Ipinapakita ang mga post na may etiketa na thoughts. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na thoughts. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 8, 2017

Pagtalikod sa lahat

Isang buong taon ang lumipas at lahat ng mga nangyari ay bahagi na lamang ng isang alaala. Isang kasaysayang lilingunin upang makita ang mga dahilan ng mga bagay na nangyari at upang pahalagahan ang idinulot nito sa ating buhay.

Maraming nagbago at nangyari nitong nakaraang taon (2016) na hindi ko lubos maisip na magaganap. Biglang pumasok sa isip ko na ganoon lang pala kabilis ang lahat kaya dapat pinahahalagan lahat ng dumarating na araw. Sa pakiwari ko, ako'y nawala bagaman hindi pansin ng marami... kung sa bagay hindi ko naman nais na mapansin pero kung minsan may mga makakasalamuha tayo na hindi man lang naiisip ang mga pinagdaraanan natin.

Buwan ng Pebrero, gumuho ang buong mundo ko sa pagwala ni Tatay. He's my Hero. Hindi ko naisip na darating nang ganoon kaaga ang pag-alis niya. Nasaktan ako, at hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung okay na ako. Tuwing maaalala ko siya ay naluluha pa rin ako. Nakakamiss ang mga suporta niya... encouragement niya at tiwalang binibigay niya na hindi ko nakukuha sa iba. Iba siya sa lahat at iyon ang tunay kong namimiss sa kanya. 

Bigla kong na-realize na mas importante pala ang oras sa pamilya kaysa oras na ginugugol natin sa pahahanapbuhay. Siguro iyon ang bagay na nakakaramdam ako ng pagkukulang ko sa kanya. Kung mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na hindi pumasok at binantayan ko siya siguro kasama pa namin siya. Kaya lang kahit naman iyon ang iniisip ko, wala na rin namang mangyayari. Sabi nga ng marami, mag-move on na lang daw. Isipin na lang na nasa mas okay na siyang lugar. Pero iba ang naging impact nito sa akin.

Naisip ko na dapat sigurong mas bigyan ko ng panahon ang pamilya. Kaya dapat ko nang iwan lahat para mas magkaroon ako ng oras. Mas importante pala ang oras kaysa ano pa mang materyal na bagay. Kaya iniwan ko lahat. Binitawan ko ang mga bagay na sa palagay ko kailangan ko nang bitawan. 

Bagaman may kirot sa aking puso ang desisyong ito ay ginawa ko dahil alam ko na kung nakaya ko ay magagawa rin naman ng mga pagbibigyan nito. 

Masaya ako. Naging masaya ako sa desisyon ko, ngunit napagtanto ko na may mga bagay pala na hindi mo aasahan. Marami rin akong nakitang mga tunay na tao at mga nagiging mabuti lamang sa iyo kapag may hihita sa iyo. Ganoon pala talaga ang buhay. Kapag nawawalan ka na ng silbi sa buhay nila, wala ka ng kuwenta. At naramdaman ko iyon.

Minsan, kahit anong buti pala ang hangad mo para sa iba... iyon pa ang magbaba sa iyo. Nakalulungkot lang na may mga ganoong klase ng tao. Para umangat ay mang-aapak. Pero iniisip ko na lang ang mga sinasabi sa akin ng tatay ko. Mas mabuti na ikaw na ang magpasensya. 

Sa pagtalikod ko lahat ng mga bagay na naging araw-araw ko gawain nitong nakaraang taon, nakaramdam ako ng ginhawa, totoo 'yun. Hindi na ako haharap ng laging nakangiti at approachable. Hindi na ako haharap sa mga hindi totoong tao. Hindi na ako mag-iisip ng mga bagay na ipangpupunan ko sa pagkukulang ng iba. Hindi na ako makikipagbolahan sa mga maraming sinasabi. Nakakapagod kasi. Mahirap pala na lagi kang umuunawa pero ang mga nakapaligid sa iyo, sarili lang ang iniisip. Nakakapagod habang may mga tao pala akong hindi ko nabibigyan ng panahon dahil sa pag-unawa ko sa kanila.

Kaya nga lamang, minsan, mapagbiro ang tadhana. Sa isang banda ng isip ko, ayaw ko na. Pero pumasok sa isip ko ang mga binabanggit ni Tatay noon. Sa isip ko, baka kung magawa ko ang mga bilin niya... kahit paano, magiging masaya siya sa langit at hindi na niya kami... ako poproblemahin.

Minsan sa pagtalikod natin sa mga bagay na meron tayo, iyon ang mga panahong makapag-iisip tayo ng mga bagay na makabubuti sa atin. Nakakapagmumuni-muni tayo sa mga bagay na maaari nating mapagdesisyunan.

Malapit na ang babang-luksa ni Tatay. Hindi ko pa rin mapigil ang aking mga luha tuwing maiisip ko iyon pero sana, masaya na siya. Sana doon payapa siya at nakapagpapahinga ng mainam. 

Bahagi na lang siya ng aking pagkatao na patuloy na mabubuhay sa puso ko. (*^_^)

Biyernes, Agosto 22, 2014

Himutok

Gusto ko sanang kutusan ang tulad mo
mahilig mag-isip ng kung ano-ano
wala naman sa lugar ang  pagtatampo.

          Gaano ba kakitid ang utak mo
          at hindi maunawaan ng husto
          naabala ang lahat saan mang dako.

                    Kung ang ginawa mo'y nakiisa
                    at hindi pansarili mong mga nasa
                    siguro ay mas nakatulong ka pa.

                              Ngunit pinuno mo nang isipin
                              ang mga tao sa iyong paligid
                              nakasira ka nang sobra sa gawain.

                                        Ano man 'yang pinadaraanan mo
                                        wag na sanang kami'y idamay pa
                                        at kami'y hindi mahilig sa negatibo. (*^_^)

Martes, Hunyo 12, 2012

Balik-eskuwela na naman!

Tinatanong ko ang sarili kung excited ba ako sa pasukan... pero parang wala lang akong reaksyon.

Panibagong yugto na naman ito ng kabanata ng aking buhay bilang guro. Nakakalungkot dahil wala akong advisory class. Kung minsan kasi ang pagkakaroon ng advisory class ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Para bang enjoyment at fulfillment.

Pero, mag-uumarte pa ba ako. Sa mga gawain ko siguro mas makakabuti na nga lang rin na hindi na lang muna ako magkaroon. May tinuturuan naman ako.

Sa unang araw, ang daming sumulpot na mga kukuha pa lang ng card. Magpapa-enrol at mga medyo nawawala at hindi alam kung san pupuntang seksyon.

Nandyan din ang mga nakiki-usap na ilipat ang kanilang mga anak sa umaga o kaya naman sa hapon.

Ang mga adviser naman ay nagbigay ng mga rules and regulation, books at kumuha ng mga information about their students.

******
Another batch... pang-ilan ko na ba ito? mmm... pang sampu na! Akalain mo, ten years na akong nagtuturo...oldy na pala ako! hehehe... edad lang ung old pero ang looks... hende noh!
******

I was hoping for the best year ever... but every year may mga special part... I wonder kung ano ang special sa taong ito.
******

Last year, sa gitna ng taon nagkaroon ng pagbabago. Naglipatan ng mga Principals at naglipatan ng pwesto... at ngayong taon... lilipat na naman kami ng pwesto... but its not negative... para rin 'yon sa ikabubuti ng mga students!
*****

Ewan ko ba bakit tuwing kaharap ko ang blog ko wala akong maisulat na matino tulad ngayon... kanina naman parang ang daming gumugulo... hays!

Second week na ngayon....

Ano kaya ang nasa dako paroon?

(*^_^)