Ipinapakita ang mga post na may etiketa na byahe. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na byahe. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Abril 8, 2014

Team bonding 101



Ayon sa isang qoute:
All work and no play makes Jack a dull boy.
at dahil ayaw naming maging dull boy and girl... nagkaroon kami ng Team Building!

We went to Paraiso Beach Resort at Sariaya, Quezon and have fun.

Two days and one night kami roon. Dumating kami ng 12pm doon at ariba na sa dagat ang iba. Yung iba dahil uso ang selfie... namasyalan na agad at nagkukuha ng mga picture ng kanilang sarili o kaya kasama ang kanilang mga friendship.


Post dito. Post doon. At dahil hi-tech na lahat, agad-agad ang iba naka-status na sa FB o sa kaya ay sa Twitter. (Ang sosyal!)

May mga inuna ang kumain. May mga nagpahinga dahil sa haba ng byahe. May mga naghuntahan. May mga nag-videoke. May maganda ang boses pero may mga gustong magpumilit humawak ng mic.

Ang mga takot sa araw, hinintay muna ang paglubog ng araw bago lumusong sa tubig.

About the place, maganda naman. May swimming pool din bukod sa baybaying dagat. Nakakatuwa rin dahil may palaruan para sa mga bata at mga isip bata. May ilang mga hayop na maaaring makita. Masarap din ang mga pagkain.


Pero bukod sa mga magagandang tanawin, masasarap na pagkain at mainit-init na tubig ng dagat at pool... ang masayang bagay na meron sa pamamasyal na ito ay ang mga kasamang maaaring hindi pa lubusang kakilala o kaya naman ay mga kasama nang inugatan sa trabaho.

Pagkatapos kumain ng hapunan, nagkaroon ng gathering (team building). Nagsimula kami sa panalangin na pinangunahan ni Sir Roque. Sinundan ng ice breaker ni Ma'am Carly with her girlfriends Ma'am Shen Ann and Ma'am Ruth. Nakigulo rin sa ice breaker si Sir Timmy sa kanyang bahay kasama si Sir Vergel at Sir Andrew. Tamang tawanan lang.



Isa sa mga highlight ng gabi ang pakikinig sa word of wisdom na mula kay Sir Tipay kung saan ay tinalakay niya ang VOTE. V for vision, O for organize, T for trust and E for endure. Sinasabi na kailangan ng unity and trust sa kapwa para maging maganda ang samahan sa buong faculty.


Nagbigay naman ng words of encouragement si Sir Beltran, ang aming principal at isa sa mga ibinahagi niya ang parable tungkol sa mga geese na lumilipad ng naka-V formation. Lumilipad sila as a group at hindi nag-iiwanan. Naibahagi rin niya ang tungkol sa pencil maker. Sa huli ng kanyang pananalita sinabi niya na kailangan daw na magkaroon ng legacy sa mga bata ang bawat isa sa amin at matutong makinig dahil sa pakikinig mas mauunawaan natin ang isa't isa.

Ang gawain naman na ibinigay ay ang pagsasama-sama ng mga magkaka-department at pag-uusapan ang kung ano mang problema sa grupo. Pero may rules na ibinigay: 1. Wait for your turn, 2.Respect. Refrain from butting in while someone is speaking. 3. Accept positively what you hear and reflect.

Dapat ay 15 minutes lang ang group activity ngunit dahil siguro sa dami ng kailangang pag-usapan... tumagal ang sharing ng isang oras. Nagkaroon naman ng sharing after at nakakatuwa naman ang result.

May kanya-kanyang sabeh ang bawat dept.

EP - sabi nila maganda ang chairman.

MAPEH - tawagan nila 'gurl' kahit may mga boylet.
TLE - Bawal ang nakasimangot at payat


AP - pwede ang payat at iisipin ang sinasabi ng bata


SCIENCE - sila raw ay gwapo at magaganda (ayon lang yun sa kanila) at may pagkakaisa

MATH - Inglesero... kailangang magreach out


ENGLISH -  we had issues but not yet settled... but we're able to talk about it. We are dynamic.

FILIPINO - Were interrelated.

UTILITY - pagpapahalaga sa pagmamay-ari ng paaralan...

Natapos ang gawain hatinggabi na. Karamihan ay nagpahinga pero may mga nagkukuwentuhan, may mga social drinking....at may mga ayaw paawat sa videoke.

Sa pagsapit ng umaga, talbugan na agad sa tubig habang hindi pa matindi ang init ng araw habang ang TLE naman ay naghahanda ng agahan. Masayang almusal ang nangyari. :)



Tamang saya lang naman ang nangyari. Masayang nag-uwian at plakda lahat sa bus. :) :) :)




Huwebes, Hulyo 28, 2011

Sa sasakyang pampasahero


Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman kanina nang sumakay ako ng jeep papasok sa trabaho. 

Malapit nang mapuno ang jeep siguro ay mga apat na tao na lamang ang hinihintay at lalarga na...kaya naman wala na akong choice mamili ng uupuan. Isa pa, medyo naghahabol na ako ng oras at baka mahuli pa ako ng dating...umuulan pa!

Sa madaling salita, nagtuloy-tuloy ako loob ng jeep na hanggang umabot ako malapit sa likod ng drayber. Sa kabilang side may kakilala pa ako at nakabatian...sa tabi ko ay mag-asawa yata 'yun…hindi ko alam kung mag-ano sila basta ang alam ko may relasyon sila..lalaki ang nakatabi ko at nasa likod ng drayber ang babae.

Hindi naman ako maselan sa katabi pero minsan talagang may kakaibang pakiramdam tayong mga babae sa ikinikilos ng mga katabi natin sa jeep lalo na kung ito’y lalaki. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa katabi ko at panay ang dukot sa bulsa ng kanyang pantalon kung saan nakadikit sa akin. N’ung una dedma lang…baka naman talagang may kukunin siya…sige pagbigyan.

Pero ang ikinaasaran ko ay tila pinipilit niyang humarap sa akin…hindi ko maintindihan kung ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng katulad ko…kung yelo ako siguro natunaw na ang kamay at braso at mukha ko sa sobra niyang pagtingin.

Sa kasagsagan ng byahe aba…dumukot na naman sa bulsa…kunyari kinuha ang celfon niya eh hindi naman tumunog at kunyaring inilagay sa bag…at muli dumukot sa bulsa na hindi ko alam kung ano namang kinuha.

Sa isip ko, sana’y malapit na ang bababaan ko dahil kung hindi ay hindi ko na mapipigilan ang aking matabil na bibig at makakarinig siya ng mga salitang hindi n’ya magugustuhan.

Tila hindi pa siya nagsawa sa babaeng katabi n’ya na maya’t maya ay inaakbayan at inaamoy-amoy…buti sana kung may fes s’ya eh wala naman…parang galing sa inuman na naisipan lang sumakay ng jeep at magtrip sa pagmumukha ko.

Kabuwisit talaga siya as in! Lingid sa kaalaman ko ay katabi ko pala ang isang kasamahan buti na lang at medyo nawala ang kunot sa noo ko dahil may nakausap ako. Mabuti na lang rin at malapit na kaming bumaba…naglalaro na nga sa isip ko na sadyaing apakan ang kanyang paa o kaya ay sikuhin siya bago bumaba. Para makabawi sa pagkaasar ko sa kanya…pasalamat siya at naka-uniporme ako kung hindi…dyinombag ko siya ng bongga! Hmp!