Tuwing dumarating ang buwan ng Pebrero at Marso bumibisita na rin ang DAT, RAT at NAT. Susukatin na naman ang mga natutunan ng mga mag-aaral. Maghahanda na naman nang sangkatutak na reviewer ang mga guro habang ang mga iniintinding mga mag-aaral ay tila wala naman pakialam…(pakiramdam ko lang ba?)
Ito rin ang buwan kung saan unti-unting tinatamaan ng katamaran ang lahat dahil sa kumakaway na ang bakasyon. Para bang abot-kamay na ngunit ang hirap abutin. Ang mga mag-aaral parang nagmamadali nang hatakin ang mga araw para makapagtampisaw sa tubig o kaya’y makapagbakasyon habang ang mga guro ay pilit na hinahabol ang ilan pang mga aralin na kailangang tapusin.
Laging ganito ang eksena kapag papatapos na ang school year…ang mga bata tamad na tamad nang ihakbang ang mga paa papasok ng paaralan at ang mga guro bagama’t excited na sa bakasyon ay ginagawa pa rin ang dapat para sa mga anak ng ibang tao.
At dahil matatapos na ang isang taong panuruan, nahaharap na naman sa sitwasyon ang mga guro kung saan ibubukas ang puso para sa mga tamad na mga mag-aaral at sisikaping bigyang ng justification ang markang kanyang na-compute. Habang ang mga mag-aaral naman lalo na ang mga alanganin ay panay ang pa-pogi at pa-tweetums sa mga guro para humingi ng pagkakataong maipasa sila.
Nariyan ang mga batang bitbit ang mga magulang at gagawing protector shield with matching luha kapag talagang walang pag-asa. Kung minsan naman ay kasama ang lolo, lola, kuya, ate o kung sino mang pwedeng maisama para makiusap sa mga guro.
Eh, kung gusto naman talagang pumasa ng mga batang ‘yan hindi ba tama lang na pumasok sila araw-araw at gawin ang mga Gawain sa loob ng silid-aralan? Kaya nga lang ang mga batang mahilig maki-usap, eh, ‘yung mga tipong isa o dalawang beses lang kung pumasok.
Kapag pinatawag ang mga magulang, hindi naman darating. Ang daming ganitong kuwento…na para bang guro lang at paaralan ang tagahubog ng isipan ng mga bata. Pagkatapos, kapag bumagsak ang anak, susugod sa paaralan upang magreklamo gayong kapag pinatawag o kaya ay may mga meeting, eh, hindi naman pumupunta.
Tulad ngayon, magtatapos na ang school year… maggra-graduation na… saka palang makiki-usap. Hihingi ng mga special projects bilang pampuno sa tatlong grading na hindi nila pinasukan… ano ‘yun ganun-ganon lang ‘yun? Kakalokah!
Eeksena rin ang mga aklat na dapat isauli. May mga magbabalik na sira-sira na… marahil ay gamit na gamit. Meron ding parang bagong bili… halatang itinago lang sa aparador.
Pasok din ang mga pag-aayos ng mga upuang tila pinahirapan ng mga nagsi-upong estudyante at pagpipintura sa mga dingding ng silid dahil ginawang chat room o kaya naman ay shout out ng mga damdamin o kaya advertisement ng mga naghahanap ng mga ka-text! Eksenaloo talaga nang super bongga… kung minsan ginamitan pa ng pentel pen.
Syempre, nandiyan ang praktis ng gradution. Pinagbubuti ng mga guro ang pagmamando sa mga bata habang sa huling pagkakataon ay magpapasaway pa ang mga ito. May mga mahuhuli nang dating at makakatanggap ng sermon. Meron di namang ninanamnam ang mga huling araw sa paaralan kaya naman pinagbubuti ang pag-eensayo.
Samantala, ang mga guro sa lower years ay patuloy na nagtuturo habang nag-aasikaso ng mga forms. Isabay pa ang mga reports na kailangan ipasa at mga home visit for the last time sa mga talagang di na pumapasok.
Ganito na talaga ang buhay ng mga guro at mag-aaral… kalian kaya darating na magiging magaan ang trabaho ng mga guro at hindi na magpapapampam ang mga bata? Hay, wish ko lang sa sunod na school year…haha! :)
like ko toh... tama as in.....
TumugonBurahin... hehehe... sakto ba? :))) thanks!
TumugonBurahintama ganyan tlga ang buhay ng isang guro
TumugonBurahinMagandang araw! Nais ko lang po sanang hingin ang permiso ninyo upang maisama ang litrato ng mga estudyante habang sinasagutan ang kanilang pagsusulit (http://2.bp.blogspot.com/-Gi3YFUQCrLI/T2NV1jvVFPI/AAAAAAAAAfw/dhtowxgo3BU/s1600/02-27-08_0922.jpg). Ang larawan ay nais naming isama sa isang grade school textbook. Maaari niyo po akong padalhan ng mensahe sa email address na ito: abivabookdev.kp@gmail.com. Maraming salamat po.
TumugonBurahin