Isang nakakatuwang kwentuhan tungkol sa bulutong tubig o chickenpox ang naging paksa ng usapan kahapon. Sabi kasi uso na naman daw ang bulutong at doon nagsimula ang kuwento.
Noon, akala ko mga kabataan lang ang nagkakaroon ng bulutong at lahat dumadaan at nagkakaroon nito…hindi pala. Mali pala ako sa hinalang iyon dahil meron pa palang hindi nagkakaroon ng bulutong.
Isa sa mga kasamahan ko ang hindi pa pala nagkakaroon ng bulutong kaya ng pinag-usapan namin ang tungkol dito aba’y walang humpay na tanong ang ginawa niya.
Hindi na daw ngayon kailangan palabasin lahat ng bulutong…kapag may lumabas daw na isa magpatingin na daw sa doctor o dermatologist. Isa pa may bakuna na para dito. Nag-aalala din ako para sa anak ko kaya interesado din ako sa pinag-iisipan namin.
Sa usapan naming ay bigla siyang nagtanong kung saan daw nagpatingin ang isa pa naming kasamahan na si Rie noong nagkaroon siya nito. Noong nakaraang taon lang kasi siya nagkaroon at natatakot si Taz…dahil nga hindi pa siya nagkakaroon.
Si Taz ay isang mahusay na mang-aasar sa amin. Mahilig manlait kapag nagbibiruan kami at talagang sagad sa buto. Bigla ko tuloy nasabi na gusto ko siyang makitang magkaroon ng bulutong at kapag nangyari ‘yun ay reregaluhan ko siya ng itlog na puti, itlog na pula, sugpo at alimasag.
I wonder kung makapang-asar pa siya pagkatapos n’un…hahaha…ang sama ko daw…sabi n’ya pero habang nag-uusapan kami talagang ayaw niyang magkaroon nito. Sabagay sa edad niya, mahirap nga ang magkaroon ng bulutong kasi mas malalaki at malalim ang iniiwang nitong sugat…kailangan talagang magpaderma.
Sayang nga naman ang kanyang makinis na mukha…hahaha…ang kanyang makinis na balat na may kaputian. Kung ako ang nasa kalagayan n’ya marahil ay hindi ko rin nanaisin na magkaroon nito. Kaya nga lang paano kung magkaroon nga siya nito ngayon. Ano kaya ang gagawin n’ya?
Hindi ko naman pinapanalangin na magkaroon siya nito…nakakatuwa lang na ang isang tulad niya ay may takot pala sa bulutong. Hindi ko lang alam kung ano ang kinakatakot niya…iyon bang magkakapeklat siya o iyong magiging bahagi siya ng mga asaran naming araw-araw? …hahaha…nagtatanong lang naman…(*^_^)
Cguro umiiwas lang un sa kahihiyan kasi nga magiging sentro sya ng asaran.... mas matimbang un, kesa sa malalalim n peklat batay sa pagkakakilala ko sa knya... may gamot sa peklat (I know, right?) e sa pang-aasar, wala..wala..walaaaaaa!!!!!!!! Nakakatuwa ang blog na ito...
TumugonBurahinbka naman natatakot lang sya na magkasakit..kaseh nga iniisip nya masakit
TumugonBurahinpara skin, di lang dapat bulutong ang kumapit sa kanya, sana halos lahat ng skin diseases mamahay sa buong katawan nya, at patuloy pang magpropagate,... di naman ako galit sa kanya pero sa kulay kong ito at sa magiging kulay nya mtapos dumanas ng ganong delubyo sa balat ewan ko lang kung my pang-aandira pa cyang magawa. . hope you read this blog... pa-involve lang,,, hehehe,PEACE,
TumugonBurahinpag nagkaroon kana nang bulutong dikana daw magkakabulutong
TumugonBurahin