Naniniwala siya na wala akong hilig sa pagluluto...pero ang totoo...mmm...basta may dahilan :P
Kaya naman ibabahagi ko ang isa sa mga paborito kong lutuin. Mahilig ako sa mga ulam na may tomato sauce kaya halos lahat ng pwedeng lagyan nilalagyan ko.
Wala akong name for this dish. Di ko rin talaga alam kung anong tawag dito kaya naman bininyagan n'ya ang luto ko nang KATARATA! (sa huli ko na lang sabihin ang meaning...hehehe)
KARATATA
Mga kailangan:
sitaw - hiwain ng 2 inches long
patatas - hiwain ng pa-cubes
karots - hiwain din ng pa-cubes
sibuyas - hiwain ng maliliit
bawang - hiwain ng pino
bell pepper - kahit anong kulay... hiwain ng maliliit
baboy - pwedeng maliliit na cut o pwede ring giniling
at mga pampalasa ( asin, cubes, betsin, paminta)
Paraan:
- Pakuluan ang baboy o kaya giniling sa tubig may konting asin at betsin.
- Kapag natuyo na lagyan ng mantika at magkulay brown tapos itabi.
- Igisa ang bawang, sibuyas at bell pepper.
- Isama ang sitaw, patatas at karots.
- Lagyan ng pampalasa: asin, betsin, paminta at tomato sauce.
- Pakuluin hanggang sa maluto ang mga gulay.
- Dagdagan ng konting tubig kung malapot.
Pagkaluto...ayos na ang tiyan mo kasabay ang mainit na kanin.
Sabi naman nila...masarap naman daw ang luto ko.... kasi kung ako ang tatanungin n'yo...masarap talaga ang luto ko!
Chow!
Pahabol:
Ang ibig sabihin ng KATARATA ay....sekreto pa rin! (*^_^)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento