Naatasan kami na magpunta sa ibang lugar para doon gawin ang aming trabaho at dahil hindi ko kabisado ang pagpunta doon kaya sumabay ako sa mga kasamahan ko.
Ang usapan ay magkikita kami sa may Mercury Drugs at doon sabay-sabay kaming sasakay papunta sa destinasyon namin. Ngunit dahil sa nalalayuan ako sa pagkikitaan namin kaya’t nagpasya akong magtext na intayin ko na lang ang jeep na sasakyan nila sa may kanto naming dahil sa madodoble ang pamasahe ko.
Maaga talaga akong gumising sapagkat sabi ni Em…baka mahuli na naman ako…nakakahiya naman ma-late kapag sinabihan ka ng gan’on…ooopppsss…di ko naman sinasabing napakasama n’ya para sabihan ako ng ganoon…LOL…
So, buong akala ko jeep ang sinakyan nila…kaya ng magtext sila na sila ay nakasakay na ay sinabayan ko ng labas ng bahay at naglakad pababa sa kanto. Hindi naman ako late nagising kaya nga lang ay nauna pa rin sa kanto ang sinasakyan nilang FX at hindi jeep…mega-takbo tuloy ako pababa at take note naka-high heels ako…medyo ngayon ko nga lang naisip siguro kung mas binilisan ko pa ang pagtakbo…gumugulong akong makakarating sa napakabilis na FX na sinakyan namin papunta sa aming destinasyon. (natatawa na agad ako imahinasyon ko palang ‘yun…hehehe)
Lumagpas pa kami sa dapat naming bababaan…to think na kasama namin ang nakakaalam…mabuti na lang at mabait si Manong FX at ibinalik niya kami sa bababaan namin at sakto… kararating lang din ng iba naming kasamahan na dapat ay kasabay din namin dahilan para medyo nahuli ng konti sa usapan namin…(hindi ko siya sinisisi, ha…wala ‘yun sa vocabulary ko.)
Naging maayos naman ang maghapon namin at nang uwian kami ulit ang magkakasabay. Sa jeep…sinabihan ni Em si Indyanero na siya ang dahilan kung bakit sila naghintay ng matagal sa MD kaninang umaga…ang banat ba naman eh… “O, sige na Ako na ang masama.” Sabay tawa…as if natatawa kami…hahaha…ayon sa kanya, tumingin daw siya sa Kanluran, Silangan, Hilaga, Timog...eh di n’ya nakita sila Em… at talagang nagpapaliwanag pa siya…naku..indyanero na’y bulag pa pala…LOL…
Napag-usapan ang FB…at take note we’re not friends…not yet! Nagtanong siya kung saan siya bababa…eh, dahil sa aking palagay mabait ako…sinabi ko ang palatandaan ng bababaan niya…sabay sabi sa kanya.. “O, ayan ha…we’re not friends but I’m helping you!” …LOL…nakakatuwa pa naman siya dahil parang lahat ng sinasabi ko nakakatawa.
Kaya lang sa kalagitnaan ng aming huntahan sa loob ng jeep…mega-sabat si Golden Wood Awardee na suot-suot ang kanyang pinangkasal na sapatos na ayon kay Em-gee ay parang makatutusok kaya sa kanya naman napunta ang kuwento… binili daw nila ang sapatos na balat na iyon sa Rusty Lopez…siguro kung hindi pa siya ikakasal eh, hindi siya bibili kasi minsan lang siya bumili. Pero hindi lang sapatos ang suot niya maging ang pantaloon na binili nila sa SM Taytay ay suot din niya…sana pala’y isinuot na rin niya ang barong niya…hahaha…
Wala namang script ang usapan namin pero ang humigit kumulang na tatlumpung minutong byahe namin pauwi habang nakasakay sa jeep…ay napuno ng walang humpay na tawanan dahil sa isang di sinasadyang pagkakamali na sa una ay marahil na kinainisan ngunit sa huli’y naging isang malaking joke na lamang. Hindi naman kasi dapat maging big deal ang insidenteng iyon…kailangan lang nang pang-unawa. At dahil sa pangyayaring iyon…lahat kami’y umuwi na nakangiti dahil sa nakakatuwang usapan sa loob ng jeep.(*^_^)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento