Isa lang ang alam ko, maraming beses n'ya akong napatawa. Mula sa mga pelikula at mga palabas na pangtelebisyon doon ko siya nakilala.
Hindi naman ako isang super fan pero alam ko na gusto ko ang paraan n'ya ng pagbibigay-aliw sa mga manonood.
Eh, sino ba namang Pilipino ang hindi nakakikilala sa kanya? Halos 60 taon n'yang binigyan ng saya ang buong bansa at maituturing nang bahagi ng buhay ng isang karaniwang Juan at Inday.
Naabutan ko pang ipinapalabas sa RPN 9 ang John en Marsha at lumaki akong nanonood ng Home Along da Riles. At ang kauna-unahang kong napanood na pelikula sa sinehan ay ang Once upon a time kung saan siya ang bida.
Thankful ako dahil sa kanya ay napapawi ang lungkot na nararamdaman ko noon sa pamamagitan ng mga palabas niya.
Hindi ko man personal na kilala ang tinaguriang Hari ng Komedya masasabi kong sa dami ng mga nagbibigay ng papuri sa kanyang paglisan ay sapat nang kaalaman na siya ay isang mabuting tao sa harap at likod ng tabing.
Malungkot man ang lahat sa pagkawala niya... pero ang alaala niya ay mananatiling masaya sa puso ng bawat Pilipinong manonood ng kanyang mga pamanang mga palabas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento