Natutuwa kami sapagkat noon reunion namin dumating sila. :) |
Napagdesisyunan ko na dapat ko pang ituloy ang pagkukuwento sa mga naging guro ko sa hayskul ... pero hindi ko na iisa-isahin. Kaya naman kung sino ang nagkaroon ng tattoo sa utak at puso ko...sila ang bida sa pangalawang yugto ng aking mga guro.
Hayskul.
Filipino. Isa sa mga naging paborito kng guro sa Filipino ay si Bb. Inlayo. Nakakatuwa siyang magturo, may kantahan at kung minsan umiindak pa siya sa harapan. Naging masaya ang Filipino para sa akin nung ako'y nasa Unang taon.
English. Kung meron man akong natatandaan na guro sa English siguro si Mrs. Zenaida Aquino na 'yun. Hindi ko lang siguro ganun kagusto ang English. Kasi kailangang sagutan ang makapal na libro na Grammar and Composition...pero mahal na mahal ko ang pagbabasa sa wikang Ingles pero hindi ko trip pag-aaralan ang grammar...literature lang! (Wala nga akong gaanong maalala sa itinakbo ng buong apat na taon ko hayskul pagdating sa asignaturang Ingles...parang lost ako masyado!haha...)
Math. Isa lang ang natatandaan kong guro sa Math. Siya ay walang iba kundi si Mr. Dugay. Kesehodang umabot hanggang pinto ang solusyon basta maunawaan lang namin. Nakakatakot si Sir Dugay pero super funny siya. Paborito niya ang awiting 'Ever since the world began'... ewan ko lang kung hanggang ngayon. (hehe...) Nakikita ko pa rin siya paminsan-minsan at tulad pa rin siya ng dati! :)
Science. Dalawang guro sa Agham ang natatandaan ko. Una si Mrs. Martinez, nagtuturo ng Chemistry. Paano ko ba siya malilimutan, eh, sa kanya ako nakaranas na magputong ng kalabasa dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng symbol na 'K'...kaya ang potassium di ko makakalimutan. Ang isa pang guro sa science na di ko malilimutan ay si Mr. Panganiban. Hindi ko masyadong gusto ang Physic pero dahil sa kanya... na-enjoy ko ang science 4. Mabait at malunay kasi siya magsalita ngunit may diin kung saan di mo nanaising makipag-tsismisan sa iyong katabi. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin siya ... ngunit hindi ko tiyak kung nagtuturo pa siya.
Aaraling Panlipunan. Isa lang ang natatandaan kong guro sa AP. Siya ay walang iba kundi si Sir Taguinod. Dahil sa kanya nakabisado ko ang mapa ng iba't ibang kontinente. Lagi kong inaabangan ang oras ng kanyang turo dahil sobra akong nag-eenjoy.
TLE. Si Mr. Sibal ang hindi ko makakallimutang guro sa TLE sapagkat sa kanya ako nahasa sa paggamit ng typewriter na hanggang sa ngayon ay nagagamit ko sa pagtipa ng keyboard ng computer. Nagturo din siya ng business management at pagprint sa t-shirt. Isa rin ito sa mga kaabang-abang na subjet para sa akin.
MAPEH. Nag-iisip ako kung sino ang tumatak na guro para sa akin sa asignaturang ito... at laging bumabalik ang isipan ko kay ms. Tacsuan. Mabait, maganda pero stirkto. Madalas siyang makasama sa mga palaro. :))
Kung pag-uusapan naman ang Values Education... si Mrs. Lugo na 'yan. Napakamalumanay magsalita. Maganda at mabait.
Pero ang isang tao na hindi ko pwedeng makalimutan nung hayskul ay walang iba kundi ang aming punongguro...si Mrs. Jornacion. Kapag sinabing 'nand'yan na si MISIS...alam na namin kung sino. Napaka-strikto niya at sadyang disiplinado sa maraming aspeto. Takot ako sa kanya noon... pero natutuwa ako tuwaing nakikita ko siya. Naaalala ko kasi ang aking kabataan sa kanya. :)
Hindi ko naman sinasabing sila lang ang mga naging guro ko. Marami sila subalit sila 'yung mga tumatak dahil na rin sa paraan nilang magturo. Lahat pa rin naman ng mga naging guro ko nung hayskul ay bahagi na ng aking buhay.
PS...
Hindi ko na inilagay ang kanilang mga pangalan sapagkat baka magkamali pa ako. :P
Nais ko pa sanang ikuwento ang mga propesor ko nung kolehiyo ngunit sa aking palagay may ibang araw para dito.
Sa susunod sila naman ang ibibida ko. (*^_^)
Kasama namin si Mrs. Martinez at Ms. Tacsuan. :) |

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahin