Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Egg shell

Almusal namin. :)
Karaniwan, itlog ang ulam namin sa umaga tulad ngayon. Matapos kong basagin sa gitna ang itlog biglang sumagi sa isip ko ang isang bagay na ginagawa ng mga matatanda sa balat ng itlog.

Ito ang paglalagay ng balat ng itlog sa mga dulo ng dahon ng mga orchids...at dahil may orchids na kami naisip kong ilagay ang mga balat. Ang problema sa gitna ko kasi hinati 'yung itlog at hindi sa dulo kaya nalalaglag. Pero padadaig ba ako, ipinilit ko pa rin silang ilagay at sinigurado kong di malalaglag...ang kaso naman si Yolanda (super typhoon) ay nagbabadyang bumisita.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit nilalagyan ng itlog ang mga halaman partikular na ang mga orchids. May scientific explanation kaya 'yon? May sustansya kayang makukuha ang mga halaman mula sa mga natirang laman nung shell? Hindi kaya dagdag dekorasyon lang ito sa halaman? Pero kahit ano pa man ang dahilan... wala namang masama kung gawin ito lalo na kung wala namang masamang epekto sa tao at halaman, di ba?

Kaya naman sa susunod hindi ko na babasagin sa gitna ang itlog sa bandang dulo na lang para sakma sa dahon ng orchids. Mas maganda rin kasing tingnan kung buo ang shell... siguro mas maganda kung kukulayan ko ito... parang easter egg lang...that gives me an idea... haha~

Marami pa namang beses akong maluluto ng itlog sa almusal kaya marami pa akong pagkakataong makapaglagay sa aming halaman. (*^_^)


2 komento:

  1. Mam. Alam ko hindi sa Dulo ng Orchids. dun mismo sa bandang roots :D Ganun kse ginagawa ni Mama :D
    hehehe. Share Lang rin

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ah ganon ba? pero karamihan sa mga nakikita kong naglalagay sa may dahon pero gawin ko din yang sinabi mo wala namang mawawala eh. salamat! :)

      Burahin