Martes, Abril 24, 2012

Boy group

Sa totoo lang wala naman akong hilig sa mga boy groups sa Asia ... kung meron man akong super sinundan ng bongga at super ni-re-search ko, eh, F4 pa 'yun.



Gusto kong makinig ng mga Chinese, Japanese o Korean songs pero hindi naman ako ganoon kaalam sa kanila. Mas gusto ko ang mga serye nila o kaya mga movies nila at mga artista.



Pero dahil sa impluwensya ng aking sister... eto tuloy... mega post ako ng mga photos nila as if knowing ko talaga sila... ang cute naman nila kaya okay lang.


At nito ko lang nalaman na si Jun Matsumoto pala ay may grupo... ang Arashi...kumakanta pala siya. Kakatuwa lang.


Dati-rati kasi mga Korean group lang ang pamilyar sa akin...pero di ko alam ang mga name nila... nagkaroon tuloy ako ng interes... anu ba 'yan... super isip bata lang talaga!


Anyway, sabi ng siter ko gumawa daw ako ng fan fiction tungkol kay Massu... member ng NEWS... why not?... Siguro kapag nagkaoras ako...hehehe...


eto ang pinagkakaabalahan sa kainitan ng panahon. :))


Martes, Abril 17, 2012

Plano sa bakasyon



I just felt that today is the first day of vacation and it gives me a thrill.


Mega-Ingles ako...

Bakasyon na nga siguro...

sisimulan ko ang mga sumusunod:

1. Maglalaba ng mga kumot, punda, kurtina at iba pang mabibigat na labahin na hindi malabhan kapag may pasok.

2. Maghahalungkat ng mga gamit at magtatapon ng mga hindi na kailangan (para mabawasan ang mga abubot)

3. Mamamasyal kasama ang buong pamilya... kung saan mapapadpad ang mga paa ( no particular destination)

4. Magbabasa ng mga pending na mga books na hindi pa nababasa.

5. Manonood ng mga movies at series na super like kong gawin kahit may pasok.

6. Magpupunta sa gym kasama ang mga friends ko... ( sana matuloy di lang drawing... LOL)

7. Manahi ( kung ano lang... punda, kurtina, damit etc.)

8. Magblog.... katulad ngayon!

9. Magswimming... (syempre kasama ang family)

10. Maghanda para sa darating na pasukan. :)))



Sa dami ng balak kong gawin.... parang hindi rin pala ako magbabakasyon... pagod pa rin!

Ano bang ibig sabihin ng bakasyon? para kasi sa iba relaxation ito pero ang totoo... nakakapagod din ang bakasyon... kasi ang mga bagay na hindi magawa kapag may pasok ay ginagawa ng bakasyon at kapag pasukan na mega reklamo tayo dahil maikli ang bakasyon...pero hindi naman un tungkol sa ikli ng panahon kundi sa pagod na dala ng bakasyon.


Sana maging masaya ang bakasyon natin! :))

Biyernes, Abril 13, 2012

Lusong sa Laiya


Isang araw, nagsama-sama sila. 



Nagbitbit ng tig-isang bag.
Nagdala ng kaldero.
Nagluto ng kanin.

Sumakay sa bus.
Para mapawi ang inip sa byahe, 


nanood ng movie...
ang pamagat ay Tekken.


Natapos na ang movie... 
malayo pa ang destinasyon.
Nakinig ng music...
may mga simple nakisabay...
may mga piit na bumibirit...
may mga pabulong--bulong.


May mga nakatulog...
May mga atat na atat na...
May mga tulala sa bintana...
may mga nakikipagtsismisan.

Lumiko ang bus.
Lumiko ulet.
Biglang tumigil.

May mga napatayo.
May mga napatingin sa labas.
May mga nagtatanong...
  'eto na ba?'
   'dito ba 'yun?
Bumaba ng bus.
bitbit ang mga gamit ...
nilakad ang cottage.


may mga kumain.
may mga nagbihis.


may mga kumuha ng larawan.
may mga napa-upo 
napagod sa byahe.

maya-maya pa...

talbog sa tubig...
inilabas ang kulit!


picture dito, picture doon...
asaran dito, asaran doon...


sisid dito, sisid doon...
aahon...uupo...kakain...balik ulet!


dumaan ang maghapon...
napawi ang init...
nakaramdam ng pagod
ngunit bakas ang saya..


may mga naiwan pa...
patuloy ang lunoy sa tubig...
ninanamnam ang sarap...


dumating na ang uwian...
isa-isa nang nag-aayos...
isa-isa nang nagsisipagbihis...
isa-isa nang nagbabalik sa bus...

habang ang ilan ay humabol pa
sa pagkuha ng larawan...
souvenir...
wala lang...

may kamera man o wala...
magkakaroon ka pa rin ng katibayan


na ika'y bahagi ng naganap 
na paglusong sa dagat

mula sa Laiya, Batangas!

(*^_^)

ang saya lang... :))