Ipinapakita ang mga post na may etiketa na wala lang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na wala lang. Ipakita ang lahat ng mga post
Martes, Hulyo 2, 2019
Paano ba magsulat muli?
Tumigil at huminto na yata ang pagdaan ng mga salita sa aking isipan. Ni hindi na nga yata ako makabuo ng magagandang pangungusap. Para bang mabilis na mawala ang mga ideyang naiisip ko kung kaya't di na magawa pang makabuo ng mga kwentong walang kwenta.
Kung tutuusin, maraming beses na akong nagbalak na magsulat ulit. Ilang beses ko na ring binalak mag-iba ng lugar para bumuo ng mga kwentong barbero pero palagi pa rin akong bumabalik dito sa una ko nang minahal na blog. At sa palagay ko, mas nanaisin kong dito na lang ulit magsimula tutal naman ito na ang aking kinasanayan.
Naisip kong patungkol ito sa pagsusulat pero parang iba ang tumatakbo sa isip ko.
Matagal akong nahinto mag-update...siguro kung may pumapasyal man dito, napagod na silang mag-abang ng bagong post mula sa akin. Parang katulad sa mga napagod na maghintay sa mga gusto nila na magkagusto rin sa kanilaπ...nais kong humingi ng paumanhin...minsan kailangan din huminto...baka sakaling sa pagtigil ko magpost...mapansin kong may mga nag-aabang din palaπ...parang tulad mo napagod ka na pero iyon pala ang simula para mapansin ka. π
Napag-isip-isip ko na siguro ngayon na ulit 'yung pagkakataon kong magpost at gawin ang mga bagay na tulad nito. Sa pakiramdam ko kasi may oras na ako para dito. May oras na akong magkwento ng mga 'wala' namang kwenta. Kung tutuusin hindi ko alam kung may kwenta nga ba talaga ang kabaliwang ito... tulad ng pagkabaliw natin sa mga taong gusto natin na wala namang damdamin para sa atin. Parang niloloko ko lang din minsan sarili ko kapag nagsusulat ako...kasi may kwenta ba? Parang tanong na... 'may kwenta ba ang oras na nilalaan ko sa'yo?' (hugot ba ito? πππ)
Nakakatawa ring balikan ang ilang mga post ko, nakikita ko ang pagiging immature ko sa pagsusulat...parang isip bata lang...tulad ng ilang isip bata lang rin pagdating sa pakikipagharutan tapos patay malisya na kapag nahulog na ang loob mo sa kanila... ang sad!π Kaya hindi naman ganoon ang blog ko at mga sinusulat ko...isa pa, kaya ito address nito ay isipbataparin.blogspot dahil sadyang pang-isip batang tulad ko ang mga nakasulat dito (hehehhe...feeling bata lang talaga~)
Ilang beses na rin naman akong nakaramdam ng init ng pagnanais na magpaskil dahil may mga nakatagpo akong nakapagbigay sa akin ng inspirasyon subalit ganoon yata talaga... kahit naroon na ang pagnanais...bumibitaw pa rin tayo. Ito 'yung mga pagkakataong nakaharap na ako sa aking laptop pagkatapos blanko na lahat...ayaw tumipa ng aking mga daliri at ayaw sumayaw ng mga salita sa aking isipan...tulad lang din ito sa pagkakataong gustong-gusto mo na siya dahil akala mo ganoon din siya sa iyo pero sa huli maiiwan kang blanko at may isang malaking tanong na naiwan.π₯
Siguro naman sa pagkakataong ito, mag-aalab muli ang aking kawilihan sa pagsusulat...gayundin sa pagbabasa...dahil iyon talaga ang nais ko. Buhayin sa aking pagkatao ang bagay na nasa akin...nagpahinga maaaring dahil napagod pero muling magsisimula, tatayo at magpapatuloy.
'Di ba ganoon din naman sa pag-ibig, kapag nasaktan ka magmumukmok ka, iiyak at magpapakalunod sa iyong nararamdaman pero kinabukasan, pagkatapos ng gabi muli kang babangon at haharapin ang bukang liwayway nang may ngiti.
Kaya naman, hindi man magiging madalas ang pagpapaskil pero pabangon na akong muli. Magkukwentuhan na ulit tayo...kayo na nga lang bahala kung may kwenta nga ba ito o wala.
Maging positibo tayo tulad ng pagiging positibo kong magsisimula na ulit tumipa ang aking mga daliri. (*^_^)
Lunes, Hunyo 24, 2019
Padaan sandali...
![]() |
Inaagiw na yata ang blog ko... hehehe |
Sabi ko papasyalan ko lang ito sandali pero napatipa ako ng konti.
Natuwa ako nang makita kong may pageview pa rin pala ang blog ko...amazing! (hehehe...) So, meron pa palang napapadpad dito...Salamat sa inyo! mula iyan sa kaibuturan ng aking taba...este...puso.
Para sa mga napapadpad sa blog na ito: Kumusta? Pasensya na at wala pa ring bagong kuwentong may kuwenta dito. Sana kapag sinipag na akong mag-update ay makapamasyal ka pa rin dito. π
Saglit na pagpasyal lamang ito na walang laman...sabaw na yata ang utak ko sa dami ng dapat kong isipin. Ninanais ko nang bumalik at pansining muli ang aking mga blog kaya lang talagang sa ngayon hindi ko mahanapan ng oras.
Namimiss ko nang gumawa ng mga review...magkuwento lang ng kung ano.
Pangako, muli akong magsusulat. Muli akong magiging masaya sa isang bagay na nagbibigay sa akin ng kalayaan.
Hanggang sa sunod na paskil! πππ
Martes, Setyembre 11, 2018
Malalim pa ang gabi
Humiga ng maaga upang ipahinga ang pagal na katawan at bubog na utak sa maghapong gawain sa trabaho ngunit sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay tila ba isang bangungot na pumapasok sa isipan ko ang mga nakabinbing gawain.
Natatawa na lamang ako, para bang sa kabila ng pagnanais kong magpahinga laman pa rin ng isip ko'y trabahong gusto ko sanang kalimutan kahit sandali lang. Nakapikit man subalit ayaw dalawin ng antok kaya't bumangon at nagbukas ng kompyuter at humarap sa trabahong naghihintay.
Malalim pa ang gabi ngunit kapiling ko ang mga gawaing ito para bang sa mga ito na lamang umiikot ang mundo ko. Gusto kong kumawala kung kaya't heto't tumitipa sa isang kanlungang tanging nakikinig sa kalaliman ng gabi ng aking pag-iisa.
Ito ang bagay na gusto kong ginagawa, magsulat ngunit mas madalas na naisasantabi ko ang isang bagay na nagpapalaya ng aking isipan sapagkat ang oras ko'y di na mahawakan.
Sa pagkakataong ito, nais ko munang palayain ang laman ng aking isipan. Isa pa'y nais ko ring alamin kung may kakayahan pa ba akong magsulat. May kuwenta pa ba ang mga sinusulat at naiisip ko? Baka sabaw na lang ang mga natitirang ideya...baka wala nang dahilan pa para sumulat.
Gusto kong magsulat...matagal na akong nagsusulat...may kwenta man o wala pero alam kong marunong akong magsulat at ito rin ang dahilan kung bakit ako lumikha ng isang lugar upang magsulat ngunit tila ba hindi ko na napag-uukulan ng panahon.
Nalulungkot akong ni hindi ko man lang magawa ang bagay na gusto ko dahil hindi ko magawan ng oras. Kung hindi pa sasapit ang mga sandaling tulad ng ngayon para bang wala nang iba pang araw para sumulat.
Minsan tuloy napapaisip kong itigil na ang kabaliwang ito.
Pero malalim pa ang gabi...marami pang nakatagong ideya sa utak ko siguro hintayin ko na lang silang lumabas sa ngayon harapin ko muna ang gawaing hindi na maipagpapabukas. (*^_^)
PS sa mga makababasa nito...
Dapat pa ba akong magsulat? (*^_^)
Mga etiketa:
damdamin,
Libangan,
may masabi lang,
saloobin,
wala lang
Linggo, Agosto 6, 2017
May maisulat lang
![]() |
Kung tutuusin wala naman talaga akong balak isulat...bagaman may mga ideya na patuloy na pumapasok sa isipan ko, mga nais kong ibahagi subalit hindi ako makahanap ng oras at panahon para isatitik ang mga ito.
Sa matagal na pananahimik ko sa pagsusuri ng mga pelikula at pagsusulat ng mga pangyayaring naranasan ko... nais ko muling bumalik. Nais ko muling magbahagi. Hindi ko naman kinalimutan kaya nga lamang ay maraming gawain na nakapipigil sa aking gawin ang isa sa mga hilig ko...at ito ay magsulat.
Masasabi kong nakaw na sandali ang pagkakataong ito na makapagpaskil ako ngayon. Maikling hinaing lamang ang magagawa ko sapagkat hindi sumasapat ang mga salitang aking nabubuo upang ayusin at pagandahin ang mga habi ng pangungusap ko.
Bahala na kayong umunawa, kung mauunawaan ninyo. Tanong ko lang palagi sa aking sarili tuwing ako'y magpapaskil... may nagbabasa ba naman sa mga paskil ko. (Asa mode lang di ba?)(*^_^)
Photo Credit:Ugly Dukcling Don't
Linggo, Enero 8, 2017
Pagtalikod sa lahat
Isang buong taon ang lumipas at lahat ng mga nangyari ay bahagi na lamang ng isang alaala. Isang kasaysayang lilingunin upang makita ang mga dahilan ng mga bagay na nangyari at upang pahalagahan ang idinulot nito sa ating buhay.
Maraming nagbago at nangyari nitong nakaraang taon (2016) na hindi ko lubos maisip na magaganap. Biglang pumasok sa isip ko na ganoon lang pala kabilis ang lahat kaya dapat pinahahalagan lahat ng dumarating na araw. Sa pakiwari ko, ako'y nawala bagaman hindi pansin ng marami... kung sa bagay hindi ko naman nais na mapansin pero kung minsan may mga makakasalamuha tayo na hindi man lang naiisip ang mga pinagdaraanan natin.
Buwan ng Pebrero, gumuho ang buong mundo ko sa pagwala ni Tatay. He's my Hero. Hindi ko naisip na darating nang ganoon kaaga ang pag-alis niya. Nasaktan ako, at hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung okay na ako. Tuwing maaalala ko siya ay naluluha pa rin ako. Nakakamiss ang mga suporta niya... encouragement niya at tiwalang binibigay niya na hindi ko nakukuha sa iba. Iba siya sa lahat at iyon ang tunay kong namimiss sa kanya.
Bigla kong na-realize na mas importante pala ang oras sa pamilya kaysa oras na ginugugol natin sa pahahanapbuhay. Siguro iyon ang bagay na nakakaramdam ako ng pagkukulang ko sa kanya. Kung mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na hindi pumasok at binantayan ko siya siguro kasama pa namin siya. Kaya lang kahit naman iyon ang iniisip ko, wala na rin namang mangyayari. Sabi nga ng marami, mag-move on na lang daw. Isipin na lang na nasa mas okay na siyang lugar. Pero iba ang naging impact nito sa akin.
Naisip ko na dapat sigurong mas bigyan ko ng panahon ang pamilya. Kaya dapat ko nang iwan lahat para mas magkaroon ako ng oras. Mas importante pala ang oras kaysa ano pa mang materyal na bagay. Kaya iniwan ko lahat. Binitawan ko ang mga bagay na sa palagay ko kailangan ko nang bitawan.
Bagaman may kirot sa aking puso ang desisyong ito ay ginawa ko dahil alam ko na kung nakaya ko ay magagawa rin naman ng mga pagbibigyan nito.
Masaya ako. Naging masaya ako sa desisyon ko, ngunit napagtanto ko na may mga bagay pala na hindi mo aasahan. Marami rin akong nakitang mga tunay na tao at mga nagiging mabuti lamang sa iyo kapag may hihita sa iyo. Ganoon pala talaga ang buhay. Kapag nawawalan ka na ng silbi sa buhay nila, wala ka ng kuwenta. At naramdaman ko iyon.
Minsan, kahit anong buti pala ang hangad mo para sa iba... iyon pa ang magbaba sa iyo. Nakalulungkot lang na may mga ganoong klase ng tao. Para umangat ay mang-aapak. Pero iniisip ko na lang ang mga sinasabi sa akin ng tatay ko. Mas mabuti na ikaw na ang magpasensya.
Sa pagtalikod ko lahat ng mga bagay na naging araw-araw ko gawain nitong nakaraang taon, nakaramdam ako ng ginhawa, totoo 'yun. Hindi na ako haharap ng laging nakangiti at approachable. Hindi na ako haharap sa mga hindi totoong tao. Hindi na ako mag-iisip ng mga bagay na ipangpupunan ko sa pagkukulang ng iba. Hindi na ako makikipagbolahan sa mga maraming sinasabi. Nakakapagod kasi. Mahirap pala na lagi kang umuunawa pero ang mga nakapaligid sa iyo, sarili lang ang iniisip. Nakakapagod habang may mga tao pala akong hindi ko nabibigyan ng panahon dahil sa pag-unawa ko sa kanila.
Kaya nga lamang, minsan, mapagbiro ang tadhana. Sa isang banda ng isip ko, ayaw ko na. Pero pumasok sa isip ko ang mga binabanggit ni Tatay noon. Sa isip ko, baka kung magawa ko ang mga bilin niya... kahit paano, magiging masaya siya sa langit at hindi na niya kami... ako poproblemahin.
Minsan sa pagtalikod natin sa mga bagay na meron tayo, iyon ang mga panahong makapag-iisip tayo ng mga bagay na makabubuti sa atin. Nakakapagmumuni-muni tayo sa mga bagay na maaari nating mapagdesisyunan.
Malapit na ang babang-luksa ni Tatay. Hindi ko pa rin mapigil ang aking mga luha tuwing maiisip ko iyon pero sana, masaya na siya. Sana doon payapa siya at nakapagpapahinga ng mainam.
Bahagi na lang siya ng aking pagkatao na patuloy na mabubuhay sa puso ko. (*^_^)
Mga etiketa:
alaala,
damdamin,
Pangungulila,
thoughts,
wala lang
Martes, Agosto 2, 2016
Ayokong Matapos
Ayokong tapusin sa isang paalam
lahat ng ating pinagsamahan
ang mga naipong kaligayahan
hindi dapat matapos sa isang paglisan.
Ayokong tanggapin ang isang paalam
at limutin ang lahat ng alaala
hahayaang manatili dito sa isipan
mga pangako't matatamis na pagsinta.
Ayokong mauwi sa isang paalam
mga planong matagal pinag-isipan
maging mga pangarap na binuo nang sabay
sa kabilugan ng buwan na magkahawak kamay.
Ayokong sa isang paalam magwakas
suyuan at pagsinta sa mukha'y mababakas
kung may ligaya tiyak na may kalungkutan
ngunit ayokong matapos lahat sa isang paalam.

*Dahil gising pa ako sa kalaliman ng gabi ng nagdaang ika-18 ng Hulyo, 2016...
nabuo ang isang tula. (*^_^)
Lunes, Enero 5, 2015
Bagong taon, bagong pananaw
Ito ang kauna-unahang paskil ko sa aking blog.
Matagal-tagal akong natulog sa pagsusulat hindi dahil wala akong oras siguro dahil medyo nauunahan ako ng katamaran. Isa pa, marami akong gustong isulat at mga nais ipahayag at bigyan ng aking mga kuro-kuro pero hindi ko ipinaskil at hinayaan kong matulog at magpahinga sa pansitan ang aking blog.
Kaya naman ngayong pagpasok ng bagong taon, parang gusto ko namang maiba. Gusto kong magpaskil muli hindi pa-isa-isa bawat buwan kundi sa mga bawat pagkakataong may sumagi sa aking isipan ay maisusulat ko at maibabahagi ko kahit walang matinong seseryoso sa mga sinusulat ko. :)
Pero bilang unang paskil sa aking blog... gustong kong isa-isahin ang mga hindi ko gusto... tao, bagay, hayop, at kung ano pa... wala lang #maymasabilang madalas kong ginagamit na hashtag.
Eto ang sampung ayaw ko
1. Ayokong makahalubilo mahilig humanap ng mali sa kanilang kapwa. Palagi nilang nakikita ang mga mali sa ibang tao pero 'yung kanila hindi nila mapansin.
2. Ayokong makaharap ang mga balikharap. Madalas, maganda lamang silang kausap kapag kaharap ka ngunit may mga lihim na mga disgusto pala 'pag talikod sa iyo. Mahilig magsabing nag-aalala sila, iniisip lang ang kabutihan mo ngunit sa kabila pala noon naghahanap lamang ng maibabalita sa mga kaututang-dila.
3. Ayoko sa mga walang kwenta sumagot. Ito 'yung mga eksenang matino ang mga tanong pero sasagutin ka na para bang napakaganda ng kanilang kasagutan. Mga tipong hindi pinag-isipan o kaya'y minsan papilosopo kung sumagot.
4. Ayoko sa mga nangunguha ng gamit ng may gamit pagkatapos hindi na ibabalik. Okay lang namang manghiram ng gamit basta ipinagpapaalam at ibinabalik.
5. Ayokong matulog ng walang nakikitang liwanag. Kung minsan, pakiramdam ko di ako makahinga kapag sobrang dilim. Kahit konting liwanag, ayos na ang tulog ko.
6. Ayokong makakakita ng mga jackpot ng mga aso sa umaga. Alam ko, hindi nila alam na nagkakalat sila pero hindi ba tungkulin ng mga nangangalaga na linisin ang mga dumi ng kanilang mga alaga?
7. Ayokong nakakatanggap ng text sa dis oras ng gabi. Ewan ko ba kung bakit may mga ganoon... pwede namang maghintay ng umaga, magtetext ng hatinggabi tapos mga qoutes lang o kaya ay GM lang... pang-asar 'yun hindi ba? Lalo na kung katutulog mo pa lang at biglang tutunog ang iyong telepono. >badterp< un!
8. Ayokong pinaghihintay lalo na kung hindi naman pala talaga darating o mangyayari. Madalas, inaantabayanan ko na yung mga pwedeng gawin lalo na kapag may usapang gawin o puntahan pagkatapos ay hindi maaalala at malilimutan na. Ang ending sawi!
9. Ayokong magdadala ng payong. Isang dahilan, mabigat. Mas madalas namang maaraw at alam naman na nating kung kelan talaga maaaring bumagsak ang malakas na ulan kaya bakit pa araw-araw magdadala nito kung pwede namang sa mga araw lamang na kailangan ito. :P
10. Ayaw na ayaw ko ng lamok. Hindi ko alam kung bakit lagi nilang pinagpipyestahan ang aking dugo. Malingat lamang ako ng konti, makakagat na ako. Ayoko ring marinig ang pag-ugong nila sa tenga... nakakayamot... nakakabuwisit. Kaya naman lagi akong nagkakabit ng kulambo.
At iyan ang aking sampung ayokong makasama, maramdaman, o kaya'y makita ngayong taong ito.
Ito ay mga bagay na sumagi lamang sa isip ko... mga panahong wala talaga akong maisip na iba.
Maligayang 2015 sa ating lahat. (*^____^)
Photo credits:
https://blogger.googleusercontent.com/img/proxy/AVvXsEhTA9BpDFO98U741MLoQC8m6kV_zfJ5Da1dlxVUGVgug9il7Zx5YTBOBZBac8o1fFAoxW84_azva4vCa4AUlqtAK9RnW4TbI9THCX9_R3_I7P9oe_IkkNhf7yHibJJbukyVaKNEpaLqg041WAq6XQgUkalc4g=
https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQUStjJ38FHW2e27hzqZGf9JjPrK_NBd9OtcDFIxDV4AJpAW-YjKg
https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTaJ3sQMNeYXXHsvB3dXh7UFiH8ZatZ7512vWu4OqDO5e8Ll8C7Mw

Bagong Taon,
may masabi lang,
Paniniwala,
Pasensya,
post,
saloobin,
wala lang
Miyerkules, Disyembre 25, 2013
Paskong maligaya
Taon-taon ipinagdiriwang natin ang Pasko...
Ngunit kung minsan nakakaligtaan natin ang tunay na kahulugan nito at mas nananaig ang mga materyal na bagay na kung saan ay panandaliang ligaya lang naman ang hatid.
Sana sa araw na ito ay manariwa ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan...
Mas maramdaman sana natin ang pagkakaisa at pagmamahalan sa bawat isang miyembro ng ating pamilya.
Na kahit walang handa... basta magkakasamang nagtatawanan... nagbabahaginan ng mga kuwentong maaaring magbigay ng inspirasyon... o kaya naman ay kagalakan.
Ngunit higit sa lahat, nalalaman natin ang dahilan ng pagkakaroon ng okasyon na ito.
Ito ay dahil kay Jesus, ang bugtong na anak na Diyos na pinadala dito sa lupa para iligtas ang mga tayo sa ating mga kasalanan.
Maligayang Pasko sa ating lahat! :)
source:dramabeans |
Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
Kontrabida churva...
Protagonista - bida, karaniwang umiikot sa kanya ang kuwento
Antagonista - kontrabida, nagpapahirap sa buhay ng bida
Karaniwan ang bida ang laging mabait, kawawa at nabibigyan ng simpatya at kapag kontrabida ka, wala ka nang ginawa kundi mag-isip ng mga bagay na pwede mong gawin upang maging miserable ang buhay ng bida.
Pero, paano naman kung wala kang ginagawang masama at ang tanging kasalanan mo lang ay magsabi ng totoo, masasabi bang pagiging kontrabida na 'yon?
Parang nagawa akong kasalanan na ganoon...pero sinabi ko lang naman ang katotohanan... masama ba 'yon? Bigla akong nag-reflect sa sarili ko? Tama ba ang ginawa ko... o baka mali?
Kaya lang, nandoon ako sa punto na gusto kong sabihin ang totoo dahil may mga bagay na dapat isiwalat kahit na magmukhang masama pa ako sa ibang tao. Kung hindi man paniwalaan ang mga sinabi ko... siguro mas maganda kung sila na lang ang makatuklas.
Ang alam ko, nagsasalita ako batay sa aking mga karanasan... hindi kayang dayain ng mga mabulaklak na salita ang mga karanasang nagbigay aral tungkol sa pagtitiwala. Marahil, alam ko na ang karakas kung kaya't nakapagsasalita ako ng ganoon.
Ngayon kung nagmukha man akong kontrabida... wala naman akong magagawa... kasi naniniwala akong okay lang magmukhang kontrabida maisiwalat lang katotohanan.
Ay oo nga pala, maaaring nagsalita ako at di pinaniwalaan... ang panahon na rin ang magpapakilala sa inyo ng mga tagong katangian ng nakakahalinang bulaklak.
Kung binisita mo ito at umabot ka sa pagbabasa ng bahaging ito na hindi mo maintindihan ang ibig kong sabihin...pasensya na... maaaring naitago ko lang ng husto ang kahulugan ng gusto kong sabihin.
Tamang basa ka na lang muna. (*^_^)
Antagonista - kontrabida, nagpapahirap sa buhay ng bida
http://www.bench.com.ph/benchingko/kontrabida/images/films/kontrabida-101.jpg |

Kasalanan,
Katotohanan,
Opinyon,
Pakikipagkapwa-tao,
Paniniwala,
wala lang
Pinili kita
Saan ba ang nararapat mong kalagyan? Nauubusan na kasi ako ng pasensya sa’yo… madalas mahirap kang ispelengin…ang dami mong arte.
May mga pagkakataon nga na gusto na kitang saktan ngunit alam kong ako rin naman ang mahihirapan kapag ginawa ko ‘yon. Pero nasasayang ang oras at panahon ko sa sobra mong kaartehan. Kung nalalaman ko lamang na ganyan ka, di na kita pinansin pa…pero umasa ako, eh.
Tama, madalas kang magpaasa. Maraming pangako pero lagi namang nawawala. Binibigyan mo ako ng sandaling ligaya pero ang kapalit naman matagal na kalungkutan at pagkayamot. Nakakayamot naman talaga lalo na kapag marami akong dapat gawin tapos di ko masimulan o kaya naman ay di ko matapos ng dahil sa’yo.
Pwede ba, umayos ka naman. Ang mga pangako mong magiging mabilis pangatawanan mo at hindi ‘yung nagpapaasa ka lang. Baka kapag naglabas lang ako ng pera at saka sumige pero kapag papaubos na, basta ka na lang mang-iiwan sa ere.
Kaya naman sa susunod, umayos ka na! Pangatawanan mo rin ang lagi mong sinasabi na ‘You’re SIMPLY AMAZING. Kung tutuusin, nagtaksil na ako sa aking unang minahal kung sana’y pinanghawakan ko ang kanyang salita na ‘I'M MAKING GREAT THINGS POSSIBLE’ eh, di sana hindi na ako nahihirapan ngayon. Pero pinili kita, Smartbro… kaysa sa kanya kaya sana naman gawin mo ang nararapat, hindi ‘yung nagpapaasa ka lang.

http://www1.smart.com.ph/Bro/images/lte/1.jpg?sfvrsn=0 |
Biyernes, Nobyembre 8, 2013
Egg shell
![]() |
Almusal namin. :) |
Ito ang paglalagay ng balat ng itlog sa mga dulo ng dahon ng mga orchids...at dahil may orchids na kami naisip kong ilagay ang mga balat. Ang problema sa gitna ko kasi hinati 'yung itlog at hindi sa dulo kaya nalalaglag. Pero padadaig ba ako, ipinilit ko pa rin silang ilagay at sinigurado kong di malalaglag...ang kaso naman si Yolanda (super typhoon) ay nagbabadyang bumisita.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit nilalagyan ng itlog ang mga halaman partikular na ang mga orchids. May scientific explanation kaya 'yon? May sustansya kayang makukuha ang mga halaman mula sa mga natirang laman nung shell? Hindi kaya dagdag dekorasyon lang ito sa halaman? Pero kahit ano pa man ang dahilan... wala namang masama kung gawin ito lalo na kung wala namang masamang epekto sa tao at halaman, di ba?
Kaya naman sa susunod hindi ko na babasagin sa gitna ang itlog sa bandang dulo na lang para sakma sa dahon ng orchids. Mas maganda rin kasing tingnan kung buo ang shell... siguro mas maganda kung kukulayan ko ito... parang easter egg lang...that gives me an idea... haha~
Marami pa namang beses akong maluluto ng itlog sa almusal kaya marami pa akong pagkakataong makapaglagay sa aming halaman. (*^_^)
Huwebes, Oktubre 10, 2013
Meron akong blog!
Meron akong blog.
Okay! Fine! Ano naman ngayon?
![]() |
Kuwentuhang weird |
![]() |
Movies and series |
Kung minsan iniisip ko kung ano nga ba ang dahilan ng pag-aaksaya ng panahon
sa harap ng apat na kanto ng monitor.
Kung minsan, ang daming gustong ipagawa ng isip ngunit bago pa maitipa ang mga daliri sa keyboard
nawala nang parang bula ang lahat.
Pero tuwing nagbubukas ako ng account,
nagkakaroon ako ng inspirasyon na magpatuloy na magtala at magpost sa aking blog.
Para bang mahahalagang detalye ng buhay at isip ko ay nakasaad na sa aking blog.
Hindi ko masasabing maganda ang nilalaman ng blog ko...
pero totoo sa sarili ko ang mga naisulat ko at bagamat ang iba ay hango sa napakalawak kong
imahinasyon... alam kong naisulat ko iyon dahil may gusto akong sabihin.
Hindi rin naman biro ang gumawa ng blog...
kung minsan ang pag-asa na sana mabasa ng iba ang mga nilalaman ng isip mo sa pamamagitan nito
ay maglalaho kapag napansin mong wala man lang nagtangkang pasyalan ang site o kaya talagang ako lang rin ang magmamahal sa mga post ko.
Pero sabi nga, hindi dapat masyadong umasa na may papansin
sa mga ginagawa mo... ito naman ay isang paraan lamang upang mahasa ang abilidad magsulat
at malibang habang nag-aaksaya ng kuryenteng tumataas at oras na dapat ay ipinagpapahinga ng katawang lupa.
Kaya siguro matagal-tagal pa ang lalakbayin ng blog kong ito...
sigurado ako na sa bawat araw na nagdaraan...ay may mga kuwentong nakatago sa mga nakapaligid sa akin... at malamang may opinyon namuuo sa aking isipan.
Isang magandang stress reliever ang pagsusulat kaya bakit ko aalisin ang pagkakataong tulad ngayon.
Ang totoo n'yan, may gusto akong isulat na di ko maumpisahan pero eto nakabuo ng isa na wala namang kinalaman sa gusto kong isulat.
Ang alam ko lang patuloy lang sa pagtipa ng keyboard ang akng mga daliri kasabay ng mga mga salitang binitiwan ng aking isip.
Sa mga nakabasa nito, salamat sa oras. Masaya ako't napasyal ka sa aking mundo! (*^_^)
Mga etiketa:
blog,
damdamin,
Gawain,
Kasiyahan,
Opinyon,
pagbasa,
pagsulat,
Pakikipagsapalaran,
Paniniwala,
wala lang
Linggo, Setyembre 15, 2013
Peste sa buhay ko
Palagi nila akong sinusundan.
Hindi ko nga alam kung anong meron sa akin dahil gustong-gusto nila ako.
Para bang mga papansin na aali-aligid...
Sa totoo lang, yamot na yamot ako sa kanila.
Kung pwede lang silang isuplong bilang stalker matagal ko nang ginawa.
Walang araw na hindi sila naging bahagi ng buhay ko
at walang araw na hindi ko sila pinag-isipang patayin.
Masyado ba akong masama...
kung tutuusin marami na akong pinatay sa kanila...
halos araw-araw nila akong kinakagat
para na nga akong manhid...
basta alam ko, may makati, sila lang ang may sala.
Hindi ko alam kung anong silbi nila sa ecosystem...
pero talagang nakakayamot ang pagsulpot nila sa mundong ibabaw
at isa ako sa sobra nilang minahal kagatin.
Pasalamat na nga lang at di ako nagkakasakit ng dahil sa kanila...
naniniwala na lang ako na darating ang araw na hindi na nila gagambalain ang
buhay ko... dahil pupuksain ko ang kanilang kaharian.
Ganun pa man, araw-araw pa rin akong nakikibaka sa pagpuksa sa inyo mga pesteng...
LAMOK!
Sabado, Agosto 31, 2013
Eto ang A - Z ko
Nakigaya lang po ako kay hArTLeSsChiq
A. Attached or Single?

Attached sa asawa.
B. Bestfriends
Dami nila...nung primary ba, hayskul, college o sa work... ah baka kapitbahay.
C. Cake or Pie
Cake...kahit anong klase ng cake basta may icing!
D. Day of Choice
Friday - tamang gimik day... para masarap ang tulog kinabukasan
E. Essential Items
notebook at ballpen... isama na ang pera, celfon at food...
F. Favorite Color
alam ng mga kaibigan ko Black kaya nagulat sila Pink ang motif ng kasal ko. :)
G. Gummy bears or Worms
kailangang pumili? di ko talaga gusto 'yung mga ganito... pero, gummy bears para sandali lang nguyain.
H. Hometown
Antipolo city
I. Indulgence
watching movies except horror... nakakatakot kasi...
J. January or July
July... syempre kaarawan ko July...
K. Kids
Masarap kasama ang mga bata di ramdam ang edad.
L. Life isn't complete without...
my family. (tamang seryoso)
M. Marriage date.
June 26... wala na akong ibang pagpipilian eh...
N. Number of brothers and sisters
3 sisters... panganay ako...pangarap na lang ang brother. asa-ness pa ako!
O. Orange or Apples
Apples.... Fuji
P. Phobias
snakes and bees
Q. Quotes
To see is to believe. ( di ako basta-basta nakikinig sa sabi-sabi kailangan may confirmation)
Success is not a gift its challenge to use what you achieved. (ewan ko kung kanino galing ang quote na ito.)
R. Reason to smile
My family and payslip :P
S. Season of Choice
Christmas season...hehehe
T. Tag 5 People
eh, kung sinong gustong makigaya.
U. Unknown facts about me
kung meron man, alamin na lang nila.
V. Vegetable
carrots - what's up doc? parang si Bugs Bunny lang!
W. Worst habit
saka na lang pag-usapan 'yan.
X. Xray or UltraSound
Ultrasound... kita agad sa monitor kaysa sa xray maghihintay pa.
Y. Your favorite food
Fruit: watermelon
Drinks: tubig sa gripo
Pasta: Spaghetti na maraming carrots
Fish: tuyo
Bread: basta tinapay
Z. Zodiac Sign

Mga etiketa:
Buhay,
gaya-gaya,
Mga tanong,
wala lang
Martes, Hulyo 23, 2013
Daming bawal kapag nanganak
Matapos
ang siyam na buwang pagbubuntis, isang nakakatuwang pangyayari ang manganak at
makita ang sanggol na ilang buwang dinala sa sinapupunan. Ngunit kaakibat ng
nakakatuwang pangyayaring ito ay ang sandamakmak na ipinagbabawal na Gawain,
pagkain at kung anu-ano pa lalo na’t kung matatanda ang nagsasabi.
Sabi
nga hindi naman masamang sumunod ngunit kung minsan nakakaloka at nakakayamot
ang mga bawal na ito. Narito ang ilang sinabing bawal kapag nanganak:
1.
Bawal maligo. Karaniwan bawal daw maligo ang isang bagong panganak. Ang iba pitong
araw bago maligo…minsan 10 araw at ang pinakamalala 15 araw. Kapag maliligo na,
kailangan ay may mga dahon-dahon ng mga kung ano-anong herbal na halaman para
raw iwas binat.
Kung
tutuusin, sinusunod ito ng mga nakararami… maging ako ay sinunod ko ito.
Nakakayamot lamang ang pakiramdam na nanggigitata ka na sa pawis na dulot ng
ilang araw na na di paliligo at paranoid ka na dahil naaamoy mo na ang sarili
mo kahit nagpunas eh parang super baho pa rin. Super eeewww!
2.
Bawal magkikilos o gumawa ng kung anu-ano. Ito naman eh talagang hindi pwedeng
gawin. Super hilo ang aabutin mo at tiyak ang binat kapag nagpumilit na gumawa
ng gumawa. Dapat na magpahinga ng bongga para makabawi sa lakas na nawala dala
ng panganganak. Ang sarap kayang matulog ng bongga kaya lang kapag umiyak ang
bata kahit inaantok ka pa kailangan mong asikasuhin ang umaatungal na sanggol.
Sabi nga dapat daw ang sabayan ang pagtulog ng baby para sabay din ang
gising…kaya nga lang kung minsan di ka matutulog agad at kapag nahanap mo na ang
tulog mo ay saka naman magigising si baby at sawi ang tulog mo.
3.
Bawal uminom ng malamig na tubig, softdrink at ibapa. Kailangan daw ay
pinakuluang tubig o kaya naman ay mineral water ang inumin ng bagong panganak
at hangga’t maaari ay dalawang buwang magtitiis ang sa di pag-inom ng mga
mapanuksong malamig na tubig at softdrinks. Kaya kung tag-araw ka nanganak for
sure yamot na yamot ka sa ipinagbabawal na ito.
4.
Bawal daw magpaayos ng buhok o magpagupit. Naloka ako nang marinig ko ito. Kung
gusto ko raw magpagupit eh dapat ay bago ako manganak kaya, ayun, super murder
na naman ng baklita ang buhok ko. Super paniwala naman ako. Bawal din ang
magpakulay, magpa-spa, magparebond ang kung anu-anong kaartehan sa buhok…
maghintay raw ako ng isang taon… kalokah as in! Kaya sa katulad ko na hindi
kagandahan ang tubo ng buhok at na-murder pa ng bakla ay magtitiis buhaghag ng
isang taon ang hair.
5.
Bawal mag-celfon, manood ng TV, magbasa at magcomputer. Tama rin naman ito
dahil tiyak na mananakit ang mata at sasakitan ng ulo. Kaya nga sabi nila
magtiis muna kahit isang buwan na di nanonood ng tv o nagco-computer… ang
celfon… pagsaglit-saglit lang daw. Pero marami rin ang pasaway… (isa ba ako
d’on?) kasi hindi makatiis na magcelfon, manood at magcomputer!
6.
Bawal mabasa ng ulan. Maaari raw magkaroon ng galis ang nanay at ang bata. Sa
isang banda, hindi ko ito masyadong pinaniniwalaan pero natatakot ako sa galis.
Siguro ang totoong mangyayari ay magkakasakit syempre kapag naulanan at
posibleng mabinat.
7.
Bawal magsuot ng maikling short at mag-electric fan. Dapat raw ay nakapanjama
at hindi nakatutok ang hangin ng electric fan. Baka raw pasukan ng hangin ang
ulo at mabaliw… how scary di ba? Kaya kahit mainit nakapanjama at naka-medyas
pa… eh baka magkatotoo eh, nakakalokah lang!
Marami
pang ibang sinasabing bawal at hindi pwedeng gawin kapag nanganak… ang puna ko
lang hindi kasi consistent ang mga sabi-sabi na ito… depende sa lugar ang mga
pinaniniwalaan at pinagbabawal. Kaya
kung minsan di na malaman ang susundin.
Pero
sabi nga kapag may time… sumunod rin! Wala namang mawawala… mas nakakatakot
kung mapahamak dahil sa katigasan ng ulo. (*^_^)
Mga etiketa:
Opinyon,
Paniniwala,
Pregnancy,
Sabi-sabi,
wala lang
Huwebes, Agosto 9, 2012
Wala lang.
Tatlong
araw nang walang pasok.
Walang
bagyo pero di maawat ang langit sa pagluha.
Sa
mga tamad, ayos ito!
Sa mga masisipag, sayang naman.
Sa
mga magulang na nagbayad ng tuition fee, lugi naman.
Sa
mga may negosyo, matumal.
Sa
mga bagong kasal, bongga ‘yan.
Sa
mga may kasintahan, nakakalungkot.
Sa
mga walang pera, okay lang.
Sa
mga foreigner, oh my!
Sa
mga mahilig sa facebook, yehey!
Sa
mga mahilig sa tweeter, twit-twit!
Sa
mga nasa mababang lugar, matubig.
Sa
mga nasa mataas na lugar, madulas.
Sa
mga apektado, tumulong tayo at magdasal.
Sa
mga walang paki-alam, tulog ka na lang.
Sa
mga nagtataka, wag na!
Sa
mga nagbabasa, bakit?
Sa
gumawa nito, pahinga ka na!
Walang
magawa, iyon ang dahilan.
Sa
dami ng gagawin, walang masimulan.
Sa dami ng sisimulan,
walang magawa. (*^_^)
Mga etiketa:
kabaliwan,
kahit ano,
may masabi lang,
wala lang
Lunes, Hunyo 18, 2012
Walang lang!
Wala naman talaga akong balak mag-internet o kaya mag FB o kung ano pa mang may kinalaman sa world wide web...
kaya lang, may mga pagkakataong hindi maiiwasan...
may mga kailangang hanapin...
may kailangan makuhang file o kaya naman ay may importateng mensahe na sa pamamagitan lamang ng internet makukuha.
Nakakatamad din kaya ang mag-internet. Nakakatamad ding mag-research...ang dami-daming nagsusulputang mga links na kung minsan di mo malaman kung may virus bang dala o wala.
Kung minsan nakasama lang sa tags... eh...nabubuksan kahit walang kinalaman sa hinahanap.
Hindi rin advisable na mag-internet habang may ibang ginagawa sapagkat mas madaming nauubos na oras sa pagsu-surf kaysa sa paggawa... kaya mas madalas sa hindi nililimitahan ko ang aking sarili sa pagbubukas ng internet... eh ang kaso may mga taong sadyang nag-uudyok upang magbukas ako at mag-unli surfing kahit hindi ko talaga nais na tulad ngayon.
Kakalokah lang.... pag naka-unlisurf kasi... nanghihinayang na akong di gamitin...syempre dapat grab the opportunity hindi ba?
hays... kakalokah!
(*^_^)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)