Tinatanong ko ang sarili kung excited ba ako sa pasukan... pero parang wala lang akong reaksyon.
Panibagong yugto na naman ito ng kabanata ng aking buhay bilang guro. Nakakalungkot dahil wala akong advisory class. Kung minsan kasi ang pagkakaroon ng advisory class ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Para bang enjoyment at fulfillment.
Pero, mag-uumarte pa ba ako. Sa mga gawain ko siguro mas makakabuti na nga lang rin na hindi na lang muna ako magkaroon. May tinuturuan naman ako.
Sa unang araw, ang daming sumulpot na mga kukuha pa lang ng card. Magpapa-enrol at mga medyo nawawala at hindi alam kung san pupuntang seksyon.
Nandyan din ang mga nakiki-usap na ilipat ang kanilang mga anak sa umaga o kaya naman sa hapon.
Ang mga adviser naman ay nagbigay ng mga rules and regulation, books at kumuha ng mga information about their students.
******
Another batch... pang-ilan ko na ba ito? mmm... pang sampu na! Akalain mo, ten years na akong nagtuturo...oldy na pala ako! hehehe... edad lang ung old pero ang looks... hende noh!
******
I was hoping for the best year ever... but every year may mga special part... I wonder kung ano ang special sa taong ito.
******
Last year, sa gitna ng taon nagkaroon ng pagbabago. Naglipatan ng mga Principals at naglipatan ng pwesto... at ngayong taon... lilipat na naman kami ng pwesto... but its not negative... para rin 'yon sa ikabubuti ng mga students!
*****
Ewan ko ba bakit tuwing kaharap ko ang blog ko wala akong maisulat na matino tulad ngayon... kanina naman parang ang daming gumugulo... hays!
Second week na ngayon....
Ano kaya ang nasa dako paroon?
(*^_^)
tama nga naman ma'am 10 na kayong nagtuturo medyo nga may edad na pero hindi naman po halata sa looks ehh.... para si dawn zulueta lang ang peg!!! hehehehe
TumugonBurahinTalaga lang... salamat! :))
Burahin