Martes, Hulyo 23, 2013

Daming bawal kapag nanganak

Matapos ang siyam na buwang pagbubuntis, isang nakakatuwang pangyayari ang manganak at makita ang sanggol na ilang buwang dinala sa sinapupunan. Ngunit kaakibat ng nakakatuwang pangyayaring ito ay ang sandamakmak na ipinagbabawal na Gawain, pagkain at kung anu-ano pa lalo na’t kung matatanda ang nagsasabi.

Sabi nga hindi naman masamang sumunod ngunit kung minsan nakakaloka at nakakayamot ang mga bawal na ito. Narito ang ilang sinabing bawal kapag nanganak:

1. Bawal maligo. Karaniwan bawal daw maligo ang isang bagong panganak. Ang iba pitong araw bago maligo…minsan 10 araw at ang pinakamalala 15 araw. Kapag maliligo na, kailangan ay may mga dahon-dahon ng mga kung ano-anong herbal na halaman para raw iwas binat.

Kung tutuusin, sinusunod ito ng mga nakararami… maging ako ay sinunod ko ito. Nakakayamot lamang ang pakiramdam na nanggigitata ka na sa pawis na dulot ng ilang araw na na di paliligo at paranoid ka na dahil naaamoy mo na ang sarili mo kahit nagpunas eh parang super baho pa rin. Super eeewww!

2. Bawal magkikilos o gumawa ng kung anu-ano. Ito naman eh talagang hindi pwedeng gawin. Super hilo ang aabutin mo at tiyak ang binat kapag nagpumilit na gumawa ng gumawa. Dapat na magpahinga ng bongga para makabawi sa lakas na nawala dala ng panganganak. Ang sarap kayang matulog ng bongga kaya lang kapag umiyak ang bata kahit inaantok ka pa kailangan mong asikasuhin ang umaatungal na sanggol. Sabi nga dapat daw ang sabayan ang pagtulog ng baby para sabay din ang gising…kaya nga lang kung minsan di ka matutulog agad at kapag nahanap mo na ang tulog mo ay saka naman magigising si baby at sawi ang tulog mo.

3. Bawal uminom ng malamig na tubig, softdrink at ibapa. Kailangan daw ay pinakuluang tubig o kaya naman ay mineral water ang inumin ng bagong panganak at hangga’t maaari ay dalawang buwang magtitiis ang sa di pag-inom ng mga mapanuksong malamig na tubig at softdrinks. Kaya kung tag-araw ka nanganak for sure yamot na yamot ka sa ipinagbabawal na ito.

4. Bawal daw magpaayos ng buhok o magpagupit. Naloka ako nang marinig ko ito. Kung gusto ko raw magpagupit eh dapat ay bago ako manganak kaya, ayun, super murder na naman ng baklita ang buhok ko. Super paniwala naman ako. Bawal din ang magpakulay, magpa-spa, magparebond ang kung anu-anong kaartehan sa buhok… maghintay raw ako ng isang taon… kalokah as in! Kaya sa katulad ko na hindi kagandahan ang tubo ng buhok at na-murder pa ng bakla ay magtitiis buhaghag ng isang taon ang hair.

5. Bawal mag-celfon, manood ng TV, magbasa at magcomputer. Tama rin naman ito dahil tiyak na mananakit ang mata at sasakitan ng ulo. Kaya nga sabi nila magtiis muna kahit isang buwan na di nanonood ng tv o nagco-computer… ang celfon… pagsaglit-saglit lang daw. Pero marami rin ang pasaway… (isa ba ako d’on?) kasi hindi makatiis na magcelfon, manood at magcomputer!

6. Bawal mabasa ng ulan. Maaari raw magkaroon ng galis ang nanay at ang bata. Sa isang banda, hindi ko ito masyadong pinaniniwalaan pero natatakot ako sa galis. Siguro ang totoong mangyayari ay magkakasakit syempre kapag naulanan at posibleng mabinat.

7. Bawal magsuot ng maikling short at mag-electric fan. Dapat raw ay nakapanjama at hindi nakatutok ang hangin ng electric fan. Baka raw pasukan ng hangin ang ulo at mabaliw… how scary di ba? Kaya kahit mainit nakapanjama at naka-medyas pa… eh baka magkatotoo eh, nakakalokah lang!

Marami pang ibang sinasabing bawal at hindi pwedeng gawin kapag nanganak… ang puna ko lang hindi kasi consistent ang mga sabi-sabi na ito… depende sa lugar ang mga pinaniniwalaan at pinagbabawal. Kaya  kung minsan di na malaman ang susundin.


Pero sabi nga kapag may time… sumunod rin! Wala namang mawawala… mas nakakatakot kung mapahamak dahil sa katigasan ng ulo. (*^_^)

119 (na) komento:

  1. naku totoo nga talaga siguro ito
    sa katigasan ng ulo ko wala akong pinaniwalaan
    sa mga sabi sabi ng matatanda aun nanganak ako september 02 nanganak ako nung september 16, para ako na stroke na na epelipsy na hindi maintindihan lol.. dinala ako sa hospital all good naman wala naman daw ako sakit sabi ni doc. siguro nga sobrang pagod ko daw (kc lamyerda ako ng lamyerda) aun till now takot pa din ako maligo ahaha nagpahilot ako kanino sabi may binat daw ako.. sabi ko pa naman ayaw ko pahilot di naman kailangan eh.. ngaun kami na mismo humagilap sa manghihilot :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ~Ingat ng bongga. Sabi nga marami mahirap mabinat. (*^_^)

      Burahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nalungkot naman ako sa nangyari sa baby mo. Malamang nabibinat ka na nga. Mas dapat mong ingatan ang sarili mo kasi mas mahirap kung magkakasakit ka. Siguro may dahilan kung bakit nangyari yon pero sa tingin ko magpahinga ka muna. Wag ka munang madalas na magkompyuter at wag na wag kang magpapagutom. tatlong buwan palang kasi ang nakalipas... mabibinat ka talaga. Ingat ka.

      Burahin
    2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
  3. anu po ba dapat gawin qng namamaga ang kamay dahil after mahilot nabasa ung kamay q kinabukasan...masakit ung mga ugat q..nu po dapat q gawin?tnx po....nid q po advise nio...2 months plng baby q...sabi bka napasma ugat q....3 weeks na xa namamaga....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang umaga! Sa palagay ko, dapat magpatingin ka na sa doctor kasi tumagal na ang pamamaga ng kamay mo. Maaaring napasma ka, kahit kasi nanganak na tayo at pakiramdam natin ay kaya na natin kapag hindi natin iningatan ang sarili natin maaari tayong mabinat. God bless you at pag-ingatan mong mabuti ang sarili mo.:)

      Burahin
  4. Gud am po.. 7month pa lang po baby ko. Single mom po kc ako kya kailangan kona pong maghanap ng trabaho dahil wala nmn po aqng I bang aasahan.. Ask qh lang po pwde na po kya aq magpamedical dhil isa po kc sa requirements ang ang pagpapamedical sa aaplayan Kong work.. Cesarian po kc ako.. Tnx po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung pagpapamedical... makakakuha ka na niyan. :) Pero ingatan mo na malipasan ng gutom at iwasan mong magbubuhat ng mabibigat dahil mas mahirap kung mabinat ka. :) Good Luck! :)

      Burahin
    2. Nabasa po ako ng ulan ano po kayang posibilidad na mangyare sakin 1month plang akong nanganganak

      Burahin
  5. Ung kaibagan ko poh pinapatanong nia kung kelan poh cia pdng mkipg lovelove sa sa husband nia kc poh nagta2mpo na ung asawa nia sknya 1month poh plang kc cia normal poh ang pnganganak nia..comments poh salamat..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung normal yung delivery niya at tuyo na ang sugat niya...sa pagkakaalam ko, after a month pwede na 'yun kaya nga lang dapat pa ring mag-ingat... baka naman biglang masundan. Maganda rin sana kung naiintindihan nung husband niya ung kalagayan niya... kaya dapat ipaliwanag din niya. Lagi lang nating tandaan na mahirap ang mabinat at magkasakit ang isang nanganak. :)

      Burahin
    2. Too po ba kapag kumabta Ng malakas Ang Bagong panganak ay magkakagoiter daw 7 weeks po nakapanganak

      Burahin
  6. Normal lng po ba na sumasakit ang mga kamay ko n prang nmamanhid kpapanganak ko lng 10 days ako bukas nghugas kasi ako ng tubig kgad normal lng po b un n mamanhid ang kmay ko..

    TumugonBurahin
  7. Pagkapaligo po ba ng ikasampung araw e pwede na pong maligo araw araw?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi! Sa aking pagkakaalam, maaari ng maligo araw-araw ang ganoon.:)

      Burahin
  8. Pwede n mligo araw araw after ng 10days pero kung may nararamdaman k sa ktawan mo punas punas n lng muna

    TumugonBurahin
  9. Pwede n mligo araw araw after ng 10days pero kung may nararamdaman k sa ktawan mo punas punas n lng muna

    TumugonBurahin
  10. Bawal din po b bumiyahe ang isang bagong panganak? I mean ung mhahabang byahe like from mnila to laguna tpos commute lng.. thanks

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi! Sa tingin ko hindi makakabuti sa nanganak at sa baby niya na basta magbyahe. Kung minsan kasi, akala nating mga babae kaya na natin ang katawan natin, pero ang totoo kailangan muna nating makarekober sa pinagdaanan nating pagbubuntis at panganganak. Syempre yung safety mo pa rin ang bigyang pansin at mas maganda rin kung magtatanong ka sa doktor mo.

      Burahin
    2. hi po aq po ay nkakaranas ng hirap sa pagtayo at paglalakad, , hirap din tuningin na prang lumuluwa mga mata q at namamanhid kanang kamay q, ano po kayang gamot ang pwde qng inumin

      Burahin
  11. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hello Po good morning Tanong kulang Po puwede Po b mag laba ang bagong panganak salamat Po

      Burahin
  12. Same question from kraizie chiqx. Pwede na bang mag travel from cavite to manila 10days after giving birth? Pls let me know. Ty ☺

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi! Tulad ng tugon ko kay Kraizie chiqx, sa palagay ko hindi pa pwede lalo na kung days pa lang pero kung mga dalawang buwan na maaari na siguro. Maaaring kaya mong kumilos pero mas mahirap kung mabibinat ka dahil doon. :)

      Burahin
  13. mga mommies help nmn po 2 wiks plang po akong cs pro tinitibi po ako ngaun.hnd po ba bubuka.ung tahi sa luob pag mdyo nairi.ako .. d ko nmn po pinepwersa umere dhil natatkpt dn po ako.. help nmn po thanks..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang umaga! CS naman po ang inyong panganganak kaya po hindi magiging mahirap sa inyo iyon. Mas mahirap po sa mga normal delivery dahil po sa tahi. pero po kung natatakot kayo, pwede kayong humingi ng gamot sa pagpapalambot ng inyong dumi para hindi ka matakot sa pag-ire. :)

      Burahin
  14. Good evening po 2weeks and 4days na po nakalipas bago ako manganak. pwede na po ba ako maghugas ng pinggan at mga feeding bottle? Madalas po nasakit ulo ko normal po ba yun?salamat po sa pagtugon..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi! Frenz,sa pagkakaalam ko kapag nakaligo ka na.. pwede na. Pero magagaan lang ang dapat mong gawin.'Yung pananakit ng ulo, maaaring sanhi ng binat. Iwasan mo munang manood ng TV ng matagal o kaya ay gumamit ng celfon. Iwasan mong mabinat.

      Burahin
  15. Dapat uminom ka din ng ferrous sulfate at vitamins para pangdagdag lakas lalo kung breastfeed si baby.. wag mong masyadong pagurin ang sarili.mas mabuti na may sapat na pahinga.

    TumugonBurahin
  16. Hi po! Ask ko lang bawal pa din po ba magkkilos , mag 2 months na si baby... Pero ok nmn na ako at malakas. Parang normal na din ako kumilos.. Delikado po ba yun ? Ty po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi, Michelle! Maaari ka na namang magkikilos o gumawa ng ilang gawaing bahay kaya nga lamang ingatan mo pa rin ang sarili mo kasi ayon sa mga matatanda, maari pa ring mabinat kahit isang taon na... kaya ingat pa rin.

      Burahin
  17. March 13 2016 lang ako nanganak. Normal nman bumalik na din konti ang lakas ko. So 3 days na akong nanganak. Nag gupit kasi ako ng kuko. Bawal ba un? Kasama ba un sa bawal? Baka daw kasi mabinat ako. Pero minomotor ko nman sarili ko kung mayangyare. Thankyou

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ayon sa matandang paniniwala, dapat daw na makaligo muna bago maggupit ng kuko at iba pa tulad ng pagbabasa ng kamay. Pero syempre malalaman mo naman kung may masama kang mararamdam... basta wag ka munang magkikilos at wag kamunang magbubuhat ng mabibigat dahil mahirap ang mabinat. (*^_^)

      Burahin
  18. Paano kapag nabinat na paano ang gagawin?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hello! Kailangan ng mahabang pahinga. Mas masahol pa raw kasi sa panganganak ang binat kaya dapat ay mag-ingat talaga. Minsan kasi kahit sinasabi nating kaya na natin ang hindi natin alam nabibinat na pala tayo. Minsan matinding pananakit ng ulo, lalagnatin o kaya mananakit ang kasu-kasuan. Maganda ring magpatingin sa doktor. Yung iba nagpapahagod o hilot at ang iba naman umiinom ng mga halamang gamot laban sa binat tulad ng pinakuluang dahon ng sambong.

      Burahin
    2. sambong nakakalow blood po iyon sa isang cesarian kaya d ko pinapainom ng sambong e

      Burahin
  19. hi po kapapanganak ko lang last january sabe may binat daw po ako.. may kakilala po kau na magaling magsuob at maghilot?! salamat

    TumugonBurahin
  20. 6months na po buhat ng manganak ako d ko alam kung see an nanggagaling ang hilo ko simula pagkapanganak ko hilo na akouh nagpatingin na ako sa doktor ngunit ganto pdn nraramdamn ko help me nmn po.m

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang gabi! Malamang sa hindi baka may binat ka. Siguro ay nagcomputer ka kaagad o gumamit ng celfon ng matagal noon. Pero magpacheck up ka baka vertigo na yan. Mas mag-ingat ka kasi mahirap na magkasakit. God bless you. :)

      Burahin
  21. As in sobeang hilo at nwawalan na ko ng balanse.

    TumugonBurahin
  22. As in sobeang hilo at nwawalan na ko ng balanse.

    TumugonBurahin
  23. Gandang hapon.. bago lng din po akng panganak march 31 2016 ilang days pa lng binat na ba itong nararamdaman ko sa pag panganak ko pa lng hinang hina pa mga legs at paa ko pati mga kamay ko.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magpahagod ka kaya. Baka binat ang iyong nararamdaman. Kailangan mong magpahinga ng bonggang-bongga at kung ako sa iyo, magpapacheck up ako sa doctor.

      Burahin
    2. Tanong ko lang po kakapanganak ko lang po nung feb 19 binat po ba ang pag utot ng pepe reply po tnx

      Burahin
  24. Pwede po bang magparebond ? Magpapa5 mos. na po after i gave birth. Di na din po nagpapabreastfeed. Pwede po kya?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi, Jewel! Ang dahilan kasi kaya ipinagbabawal ang magpaayos ng buhok ay dahil kapag nanganak kung minsan nagkakaroon ng hairfall. Kung kaya mo pang magtiis after a year ka na lang magpaayos ng buhok. Pero nasa iyo pa rin yan.

      Burahin
  25. Ka papanganak ko lng po nung march. Pwede na po bh ko mag swimming kht one month pa lng after ko manganak?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hello! Mas maganda kung magtanong ka muna sa doktor mo. Mahirap kasi na malamigan ka. Isa pa hindi pa ganoong kalakas ang iyong pangangatawan baka kapitan ka ng ubo at sipon na makakaapekto sa iyong baby.

      Burahin
    2. kung 2 and a half months na po ba after ko manganak, pwede na magswimming?

      Burahin
  26. Last Feb. 2, 2016 ako nanganak bumalik ako sa trabaho nung April 20..'Yung trabaho ko kasi akyat panaog sa hagdan from 2nd floor to 4th floor minsan hanggang 5th floor..ok lang ba yun??

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Okay lang naman iyon basta wag ka lang magpapalipas ng gutom at syempre magdahan-dahan ka lang muna dahil kahit sinasabi nating malakas na tayo... kung minsan tinatamaan pa rin tayo ng binat. Good luck sa iyo. :)

      Burahin
  27. Binat po ba tong nararamdamn ko hanggang ngayon hilo pdn ako..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa palagay ko kailangan mo na magpatingin sa doctor... baka kasi may vertigo ka na. Mas makabubuti na magpacheck up ka para malaman mo gagawin mo. mahirap kasi ang magkaroon noon. :)

      Burahin
    2. Helo po 1week na po ang nakalipas sa panganganak ko.feelings ko ok na ako kaya nagride ako ng motor with my husband wala po bng epekto un?thanks po

      Burahin
  28. Hi pwede po mag ask..pwede na po ba akong bumyahe ng 1 and half hours, kakaraspa ko lang po nung MAY 24,2016...salamat po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! sa palagay ko, kailangan mo munang magpahinga. Para ka na rin kasing nanganak kapag naraspa... maaari ka ring mabinat. Isa pa wala pang isang linggo ang pahinga mo. Pero kung sa palagay mo na kaya mo naman at may kasama ka go ka lang. Basta pag-ingatan mo lang ang sarili mo. :)

      Burahin
  29. ask ko lang po 3months na po kase simula nung nanganak ako pero ngaon po meron pong lumalabas na liquid saken yung kagaya po nung bagong pangangak mga 1 week na po lumalabas saken yun..thengrabe na po yung lagas ng buhok ko tsaka madalas po yung ngalay ng paa ko.. eh nandito lang naman ako sa bahay .. tas ngayon po as in sobrang saket po ng tiyan ko ano pokaya to ?? salamat po !

    TumugonBurahin
  30. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  31. ask ko lang po 3months na po kase simula nung nanganak ako pero ngaon po meron pong lumalabas na liquid saken yung kagaya po nung bagong pangangak mga 1 week na po lumalabas saken yun..thengrabe na po yung lagas ng buhok ko tsaka madalas po yung ngalay ng paa ko.. eh nandito lang naman ako sa bahay .. tas ngayon po as in sobrang saket po ng tiyan ko ano pokaya to ?? salamat po !

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Kumusta ka na? Magpa-check up ka na sa doktor dahil hindi na biro ang nararamdaman mo. Pag-ingatan mo sarili mo and God bless!

      Burahin
  32. gud am po im angela pinapatanong po ng kada k kng ano pedeng mangyare pg ngpagamit ng 2weeks p lng galing panganak brest feed pa my posibilidad dw po bng mbuntis ulet agad

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ayon sa mga isang nabasa kong article after 6 weeks pa iyon pwede dahil kailangan munang paghilumin ang sugat at syempre para ma-regain mo ang iyong lakas. May posibilidad na mabuntis pero sabi nga kapag nagpapabreast feed malabo kang mabuntis basta tuloy-tuloy. Pag-ingatan niya ang kanyang sarili.

      Burahin
  33. Hello pwede magtanong ulit.. Kong pwede nba akong mag work ulit pagkatpos ng isang buwAn kong raspa kasi naraspa ako ng may then papasok nko sa work ko sa june 25 nka leave kasi ako sa work for 1 month..thank you po sa sumagot..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hello din sa'yo! Pwede ka naman magtrabaho ulit kaya nga lang hindi ka ganoon kalakas kaya dapat hinay-hinay ka lang kung babalik ka na sa pinapasukan mo. Kung minsan kasi kahit okay 'yung pakiramdam natin sa loob may mga hinihilom pa na mga sugat. Mag-ingat ka lang sa iyong pagbabalik sa trabaho. God bless you!

      Burahin
  34. hi.. ask q lng fo, sintomas fo ba ng binat ang nara2mdaman kong sobrang skit ng aking ulo, sobrang skit ng aking mga kasukasuan, at nanga2tal fo sa sobrang lmig khit mainit nman.. 5mths n fo nung aq ay nanganak.. pls ans. nman fo, nid q fo mlamn ehh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nako mommy parehas tyo ganyan ako ngayon. Gumaling na po ba kyo? Ano po ginawa nyo?

      Burahin
  35. Hi ask k lng po kung pwde gumamit ng aircon s bgong pnganak at s bagong baby?

    TumugonBurahin
  36. Hi ask k lng po kung pwde gumamit ng aircon s bgong pnganak at s bagong baby?

    TumugonBurahin
  37. hi po ask ko lang po nka 10days npo ako ngayun nkaligo ndn po ako.tatanung ko lng po kung ok lng po di nko mag medjas, at mag padjama nka dress na po kc ako ngayun at short sobra po kc init sa bahay, salamat po ..

    TumugonBurahin
  38. hi po ask ko lang po nka 10days npo ako ngayun nkaligo ndn po ako.tatanung ko lng po kung ok lng po di nko mag medjas, at mag padjama nka dress na po kc ako ngayun at short sobra po kc init sa bahay, salamat po ..

    TumugonBurahin
  39. Hi. Ako po si sam at 19 yrs old w/ 2 kids. 2 1/2 yrs panganay ko then kapanganak ko lng nung AUGUST 7. NABINAT ako sa panganay ko once nung 1 yr sya, then dto sa bunso ko twice ngayon gumaling nko nung 2 weeks sya tpos bumalik ngayon. Nagpahilot nden ako pro di ako sinuob. Dpat dw nagpasuob ako, pasaway din kse po hehe. Ginawa lhat ng bwal. Kya mommies ano po ba mabisang gamot sa binat? Salamat sa sasagot mga mommies.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Wala namang ibang gamot sa binat kundi pahinga at umiwas na gawin ung mga bagay na makakapagpabinat katulad ng pagbubuhat ng mabibigat, panonood ng tv ng matagal, pagpapalipas ng gutom at iba pa. Kaya dapat talagang mag-ingat.

      Burahin
  40. Hi gud am po 4 months plang po aq nkakapanganak ad cs din po 4 days plang po pinauwe na kmi ng doctor at eto po knabukasan naligo na aq gawa ng sobrang init. After 1 month 1/2 pinatigil muna aq ng hipag ko mgpa breastfeed gawa bg mai lumabas na worm (medyo kaderder) at pna purga muna nya aq. Medyo nkakaranas aq ng pagkasakit ng ulo at kapos sa paghinga tanong ko lng kng nbinat kya aq?? At ano kya ang puwedeng gawin?? Para mwala eto??hnd kya eto gwa ng pagligo q khit 4th day plAng?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Andrea! Siguro hindi lang dahil sa paliligo mo ang dahilan ng nararamdaman mong pananakit ng ulo at kakapusan sa paghinga. Siguro nga nabinat ka pero hindi dahil sa pagligo mo. Sa pagkakaalam ko walang ibang lunas sa binat kundi pahinga... pero magpa-check up ka pa rin sa doktor para mas alam mo ang gagawin mo. (*^_^)

      Burahin
  41. Hi gud am po 4 months plang po aq nkakapanganak ad cs din po 4 days plang po pinauwe na kmi ng doctor at eto po knabukasan naligo na aq gawa ng sobrang init. After 1 month 1/2 pinatigil muna aq ng hipag ko mgpa breastfeed gawa bg mai lumabas na worm (medyo kaderder) at pna purga muna nya aq. Medyo nkakaranas aq ng pagkasakit ng ulo at kapos sa paghinga tanong ko lng kng nbinat kya aq?? At ano kya ang puwedeng gawin?? Para mwala eto??hnd kya eto gwa ng pagligo q khit 4th day plAng?

    TumugonBurahin
  42. hi good day po..ano po ba ang tamang pag suob at pag ligo..tama po ung suob muna tapos maliligo ung pinagsuoban na dahon dahon un ung ipapaligo din.

    TumugonBurahin
  43. hi good day po..ano po ba ang tamang pag suob at pag ligo..tama po ung suob muna tapos maliligo ung pinagsuoban na dahon dahon un ung ipapaligo din.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang alam ko ang suob sa gabi ginagawa... ung pagligo hiwalay sa suob. Mangangainit ang katawan mo sa suob baka mapasama kung susundan mo agad ng ligo.

      Burahin
  44. Hi po pede po ba mgtanong ulet?? Ano po ba gamot po sa binat na halamang gamot,
    ?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi, Andrea! Sa Pagkakaalam ko ang dahon ng sambong ay gamot sa binat. :)

      Burahin
  45. Hi. 3months na akong nanganak. Kanina naulanan ako may possibility po ba na mabinat pa rin ako. Thanks in advance po.

    TumugonBurahin
  46. ano po gamot sa binat lagi po kasi ako nahihilo

    TumugonBurahin
  47. ano po gamot sa bagong panganakj

    TumugonBurahin
  48. nabinat po yata ako dahil lagi ako nahihilo nung aug.29 lang ako nanganak

    TumugonBurahin
  49. nabinat po yata ako dahil lagi ako nahihilo nung aug.29 lang ako nanganak

    TumugonBurahin
  50. Hello po.3 days palang ako nanganganak. Then naglaba na ko. Pero mga lampin lang naman. Tapos ngayon sumasakit ulit puson ko. Normal lang ba to?

    TumugonBurahin
  51. Hellow Po .january 21 2016 Po Ako Nanganak ask KuLang Po Kung Pwede Na Po Bang Mag Parebond Kahit waLa Pang 1year ago NangANak SaLamat Po...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. helo guys.familiar ba kayo sa sakit n bechwith weidmann syndrome. pa search nalang kung ano yan. kasi sabi ng doctor meron daw ganon ang baby ko. ang tanong ko lang po ay kung may alam kayo dito sa pinas na foundation para po sa mga may sakit na ganyan.. salamat po..

      Burahin
    2. sa nabasa ko po yan pwede k mag karoon nyan since birth yan po ay ang abnormal n pag laki ng bata na hindi match sakanyang age searh nyo po sa google mababasa nyo po lahat dun pati sintomas nya.

      Burahin
  52. May alam po ba kayo na nagsusuob o manggagamot para sa binat?

    TumugonBurahin
  53. Pede po ba magulam ng tinolang manok and bagong panganak na cs..d po ba manariwa un sugat

    TumugonBurahin
  54. Hello ilang months po b pwede bgo magpagupit ang isang nanganak..mag 5 months n po yung baby ku..thanks po

    TumugonBurahin
  55. hello po itatanong kolang po sana kung ano poba itong nararamdaman ko sa aking katawan nanganak po ako ng feb 24 2017 mag one month napo ako bukas pero bakit po ganito yung nararamdaman ko yung parang nahihirapan po akong huminga na parang may sumasakal sakin tapos po yung pagdurugo ko ay pahinto hinto nagpapa breast feed po ako . thanks po sa sasagot first time mom po kc ako

    TumugonBurahin
  56. pahabol na tanong po ..
    ano poba mangyayari sayo pag nahanginan ka? kc lage po akong natatakot na baka mahanginan ako kahit mag one month napo ako bukas naka medyas at pajama parin po ako takot po kc akong mahanginan kc nakakamatay daw po

    TumugonBurahin
  57. Tanong lang po . Pwede na po ba ibiyahe ang 1 month old na baby from zambales to manila 8 hours na biyahe po

    TumugonBurahin
  58. Almost 10months na nung nanganak ako. Ngaun my lumalabas sa katawan ko na maliliit na butlig. Isa ba ito sa mga binat na sinasabi?

    TumugonBurahin
  59. Almost 10months na nung nanganak ako. Ngaun my lumalabas sa katawan ko na maliliit na butlig. Isa ba ito sa mga binat na sinasabi?

    TumugonBurahin
  60. Kakapanganak ko lng po Hong October 18 2017 sinasakit po ang Tiyan ko

    TumugonBurahin
  61. Hi po? Kakapanganak q lng po nung oct.9 bbygirl,mag4week na kami or magisangbuwan!may problema po ksi e namamaga po yung breast ko almost 1week na ginawa nanamin lahat ng paraan pinump pinasipsip inihotcompress,minasahe!ang kahapon galing kami sa ob q niresetahan po ako ng antibiotic?pag po ba hndi pa rin tumalab ang antibiotic sakin anu pa po bang magandang paraan?

    TumugonBurahin
  62. Hello. Ask ko lang po. Pwede ko na bang basain ang sugat ko? Galing ako sa c section operstion last October 28, 2017.

    TumugonBurahin
  63. Hello. Ask ko lang po. Pwede ko na bang basain ang sugat ko? Galing ako sa c section operstion last October 28, 2017.

    TumugonBurahin
  64. Gamot po sa binat SUOB LANG PO .
    Madaling lang po mag suob
    Una kailangan mopo nang palayok pangalawa uling pangatlo dahon ng bayabas ung tuyot sunod dahon ng mangga tuyot din tas need mo gupitin kuko mo buhok mo sa baba at sa taas ilagay mo lahat pag sama samahin mo un lahat at ilagay sa palayok dapat napadingas muna ung uling tsaka mo ilalagay ang laht ng sangkap hanggang sa umusok maghubad ka at magtaklob ng kumot tas bubuka ka ka sa may palayok na sobrang init at usok .kailangan kulob ka sa kumot hanggang sa pag pawisan ka ung tipong naliligo kna sa pawis . Mainit man at at sobrang usok kailangan tiisin kasi bandang huli ginhawa ka namn at wla ng binat . Share lang po ngyari n ksi skin .

    TumugonBurahin
  65. Hello po. Bakit ganto nararamdaman ko. Mag3 months na akong nanganak pero hilo parin ako. umiinom naman ako ng ferrous

    TumugonBurahin
  66. Hello po ask ko lang po please I need an answer, almost 8 months ko n po tong nraramdaman Mula po nung niraspa ako Mabigat po lagi ang pagitan ng dalwang Mata ko sa may bandang Itaas ng ilong ko,at pati n rin ang dibdib ko nkirot at nabigat , nraramdaman ko po n kumakalabog pati likod n may kasamang pag galaw ng akin mga kalamnan

    TumugonBurahin
  67. Continuation
    Ano po ba dpt kung gawin kc nagpa check nmn n po ako sa doktor negative po lhat ng results and about sa mga herbal sa binat marami n po ako nainom, higad higaran..anunang..ect.nag simula lng po tong mga nraramdaman ko nung nakunan ako..

    TumugonBurahin
  68. Ok lang po ba mabasa sa ulan ang 2buwan paLang ang nakakalipas sa panganak ?

    TumugonBurahin
  69. Gusto ko ng mag rebond,bawal pa rin ba?

    TumugonBurahin
  70. 9months na nkakalipas after long manganak,

    TumugonBurahin
  71. 9 months npo nung nanganak ako Pero ngaun nahihilo po ako ng sobra Tas parang lumulutang binat po ba to or kulang sa dugo

    TumugonBurahin
  72. Tanong lang po totoo po bang gamot sa binat ang sungay ng Usa kakadkarin daw po at yung nakadkad na parang abo ihahalo sa mainit na tubig at ipapainum ?

    TumugonBurahin
  73. Hello po ask ko lang po mag 2 months pa lang po si baby pwede napo ba ako mag work di po kaya ako mapending sa medical CS po ako

    TumugonBurahin
  74. Hello po ask ko lang po kung pwede nakonmag work magb2 months palng po si baby di po kaya akonma mapending sa medical kaya ko naman po malaks nako CS po ako

    TumugonBurahin
  75. Hi po, tanong ko lang po kung binat po b nararamdaman ko, 4months n po akong nanganak, nung 3rd month po Sabi nla nabinat ako, kaya nagpahilot at suob ako, twice na, pero po Hanggang ngayon nahihilo pa din ako at parang nanlalambot, tapos po nung nagmens ako sbrang sakit ng puson ko na parang manganganak ako.

    TumugonBurahin
  76. Naniniwala ako
    Yung mga bawal ginwa ko pra mlmn
    Ko kung totoo ang kasabihan

    Nanganak ako naligo ako
    Tubig malamig uminom ako kht softdrinks
    Sabi bawal magsuklay paradi malagas buhok
    Nagsukly ako lagslagsbuhok ko hanggangngayun
    Nabinat ako kla ko mmty nko
    Sa sakit sunod na mbuntis ako dko
    Na ggwin yung bawal
    Paggupit ng buhok ewan ko lng
    Hntyin konlng newyear para sigurado๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜Š

    TumugonBurahin
  77. Hello po , 3 months na po ako nanganak . Ano po pwede kong gawin kasi bumyahe ako kahapon Ng nakasakay sa single tapos pag gising ko janina ayaw na pumikit Ng Isa kong maya at mwdyo tumabingi bibig ko , sabi sabi dto samin napasukan daw ako Ng hangin. Ano po pwede kong gawin?

    TumugonBurahin
  78. totoo po ba talaga na mag kakagalis pag naulan or naliligo ng gabi?kase po ako 3months na po kada gabi nalang po ako nakakligo pag nakakatulog n si baby sabi po nila nakakasugt daw po yun totoo po ba?

    TumugonBurahin