Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mag-aaral. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mag-aaral. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Oktubre 7, 2013

Like din pala nila ako

Natuwa naman ako nang makatanggap ako ng mga liham, card at puso sa Araw ng mga Guro...meron din palang nagbibigay halaga sa akin bilang guro.


I have two hearts... :)





Natutuwa ako sa nilalaman ng kard na ito.

Karaniwan, di gaanong magugustuhan ng isang mag-aaral ang isang tulad ko pero ganoon pa man, nakakatuwang isipin na may mga nakaka-appreciate sa ginagawa ko. Kaya naman gusto kong magpasalamat sa mga gumawa at naglaan ng oras para pasalamatan ang isang tulad ko. 

Ngunit sa lahat ng gumawa ng card, natatangi pa rin ang gawa ng aking anak. Natutuwa ako sa palagian niyang paggawa ng card sa mga espesyal na mga araw tulad ng Teachers' Day! (*^_^)






Gawa ng aking anak! :)


Sabado, Marso 16, 2013

Bakas ng isang buong taon

Matatapos na naman ang isang taong paghahanda ng mga gawain, pagsasalita ng malakas, pagpapahaba ng pang-unawa at pagbibigay ng pansin sa kinakailangan. Mabuti at makakapagpahinga ang aming utak at lalamunan para mapaghandaan ang mga susunod na aakayin.

Kaya bago matapos ang taong ito narito ang ilang bunga ng mga pinagpaguran ng mga mag-aaral.


Gawa ng Pangkat 1 Ang Kalupi


Gawa ng Pangkat 2 Banyaga
Nakuha ng Pangkat 2 ang mga sumusunod na Pagkilala
Pinakamahusay na Aktres - Mary Grace Duero
Pinakamagaling na Pangalawang Aktres - Kate Gabin
Pinakamahusay sa Paglalapat ng Musika 
Pinakamagandang Sinematograpiya
Pinakamagandang Maikling Pelikula


Gawa ng Pangkat 3 Kinagisnang Balon
Nakuha ng pangkat na ito ang 
Pinakamahusay na Aktor - Ricardo Momongan Jr.
Pinakamagaling na Pangalawang Aktor - Ronnie Orga


Gawa ng Pangkat 4 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Ilan sa mga magandang blog na ginawa nila...

Blog ni Maricar Austria

Blog ni Anngelou Carpio

Blog ni Jake William Duaman

Blog ni Sairah Padernal

Sana ay ipagpatuloy nila ang pag-update ng blog kahit hindi na kinakailangan. 

Mas maging mabunga sana ang pag-aaral nila sa ikaapat na taon!
(*^_^)

Miyerkules, Marso 13, 2013

Nakakatuwa naman!

Hindi ko inaasahan ang natanggap ko ngayon mula sa mga mag-aaral ng Ikatlong Taon Pangkat 1 na naglalarawan sa akin. 

Natuwa ako sa kabuuan kahit pa may mga maling grammar dahil ito'y nakasulat sa Ingles.

Ang simple lang nagpakakagawa ngunit dahil sa ibinigay nilang oras para ito ay buuin sobra akong nasiyahan. Hindi ko naman ito hiniling sa kanila subalit nagpapasalamat ako sa pagbibigay halaga nila sa akin.

Maraming salamat talaga sa mga gumawa. (*^_^)





Biyernes, Setyembre 28, 2012

Di inaasahang tagumpay

Siguro isang mabilis na kuwento lang ito tungkol sa isang gawain na taon-taon  kong pinagdadaanan. Eto 'yung pakikilahok sa mga patimpalak na may kaugnayan sa School Paper.



Ngayong taon na ito ang pinaka mababang bilang ng batang kasama ko sa Division School Press Conference (September 20-22) dahil sa kulang sa budget kaya pito lang ang nadala ko. Before kasi palaging 12 ang dala ko para lumaban sa iba't ibang kategorya. (Filipino participant at ganun din sa English)

Sabi nga ng iba mas malaki daw ang possibilities na may manalo kapag maraming dalang bata sa contest pero may paniwala naman ang punongguro namin na kapag ang dinala mo ay 'yung may kakayanang manalo balewala ang may dalang marami.

Hindi naman sa di ko sinasang-ayunan ngunit nakadama ako ng lungkot sapagkat tila ilan lamang ang batang marunong sumulat... in-short, hindi ako umaasa na may makakapasok sa RSPC. Para sa akin maliit ang tsansa pero go pa rin.

Wala akong inaasahan na kung ano man. Kaya naman n'ung awarding na... mega chixmax pa ako.
Chrismae Lagumbay - 3rd place Pagkuha ng larawan

Jimson Madrona - 6th place Pagsulat ng Editoryal

Leonheil Zausa - 2nd Place Pagsulat ng Balitang Sports
12th Place Pagsulat ng Balita

Nemiah Parcon - 5th place Editoryal Kartuning

Biglang tinawag ang isa sa mga batang kasama ko at pasok siya sa top 7. Next category... pasok na naman ang isa pa sa top 7. Nakakalokah... nagulat pa ako... natuwa naman ako at sa pitong batang kasama ko apat ang kasama sa RSPC na gagawin daw sa Lemery, Batangas. Ang angas lang!

Nakamit din ni Edward Dompor ang 15th place sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita.

Natuwa talaga ko...as in BONGGA. Super tuwa rin ang pakiramdam ng aking mga anak! (*^_^)


The Stentor 8th place at Umalohokan 6th place Over-all. :))

Kahit malakas ang patak ang ulan, masaya kaming umuwi dahil sa mga natanggap nilang karangalan. :))

Martes, Agosto 14, 2012

Ipagpalagay mong tanga ako

Eto ang kuwento

Guro: Takdang aralin. Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumisimbolo sa inyong buhay.

Kinabukasan.

Guro: Ipasa ang takdang aralin. (Bumunot ng isa.) Ipaliwanag kung bakit ito ang iginuhit.

Mag-aaral: (Nagpaliwanag.)

Napansin ng guro na karamihan sa ginawa ng mag-aaral ay kandila. Kaya naman sinabi nito na

Guro: Wala na ba kayong maisip na iba? O, eto may puso pa e, di ba simbolo ito ng pag-ibig... eto naman may puso at may bilog sa gitna... gulong ba 'yong bilog na iyon?

Mag-aaral: (sumabat) Ma'am lemon po 'yung bilog.

Guro: (tumaas ang kilay) Ano daw ang sabi? Lemon  daw? Ginagawa yata akong tanga ng nagsabi n'un. O, sige ganito na lang, ipagpalagay na lang na tanga ako... bakit lemon ang nasa gitna? anong ibig sabihin n'on?

Mag-aaral: (sabay kamot sa ulo) akala ko lang po ma'am...


... kung minsan ang mga kabataan sa ngayon basta may masabi lang pero wala namang laman. Ito ay isang sitwasyon na para bang sa ginawa nung mag-aaral gusto n'ya lang magpatawa pero nakababastos na ng guro. Para bang gusto palabasin na tanga ang guro at hindi mapapansin ang sinabi niya. 

... maraming ganitong uri ng mag-aaral, mahilig sumabat kahit sa gitna ng talakayan at wala namang kaugnayan ang mga sinabi sa pinag-uusapan. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Ang kaseryosohan ng buhay mag-aaral ay hindi na mahalaga kundi ang lakas ng loob lang na maipakita sa kanyang mga mag-aaral na hindi sila kayang sawatahin ng mga guro dahil may batas na nagpro-proteksyon sa kanila?

... paano naman kaya ang mga guro kapag sila ang ginagawan ng di maganda ng mga mag-aaral? wala pa rin bang karapatan ang mga ito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili kahit pagkatao na nila ang tinatapakan ng mga walang galang na mag-aaral? Ano pa ang silbi ng ilang taong pag-aaral sa kolehiyo at pagkuha ng lisensya kung sa bandang huli ang mga bata na gusto nilang akayin sa kabutihan ay siya ring lalapastangan sa kanilang pagkatao. Hindi ba't nakakababa naman ng dignidad.

... at isa pa, hindi ba naiisip ng mga batang ito na ang panahong iniuukol ng mga guro sa kanila ay isang pagsasakripisyo sapagkat ang oras na dapat na ibigay nila sa kanilang mga anak ay nailalaan pa sa kanila. Kung tutuusin kahit nasa mga bahay na ang mga gurong ito, iniisip pa rin ang mga estudyanteng hindi pumapasok... nag-aalala sa mga estudyanteng maaaring bumagsak. Nag-iisip kung paano matutulungan kahit sa maliit na paraan ngunit ano ang nagiging kapalit ng lahat ng ito...

mas madalas gusto nilang gawing tanga ng harap-harapan ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng mga pagtatagni-tagni ng mga kuwento at pagsagot-sagot nang walang pakialam sa damdamin ng mga ito.





Biyernes, Marso 16, 2012

Eksena ‘pag patapos na skulyir! (Seryoso?!?)

Tuwing dumarating ang buwan ng Pebrero at Marso bumibisita na rin ang DAT, RAT at NAT. Susukatin na naman ang mga natutunan ng mga mag-aaral. Maghahanda na naman nang sangkatutak na reviewer ang mga guro habang ang mga iniintinding mga mag-aaral ay tila wala naman pakialam…(pakiramdam ko lang ba?)

Ito rin ang buwan kung saan unti-unting tinatamaan ng katamaran ang lahat dahil sa kumakaway na ang bakasyon. Para bang abot-kamay na ngunit ang hirap abutin. Ang mga mag-aaral parang nagmamadali nang hatakin ang mga araw para makapagtampisaw sa tubig o kaya’y makapagbakasyon habang ang mga guro ay pilit na hinahabol ang ilan pang mga aralin na kailangang tapusin.

Laging ganito ang eksena kapag papatapos na ang school year…ang mga bata tamad na tamad nang ihakbang ang mga paa papasok ng paaralan at ang mga guro bagama’t excited na sa bakasyon ay ginagawa pa rin ang  dapat para sa mga anak ng ibang tao.

At dahil matatapos na ang isang taong panuruan, nahaharap na naman sa sitwasyon ang mga guro kung saan ibubukas ang puso para sa mga tamad na mga mag-aaral at sisikaping bigyang ng justification ang markang kanyang na-compute. Habang ang mga mag-aaral naman lalo na ang mga alanganin ay panay ang pa-pogi at pa-tweetums sa mga guro para humingi ng pagkakataong maipasa sila.

Nariyan ang mga batang bitbit ang mga magulang at gagawing protector shield with matching luha kapag talagang walang pag-asa. Kung minsan naman ay kasama ang lolo, lola, kuya, ate o kung sino mang pwedeng maisama para makiusap sa mga guro.

Eh, kung gusto naman talagang pumasa ng mga batang ‘yan hindi ba tama lang na pumasok sila araw-araw at gawin ang mga Gawain sa loob ng silid-aralan? Kaya nga lang ang mga batang mahilig maki-usap, eh, ‘yung mga tipong isa o dalawang beses lang kung pumasok.

Kapag pinatawag ang mga magulang, hindi naman darating. Ang daming ganitong kuwento…na para bang guro lang at paaralan ang tagahubog ng isipan ng mga bata. Pagkatapos, kapag bumagsak ang anak, susugod sa paaralan upang magreklamo gayong kapag pinatawag o kaya ay may mga meeting, eh, hindi naman pumupunta.

Tulad ngayon, magtatapos na ang school year… maggra-graduation na… saka palang makiki-usap. Hihingi ng mga special projects bilang pampuno sa tatlong grading na hindi nila pinasukan… ano ‘yun ganun-ganon lang ‘yun? Kakalokah!

Eeksena rin ang mga aklat na dapat isauli. May mga magbabalik na sira-sira na… marahil ay gamit na gamit. Meron ding parang bagong bili… halatang itinago lang sa aparador.

Pasok din ang mga pag-aayos ng mga upuang tila pinahirapan ng mga nagsi-upong estudyante at pagpipintura sa mga dingding ng silid dahil ginawang chat room o kaya naman ay shout out ng mga damdamin o kaya advertisement ng mga naghahanap ng mga ka-text! Eksenaloo talaga nang super bongga… kung minsan ginamitan pa ng pentel pen.

Syempre, nandiyan ang praktis ng gradution. Pinagbubuti ng mga guro ang pagmamando sa mga bata habang sa huling pagkakataon ay magpapasaway pa ang mga ito. May mga mahuhuli nang dating at makakatanggap ng sermon. Meron di namang ninanamnam ang mga huling araw sa paaralan kaya naman pinagbubuti ang pag-eensayo.

Samantala, ang mga guro sa lower years ay patuloy na nagtuturo habang nag-aasikaso ng mga forms. Isabay pa ang mga reports na kailangan ipasa at mga home visit for the last time sa mga talagang di na pumapasok.

Ganito na talaga ang buhay ng mga guro at mag-aaral… kalian kaya darating na magiging magaan ang trabaho ng mga guro at hindi na magpapapampam ang mga bata? Hay, wish ko lang sa sunod na school year…haha! :)