Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friends. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friends. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Hulyo 16, 2013

Namimiss ko 'to!

Eto ang namimiss ko…









Masayang kuwentuhan. Malakas na tawanan. Asaran at basagan ng trip… yan ang nakakamiss na session namin.

Noon, tuwing Friday laman kami ng isang fast food chain at doon nagchi-chikahan ng mga mga walang kuwentang topic. Tamang relaxation lang at bonggang tawanan at kulitan.


Naaalala ko pa ang hintayan hanggang makumpleto ang grupo… manginginain lang kami ng fries at float baon ang kanya-kanyang kuwento.

Pero dahil nagbabago an gaming schedule nagging mahirap na magsagawa ng session. Kung minsan sa mga araw na may okasyon na lang nagkakayayaan…medyo nakakalungkot pero at least nagkikita pa rin naman kami sa school at nakakapagchikahan kahit sandali.

Ngunit mas lalong magiging mahirap na yata ngayon ang mag-set ng session dahil sa tatlo sa mga malalapit kong friends ang nagdesisyon na lumipat ng ibang school at wala naman ako o kaming magagawa kundi magpaalam. 

Sobra akong nalungkot…dati si sister naty lang ang lumipat na-super sad ako tapos ngayon tatlo silang sabay-sabay na umalis… at sila ang MAMIMISS KO.


 Una si Norbie… kasabayan kong dumating sa school at naging kasa-kasama sa mga gimikan…pagkain sa kamalig… panonood ng Meteor Garden, kahuntahan sa KFC, kapuyatan sa paggawa ng banig noon… nakatampuhan… pero sa huli friends pa rin.

Pangalawa si Marie. Sino na ang tatawagin kong ‘Ateng’? Kanino na ako magpapaload… hehehe… pero sa totoo lang kahit ilang taon pa lang kaming naging magkasama… click agad kami. Marami akong nalaman sa kanya at siya sa akin na kami na lang ang nakakaalam. Kahit mahilig magtaray at di nagpapaapi… sa kaloob-looban naman niya at isang busilak na puso (parang totoo… hehehe).


At ang pangatlo, si Rubie… paano na ang maaksyong kuwentuhan? Paano na ang mga chikahan na may paglilinaw? Paano na ang mga tawanan? Kahit medyo matampuhin itong babaeng ito… super sarap naman niyang kasama at kakuwentuhan. Kahit kung minsan pakiramdam n’ya na-oofend niya ako… eh, pakiramdam lang niya ‘yon! Pero alam ko minsan ako pala ang nakaka-ofend sa kanya kasi bigla na lang siya mananahimik. Iniisip ko tuloy sino na ang magiging topic ko sa blog? Hehehe… biro lang.

Kung minsan ang hirap tanggapin na ang mga malalapit mong kaibigan ay malalayo sa iyo pero sabi nga hanggang hindi nawawala sa puso’t isipan ang pinagsamahan ninyo… mananatili pa rin kayong magkaibigan kahit gaano pa katagal kayong hindi magkita.

Kaya naman sa inyong tatlo… good luck and God bless… alam ko naman magkakaroon pa rin tayo ng paraan para magkita-kita at manginginaing muli ng fries! (*^_^)

Biyernes, Hulyo 6, 2012

Sisteret


          Sisterrrrrr…… madalas ay bati niya kapag dumarating sa school. Bago siya makarating sa mesa niya ay napakarami niyang estasyon. Sa edad niya, mas bata siya tingnan dahil sa medyo maliit s’ya at payat. Pero masayahin at palakaibigan.
         
Masarap kasama sa mga gimikan si Sister…’yun ang tawag namin sa kanya. Todo birit sa videoke…mega-indak kung kailangan at marami ding kwento sa buhay.

          Business minded si Sister, pabango, sabon, bag, basahan, at malamang madagdagan pa ang mga iyon sa susunod. Sabi nga n’ya, pwedeng-pwede siyang magnegosyo na lang kasi malakas ang kanyang convincing power sa mga mamimili…kaya tuloy halos lahat kami eh, na-convince n’ya na bumili sa kanya ng pabango…hehehe…

          Pagdating sa pagtuturo, bigay na bigay din itong si Sister. Pinipilit niyang ipaintindi sa mga mag-aaral n’ya ang kanyang itinuturo kahit hindi n’ya talaga major ang Filipino…BS Psychology kasi ang natapos niya. Kompleto ‘yan sa visual aids at mga teksto. Minsan nga tinatawag siya ng mga bata ng Mrs. Teksto dahil araw-araw may tekstong ipinapabasa.

          Bahagi na siya ng pang-araw-araw na buhay ng mga bata at naming mga kasamahan n’ya lalo na sa akin. Hindi ko itatangging malapit siya sa akin dahil iyon ang totoo.

          Pareho kasi kaming masayahin…parang laging walang problema. Marami kaming napagkukwentuhan. Buhay sa eskwelahan, buhay may-asawa, pagiging babae, pagiging ina, maging mga…takot namin sa darating na panahon…

          Sa mga naging kasamahan ko sa pagtuturo ng halos magpipitong taon na masasabi ko na siya ang isa sa pinakagusto ko at malapit sa akin.

Hindi ko naisip na darating ang panahon na magkakahiwalay kami…hindi dahil may pinagtalunan kami kundi dahil kinailangan na niyang lumipat ng ibang paaralan mas malapit sa bahay nila.

          Isa ito sa ikinabigla ko at ikinalungkot.

          Biglang pumasok sa isipan ko ang mga tanong na… sino na ang pagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko at makakapalitan ko ng opinyon sa halos lahat ng bagay? Sino na ang yayakapin ko tuwing pumapasok ako na madalas kong gawin sa kanya? Sino na ang tatawagin kong Sister? Sino na ang bibirit sa videoke? Sino na ang makakasabayan ko sa pagsayaw? Sino na ang bagong magrereyna sa pabebenta ng pabango?

          Lahat ng ito ay pumasok sa isipan ko…nalungkot ako…naluha ng palihim.

          Ang buong akala ko, mawawala lang siya ng dalawang buwan dahil nagsilang siya ng ikalawang anak niya…iyon na pala ang hudyat ng aming paghihiwalay. Iyon na pala ang umpisa ng minsanan na lang naming pagkikita.

          Marami naman akong kasamahan na kaibigan ko pero para sa akin iba ang lalim ng aming pagkakaibigan. Hindi ko napaghadaang maaaring magkahiwalay kami. Pero alam ko na hindi naman nagtatapos sa kanyang pag-alis ang aming pagkakaibigan. Iba lang kasi ang pakiramdam ng palagi kayong nagkikita at kahit maikli ang mga kuwentuhan ay bumubuo ng araw mo. Gan’on siya sa akin.

          Siguro, hudyat na rin ang paglipat namin noon ng tirahan… na darating ang ganitong pagkakataon. Noon kasi ay madalas kaming pumunta sa kanilang bahay tuwing walang pasok. Magkukuwentuhan at magkakainan ng puspas…tawag nila sa lugaw. Iyon ang mga araw na masarap balikan. Mga araw na binigyan ko ng halaga katulad ng halaga niya sa akin bilang kaibigan.

          Ngunit kahit gan’on pa man, alam kong mananatili pa rin siyang espesyal sa akin. Mahirap makalimutan ang tulad n’ya na laging nagbibigay ng saya sa araw ko. Magkikita pa rin naman kami at makakapagkuwentuhan hindi na nga lang madalas tulad ng araw-araw na pagkikita namin dito sa ekwelahan.

          Hindi ko na rin masyadong maririnig ang salitang sister…sa kanya kasi nagsimula ang salitang iyon at siya lamang ang tumatawag ng ganoon sa amin. Nakakalungkot pero kailangang tanggapin.

          Sabi nga “there’s no permanent but change” lahat maaaring magbago. Sa ngayon, nangailangan lamang si Sister ng pagbabago para na rin sa ikabubuti ng kanyang pamilya.

          Mamimiss ko siya…namimiss ko na nga siya… pero wala naman akong magagawa. Mabuti na lang at may cell phone na at internet…marami nang paraan para magkaroon ng komunikasyon.

          Hayyy….

          Paalam Sister…. Alam kong magkikita rin tayo di nga lang madalas. 

Note: Matagal ko na itong naisulat sa note sa FB pero hindi ko nailagay dito sa blog.
Naalala ko lang ulet si Sister kaya naman naisip kong i-post dito. (*^_^)

Biyernes, Pebrero 24, 2012

Shout it out...mmmbop!


I will start with the very first music video that they make…

Mmmbop baddu bidapp baddu bop... oh yeah!

Sino bang hindi napapa-indak sa awiting ito? Noong 1997 ay kinalampag ng Hanson ang airwaves at marami ang nagtatanong kung sino at anong pangalan ng bandang ito? Super cute kasi ang tatlong teenager na kumakanta at napagkamalan pang babae ang isa sa mga ito.

Well, sila ang Hanson na binubuo ng magkakapatid na sina Isaac, Taylor at Zac.
Ike
Taylor
Zac
I really, really like them. Hangga’t maaari gusto ko sanang bilihin lahat ng mga song hits at magasin noon na may poster o kaya ay may mga news about them (pero sad to say, I don’t have enough budget L). Those were the days na parang walang araw na hindi pwede na hindi ko mapakinggan ang kanilang mga awitin (salamat sa bespren kong si Grasya at album ng Hanson ang gift sa akin.)

I was still in college at that time and I don’t have capability to get what I want so I would ask my friends to lend me their magazines and photocopied it. Masaya na ako noon. I can say na naging buhay ko ang mga songs nila. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan nang dahil sa kanila.

Wala pa kasing facebook noon at hindi rin ganoon kauso ang celfon. Ang isang paraan para magkaroon ng mga friends at makipag-share ng mga likes ay sa pamamagitan ng pakikipagsulatan.

Nakilala ko sila Luz, Bev, Joanna at Laarni na love na love ang Hanson… nadagdagan pa iyon sila Yzac, Ivy at Mariane… hindi naman masyadong naging problema ang communication noon dahil may telephone naman kaya nga lang sa mga information dissemination medyo mabagal. Nagsisimula pa lang kasi noong pumalaot ang Internet… Yahoo lang naman ang uso noon at mga chatroom.


Nagkaroon ng Yahoo group noon na ginawa nila Laarni at Joanna… (ewan ko lang kung buhay pa)… Trimondoblondo mania yata ang name… naku, nakalimutan ko na yata… sorry sa mmmboppers… doon, nagkakaroon ng mga usapan na magkikita-kita o eyeball.

Isa sa mga pinuntahan ko ay ang celebration ng birthday ni Ike… I still have the invitation and I also won a copy of songs from the boomerang album hindi ‘yung album...hehehe…tamang saya lang ‘yung feeling… kasama ang mga may gusto sa Hanson.

Naalala ko rin na kumuha ng piano lesson si Bev dahil sa Hanson at sila Laarni at Joanna naman ay nagko-compose ng songs tulad ko dahil din sa bandang ito. At si Luz na yata ang super fan ng Hanson dito sa Philippines dahil ang wall paper ng kuwarto niya that time ay puro poster ng Hanson…when I say puno.. it means na hindi mo mahahanap ang pinto…as in gan’un!

When I looked back, napapangiti ako sa mga nagawa ng tatlong gwapong teenager na ito sa amin na binigyan ng kulay ang mga buhay naming humahanga at nagustuhan ang kanilang mga awitin.

Maraming nagmahal sa Hanson kaya naman nang umeksena ang The Moffats… nagkaroon ng war zone sa mga songhits. Ayaw syempreng pumayag ng mga Hanson fans na masabihang manggagaya ang mga ito. Noon, super seryoso ang ilang fans ng Hanson at talagang nagsasagutan sila sa mga pahina nang Solid Gold…J

Anyway, when I graduated college… ang wish ko magkaroon ng bagong album nila at na-grant naman. At that time, maraming fans ang umaasa na pupunta sila ng Manila dahil kapag bumili ng bagong album… may chance ka na makita sila in person pero drawing lang ang lahat.
Kasama sana ako dito...

Marami kaming nagwi-wish na sana matuloy ang pagdating nila dito at noong first time nilang magko-concert year 2004… gustuhin ko mang manood ay hindi rin pwede (I’m pregnant!). Nalungkot ako. I envy my friends who got the chance to get their signature and take photos with them.

I just said to myself that if they will come back I will definitely watch it and I’m so glad that this coming March 30 they will visit the country and going to hold their second concert.

But I will admit that I’m not that updated about them now, maybe because of work … but to forget them… that are the last thing I will do!

Well, I’m also hoping to meet my Hanson friends again.  Thankful sa FB dahil nahanap namin ang isa’t isa. I guess we will be forever grateful sa Hanson dahil nagkaroon kami ng chance na magkaroon ng bagong friends, learn music instruments and inspire us with their songs! (*^_^)


Pahabol... isa ito sa favorite video ko... :)) If only!