Sabi
n’ya…salamat sa Diyos at natapos din…
Sabi naman
n’ya…mabuti pa ikaw nagpapasalamat na ako…Help me God…
Ilan lang
ito sa mga usapang tila joke pero may katotohanan…madalas itong maririnig sa
amin tuwing matatapos ang taon. Madami kasing kailangang tapusin at ipasa sa
nakatakdang deadline.
Kung
minsan akala mo ay tapos ka na…pero may kulang pa pala. May mga pagkakataong
may makakaasarang kasamahan dahil sa hindi pa nagbibigay ng kailangang datos
para sa ginagawa mo.
Ganyan ang
buhay ng mga tulad naming mga guro. Para bang hindi na nauubusan ng gagawin at
kahit naman sa pangkaraniwang araw ng pagtuturo at pagpasok sa paaralan laging
kumakaway ang mga Gawain. Kaya naman kapag nakatapos na sa isa ay abut-abot ang
pasasalamat habang ang iba naman ay tila humihiling sa taas na matapos na ang
kaniya.
Nakakabaliw
na nakakatuwa ang magturo. Nakakatuwa ang mga interaksyon sa mga bata subalit
nakakabaliw ang sangkaterbang paper works. May mga ora-oradang ipapagawa na
kung minsan kahit nagtuturo ay maaabala sapagkat kailangan ng ipasa…agad-agad…parang
atat lang!
Noon, ang
konotasyon ko sa mga guro…nakaharap lagi sa mga mag-aaral at nagtuturo. Gagawa
lamang ng kanyang lesson tapos biswal at magrerekord ng grade pero hindi pala.
Napakarami palang iintindihin ng isang guro bago n’ya maintindi ang kanyang
pagtuturo. Nakakalungkot, hindi ba… Sapagkat ang isang dahilan kung bakit nasa
paaralan ang guro ay para hubugin ang isipan ng mga kabataan ngunit paano naman
maibibigay ang sangdaang porsyentong powers ng guro kung bugbog na sa mga kung
anu-anong report.
Ngunit
sabi nga, kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan… kaya naman lahat ng
gawaing ‘yan ay easy lang sa gurong maabilidad at may puso sa kanyang ginagawa.
Kaya nga lang, tila nagiging palabigasan na lang ang pagiging guro. Para bang
kaya kumuha ng education ay dahil stable ang status ng trabaho. Parang peso
sign lang ba… ganun!
Pero sana
hindi ganoon…hindi naman kasi biro ang maging isang guro. Madaming maapektuhan
lalong-lalo na ang mga kabataang uhaw na uhaw sa kaalaman. Bagamat mahirap at
masakripisyo ang pagiging guro masasabing isa ito sa pinaka-noble profession.
(*^_^)
Hunyo 14,
2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento