Mapapabuntong hininga ka na lang at mapapakamot sa ulo? Pwede rin pero kung minsan hindi ito sapat at kung ako ang tatanungin... eto ang mga gagawin ko... pantanggal ng asar!
- Lalabas ng bahay at sisigaw ng malakas... kung minsan kailangan ding sanayin ang vocal chords... kapag sinita tayo ng kinaaasaran natin eh di sabihin nating naghahanda tayo para sa isang major, major concert.
- Kakausapin ang sarili... parang baliw lang dahil hindi mo masabihan ang kinaaasaran mo... eh di sa sarili na lang magreklamo habang pinapakalma ang sarili. (Epektibo naman... ginagawa ko ito eh...hehehe).
- Buksan ang TV at lakasan ang volume habang nanonood ng paborito mong programa o kaya manood ng mga pelikula... as for me... tanggal ang asar ko sa panonood ng mga Asian series and movies.
- Makikinig ng music... ipapasak sa tenga ang earphone at lalakasan ang volume. Tamang lango lang ng indayog ng kanta.
- Ikain mo na lang... lantakan mo ang mga paborito mong pagkain o kaya tibagin ang kaning lamig sa kaldero....tamang foodtrip lang! Pero ingat din... baka lumaki ang timbang.
- Kukunin ang diary at doon maghihimutok... gawain ko ito pero epektibo rin... pagkatapos mong maisulat ang lahat ng nararamdamang asar....parang nabunutan ka ng tinik sa dibdib... tulad lang rin kapag galit ka.
- Pero kung tamad ka magsulat pa-kamay... eh di, i-computer mo... sa tulad ko... gagawa ako ng blog at mag-iisip ng mga paraan para matanggal ang pagkaasar tulad ng ginagawa ko ngayon!
Hayyy!!! Kakastress ang maasar...tawanan ko na lang at i-deadmabells... pero kung minsan ang hirap tawanan at i-deadma ang mga bagay na nakakaasar!
Pero sabi nga ang asar, talo kaya ang pinakamagandang gawin... magdasal na mas humaba pa ang pasensya at maunawaan ang kinaaasaran!
Bawal ang ampalaya... kaya let go na lang sa asar na 'yan! (*^_^)
credits: toonclips.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento