Huwebes, Oktubre 31, 2013

Creepy sa katanghalian

Tanghaling tapat. Matapos kumain nagpahinga ako ng kaunti dahil ala-1 babalik kami sa comlab para ipagpatuloy ang In-service training namin. 
Mga kasama kong mag-inset. :)

(Sembreak ng mga bata at kaming mga guro na hindi umupo sa eleksyon ay kailangang pumasok at ako ang naatasang pamunuan ang gawain.)

Maganda naman ang simula ng umaga namin. Nagdasal at nag-exercise pa nga kami. Sa madaling salita, walang problema. May dumating na speaker...ayos din.

Balik sa lunch time... sinara ko ang comlab after declaring ng lunch break... binigay kasi sa akin yung susi at dahil sa nag-aalala ako na baka may masira ni-lock ko muna habang nagkakainan kami. Quarter to one bumalik akong mag-isa sa comlab, abala pa kasi sa pagkukuwentuhan ang mga kasama ko at inakala ko na may naghihintay na sa akin para buksan ung lab.

Habang bumababa ako ng hagdan nakita ko ang isang estudyanteng papunta sa dulo ng hallway...dead end 'yun at wala na siyang iba pang pwedeng puntahan kaya nasabi ko sa sarili ko na sisitahin ko na lang pagbaba ko. Naiisip ko kasi na baka isa siya sa mga pinabalik para sa review.

Narating ko naman ang hangganan ng hagdan at bago ako tuluyan dumiretso sa padlock ng comlab nilingon ko ang batang nakita ko...pero wala siya. Inisip ko na baka pumasok sa katabing klasrum pero naka-lock din ito. Pinagana ko ang aking mata, sinuri ang bawat kanto ng hangganan... pero talagang wala siya.

Imbes na tumakbo ako at magsisigaw... pinakalma ko ang isip ko... binuksan ko pa rin ang comlab... binuhay ang mga ilaw at huminga ng malalim. Pagkatapos kalmado akong umakyat ulit sa taas at tinawag ko na ang mga kasamahan ko. Ang totoo hindi ako natakot...kinabahan lang ako...siguro kung natakot agad ako...bonggang tili ang gagawin ko.

Pero, nag-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila 'yung nakita ko...pero naisip ko na baka matakot silang lahat mas mahirap naman 'yun kaya sinarili ko na lang at nagsimula na muli ang gawain namin. Natapos kami mga mag-aalas-kwatro. 

Nag-aalisan na silang lahat... nakaramdam ako ng kaba... baka mamaya maiwan na naman akong mag-isa at biglang lumitaw 'yung batang nakita ko...mabuti na lang at may isang nakipagkuwentuhan sa akin tungkol sa isang palabas na pareho naming pinapanood...sinabihan ko siya na hintayin n'ya akong matapos mag-ayos at sabay na kaming umakyat.

Di ko kasi masabi sa kanya tungkol sa nakita ko. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi ako inaantok. Nakita ko talaga ang isang batang babae na lagpas balikat ang buhok at nakaputing pantaas. 

Hay, akala ko nga sa gabi lang nagpaparamdam ang mga gan'on... di pala... kahit anong oras pala pwede. Kakalokah lang talaga... tapos kapag kinuwento ko sa iba sasabihn baka guniguni ko lang daw. 

Anyway, hindi naman ako namimilit ng maniniwala sa akin... pero sigurado ako sa aking nakita.
(*^_^)

6 (na) komento:

  1. Nakakatakot naman mam.
    Buti na lang may blog at sa blog nyu po naikwento. ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. actually, nung kinukuwento ko na sa iba doon na ako natakot at habang tina-type ko itong post na ito. ang creepy, super! :)

      Burahin
  2. Katakot ! HAHAHA. Sana wag naman magpakita samin yung girl. :D :D

    TumugonBurahin
  3. ano ba yan, buti na lang Hindi sa akin nagpakita kasi baka tumili ako haha kakatawanan pa ako

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. woi, at talagang gan'on ang gagawin mo? ito ba ay isang pagbabadya? hahah~ peace! pero salamat talaga sa'yo! :)

      Burahin