada. Doon magtatawanan kasabay ng pag-ihip ng sariwang hangin.

Ngunit hndi naman parating enjoy ang umakyat ng puno… dahil kung minsan mahuhulog at mapipilayan kapag namali ng hawak  o kaya’y marupok ang sangang nahawakan…(hindi ako nakaligtas sa mga hulog at pilay na ‘yan.) Minsan naman sa huli ko na lang nalalaman na may mga langgam pala…lalo na ‘yung kulay pula o kaya ay hantik na marami sa punong mangga…supersakit pa naman kung mangagat ang mga ito.

Minsan naman ay makakahawak ako ng higad at mag-iiwan ng mga malalaking pantal na pinaliliguan ko nang suka. Mag-iiwan din ng mga gasgas o galos ang mga sanga ng puno…tipong hindi mo napansing nasugatan ka na pala.

Isa sa mga masasayang bahagi ng kabataan ko ang umakyat ng puno kahit pa sabihin pang hindi bagay sa babae ang gawaing ito natutuwa pa rin ako at naranasan ko o namin noon  ang mga bagay na ito.

Sa ngayon kasi tila sa mga probinsya na lang nagiging libangan ang pag-akyat ng puno. Kung titingnan rin parang hindi na masyadong pag-uukulan ng mga bata o kabataan ngayon ang gawaing ito…una dahil asa marami nang makabagong pagkakaabalahan at pangalawa…kakaunti na ang punong maaaring akyatin lalo na sa syudad.(*^_^)


‘Ako na ang masama!’ (hindi ako ‘yun)

Naatasan kami na magpunta sa ibang  lugar  para doon gawin ang aming trabaho at dahil hindi ko kabisado ang pagpunta doon kaya sumabay ako sa mga kasamahan ko.

Ang usapan ay magkikita kami sa may Mercury Drugs at doon sabay-sabay kaming sasakay papunta sa destinasyon namin. Ngunit dahil sa nalalayuan ako sa pagkikitaan namin kaya’t nagpasya akong magtext na intayin ko na lang ang jeep na sasakyan nila sa may kanto naming dahil sa madodoble ang pamasahe ko.

Maaga talaga akong gumising sapagkat sabi ni Em…baka mahuli na naman ako…nakakahiya naman ma-late kapag sinabihan ka ng gan’on…ooopppsss…di ko naman sinasabing napakasama n’ya para sabihan ako ng ganoon…LOL…


So, buong akala ko jeep ang sinakyan nila…kaya ng magtext sila na sila ay nakasakay na ay sinabayan ko ng labas ng bahay at naglakad pababa sa kanto. Hindi naman ako late nagising kaya nga lang ay nauna pa rin sa kanto ang sinasakyan nilang FX at hindi jeep…mega-takbo tuloy ako pababa at take note naka-high heels ako…medyo ngayon ko nga lang naisip siguro kung mas binilisan ko pa ang pagtakbo…gumugulong akong makakarating sa napakabilis na FX na sinakyan namin papunta sa aming destinasyon. (natatawa na agad ako imahinasyon ko palang ‘yun…hehehe)

Lumagpas pa kami sa dapat naming bababaan…to think na kasama namin ang nakakaalam…mabuti na lang at mabait si Manong FX at ibinalik niya kami sa bababaan namin at sakto… kararating lang din ng iba naming kasamahan na dapat ay kasabay din namin dahilan para medyo nahuli ng konti sa usapan namin…(hindi ko siya sinisisi, ha…wala ‘yun sa vocabulary ko.)


Naging maayos naman ang maghapon namin at nang uwian kami ulit ang magkakasabay. Sa jeep…sinabihan ni Em si Indyanero na siya ang dahilan kung bakit sila naghintay ng matagal sa MD kaninang umaga…ang banat ba naman eh… “O, sige na Ako na ang masama.” Sabay tawa…as if natatawa kami…hahaha…ayon sa kanya, tumingin daw siya sa Kanluran, Silangan, Hilaga, Timog...eh di n’ya nakita sila Em… at talagang nagpapaliwanag pa siya…naku..indyanero na’y bulag pa pala…LOL…

Napag-usapan ang FB…at take note we’re not friends…not yet! Nagtanong siya kung saan siya bababa…eh, dahil sa aking palagay mabait ako…sinabi ko ang palatandaan ng bababaan niya…sabay sabi sa kanya.. “O, ayan ha…we’re not friends but I’m helping you!” …LOL…nakakatuwa pa naman siya dahil parang lahat ng sinasabi ko nakakatawa.

Kaya lang sa kalagitnaan ng aming huntahan sa loob ng jeep…mega-sabat si Golden Wood Awardee na suot-suot ang kanyang pinangkasal na sapatos na ayon kay Em-gee ay parang makatutusok kaya sa kanya naman napunta ang kuwento… binili daw nila ang sapatos na balat na iyon sa Rusty Lopez…siguro kung hindi pa siya ikakasal eh, hindi siya bibili kasi minsan lang siya bumili. Pero hindi lang sapatos ang suot niya maging ang pantaloon na binili nila sa SM Taytay ay suot din niya…sana pala’y isinuot na rin niya ang barong niya…hahaha…

Wala namang script ang usapan namin pero ang humigit kumulang na tatlumpung minutong byahe namin pauwi habang nakasakay sa jeep…ay napuno ng walang humpay na tawanan dahil sa isang di sinasadyang pagkakamali na sa una ay marahil na kinainisan ngunit sa huli’y naging isang malaking joke na lamang. Hindi naman kasi dapat maging big deal ang insidenteng iyon…kailangan lang nang pang-unawa. At dahil sa pangyayaring iyon…lahat kami’y umuwi na nakangiti dahil sa nakakatuwang usapan sa loob ng jeep.(*^_^)

Martes, Pebrero 22, 2011

Eto ang kuwento niya

Masaya. Maingay. Makukulit. Ganyan kami kapag walang gaanong ginagawa o kung oras ng break. Walang pakundangan sa mga salitaan at maging sa mga kuwento ng mga bumabangka…tulad niya.

Isang nakakatuwang kuwento ang ibinahagi niya sa amin kanina at lahat kami ay natuwa ng bongga. Hindi ko na kailangang banggitin kung sino siya sapagkat ayon sa kanya ay baka ikahiya siya ng kanyang asawa…LOL…well, para siya pagbigyan, e, di hindi ko babanggitin ang pangalan niya.



Bahagi ng kanyang kabataan ang kuwento. Tungkol sa BAKA (Cow). Noong una akala ko…kalabaw (Carabao) hindi pala. Grade three siya noon habang naglalaro daw sila sa palayan ng touching ball hindi n’ya naisip na masusuwag siya ng baka. Masaya daw silang naglalaro at habang sinisigawan niya ang kanyang kakampi na ihagis sa kanya ang bola ay lumapit daw ang baka sa kanya at dalawang beses siyang sinuwag.  Una ay sa may puwet niya at ang ikalawa ay sa may labi niya.

Ang nakakatuwa sa pagkukuwento niya ay inimwestra pa niya kung paano siya sinuwag ng baka at sa kanyang palagay kung bakit nanilaw ang isang ngipin niya ay dahil sa pagkakasuwag sa kanya nung baka...hehehe…

Pero hindi doon natapos ang kuwento dahil nung grade four naman daw ay may nangyari din sa kanya sa loob ng klasrum. Naatasan daw siyang maging taga-lista ng maingay sa seksyon nila kung kaya’t marami ang naiinis o kaya nagagalit sa kanya. Nananaway din siya.

Minsan daw na wala ang kanilang titser habang sinasaway niya ang kanyang mga kaklase …isa sa mga sinaway niya ang biglang tumayo at sinuntok siya sa mukha…ouch…hindi siya nakapagsumbong sa kanilang guro dahil wala nga ito kaya umuwi siyang umiiyak.

Kung iisipin noong panahon na nangyari ito sa kanya marahil napakasama ng loob niya sa kanyang kaklase at siguro pinag-isipan niya rin ito ng masama…pero kanina habang kinukuwento niya ang pangyayari ay hindi lang kaming nakikinig sa kanya ang humahagalpak ng tawa kundi maging siya.

Nakakatuwa kasi ang kanyang pagkukuwento at talaga namang tumabo sa takilya ang kuwento niya… Hehehe...isa ‘yan sa mga kuwento niya at inaasahan ko na marami pa siyang kuwentong ibabahagi na noon ay nagdulot sa kanya ng kalungkutan pero ngayon ay isa na lamang alaala na maaari nang tawanan sapagkat lumipas na.(*^_^)