Sa
ikatlong pagkakataon, nakapunta ako sa isang cosplay event… Otaku Expo 2012.
Syempre, hindi napigilan ng malakas na ulan ang nagpupumilit at makakating paa.
Nakaplano
na ito subalit nagkaroon ng pasok ang sabado kaya naman hapon na kami naka-alis
kung kaya’t ilan na lang ang inabutan namin sa Megatrade Hall ng SM Megamall.
Halos
isang oras at kalahati pa kaming naghintay sa sakayan kaya naman bonggang hapon
na dumating…as in hapon na… alas-5 na kasi.
Dumating
kami na may tumutugtog na banda, kung ano ang kanilang kinakanta hindi ko alam…
medyo windang pa kasi kami sa byahe. Naging sentro ng atensyon ng kasama
ko…(kapatid ko) ang mga dvd… usual Japanese series o kaya ay anime!
Umubos
din kami ng halos isang oras kaka-paroo’t parito…tingin doon tingin dito ng
kung anik-anik.
Bago
pa, kami nagpakuha ng picture sa mga nanatili at pagod nang cosplayer. Buti nga at nagpa-unlak pa sila.
Anyway,
masaya pa rin naman sa pakiramdam ang makapunta at maging isip bata. Kaya lang,
nagulat ako nang may tumawag sa akin ng ‘Ma’am’… nandoon din pala ang isa sa
mga naging estudyante ko… nakakahiya… hehehe…as if! Nahiya ako ng konti… LOL.
Masaya
naman ang ilang oras na pagstay namin… pero sa susunod dapat na maagang
makapunta…hehehe… it only means na hindi dito natatapos ang pagdalo ko sa
ganitong events. Sure ‘yon! (*^_^)
Walang kaalam-alam ang may-ari ng likod na iyan na may picture na siya... pasaway lang kasi ang nagpa-picture... LOL |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento