Tatlong
araw nang walang pasok.
Walang
bagyo pero di maawat ang langit sa pagluha.
Sa
mga tamad, ayos ito!
Sa mga masisipag, sayang naman.
Sa
mga magulang na nagbayad ng tuition fee, lugi naman.
Sa
mga may negosyo, matumal.
Sa
mga bagong kasal, bongga ‘yan.
Sa
mga may kasintahan, nakakalungkot.
Sa
mga walang pera, okay lang.
Sa
mga foreigner, oh my!
Sa
mga mahilig sa facebook, yehey!
Sa
mga mahilig sa tweeter, twit-twit!
Sa
mga nasa mababang lugar, matubig.
Sa
mga nasa mataas na lugar, madulas.
Sa
mga apektado, tumulong tayo at magdasal.
Sa
mga walang paki-alam, tulog ka na lang.
Sa
mga nagtataka, wag na!
Sa
mga nagbabasa, bakit?
Sa
gumawa nito, pahinga ka na!
Walang
magawa, iyon ang dahilan.
Sa
dami ng gagawin, walang masimulan.
Sa dami ng sisimulan,
walang magawa. (*^_^)
makes sense... iba-iba nga naman po ang epekto satin ng hindi magandang panahon(sobrang pangit na panahon). Pero nakakatawa talaga yung 'sa mga walang pakialam, tulog ka na lang.' Pero ang totoo, nakakatawa man, nakakalungkot din isipin na kahit gaano kasama ang panahon(o kung ano man), may mga tao talagang walang pakialam. Itawa na lang po ma'am. hahahahaha. - Garri
TumugonBurahinGanun na nga siguro... :((
Burahin