Miyerkules, Mayo 9, 2012

Summer frustration


Kapag dumarating ang summer parang ang daming pwedeng gawin. Ang daming nililista na mga plano pero kung minsan...mmm... madalas hanggang plano na lang.

Kalagitnaan na ng summer... matatapos na nga dahil nagsimula nang umulan sa pagpasok ng Mayo pero parang wala pa ring nagawa sa mga binalak... kung meron man, ilan lang siguro.

Nakakalungkot kapag matatapos ang summer na hindi man lang nagawa ang mga binalak. Sana pala hindi na lang nagplano.

Una, ang isa sa mga gustong gawin pumunta kung saan-saan, eh, pero paano kung walang anda. Saan pa pupunta kung di sa bahay... stagnant!

Mainit. Mahaba ang byahe kaya tatamarin...ang plano na sa malayo pumunta... sa malapit mauuwi.

Kapag nasa bahay, super init. Syempre summer...gustong magswimming! Pero paano kung wala naman makasama...ano 'yun 'all by yourself ang drama' kalokah naman 'yon! Parang ang tatanungin mo kung malamig ba ang tubig ay ang sarili mo rin.... parang tanga lang!

Maganda rin sanang mag-aral ng mga bagong kaalaman. Iyon bang tipong lalabas ang talent mo. Pero dahil mahal ang mga registration fee, tuition fee... siguro sa isang taon na lang! ('yun din ang sinabi ko last year...LOL)

Maraming plano ang binalak na hindi na yata magagawa...ay sayang naman! :(

Ang ending sasabihin na naman natin sa ating sarili...

"Ang ikli naman ng bakasyon, ang dami ko pa namang gagawin."

Parang in-denial lang sa katotohanan na wala naman talagang nagawa o kaya'y ginawa.

Kaya naman para hindi manghinayang sa bakasyon, gawin na agad habang may panahon pa.

Kaya ayusin na ang mga gamit at go-mora na! (*^_^)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento