Hindi ko alam kung paano sisimulan ang kuwento basta ang alam ko lang lagi akong tinatanong kung kelan ko susundan si Joyce.
Syempre naman gusto kong magkaroon ng kapatid ang anak ko kaya lang hindi pa siguro panahon noon para siya ay masundan kaya ngayon lang dumating.
Maglilimang buwan na nga siya ngayon...at nagsisimula na siyang magparamdam. Dumadalas na ang galaw niya kahit naglalakad ako o kaya nakatayo o nakaupo lalo na kapag nakahiga.
Marami ang natuwa para sa akin. Sabi nga nila tama lang na masundan na si Joyce kasi walong taon na...kung tutuusin malayo na ang agwat nila.
Pero ang kuwento ko ay tungkol sa panahon na hindi ko alam na dumating na pala siya.
Last two weeks of September without knowing that I'm pregnant...sumali ako sa cheerdance. Ang saya-saya ko pa nga na magstreching, bonggang galaw at super sunod sa mga step. Wala naman kasi akong nararamdamang kung ano. Hindi nga ako nahihilo basta ang alam ko lang...kaya ako sumali sa cheerdance para magbawas ng timbang.
Sa araw ng competition, isa sa hindi ko inaasahang mararamdaman ko ang parang mahilo at kapusin ng hininga sa oras mismo ng sayaw. Natakot akong tumumba pero sabi ko kaya ko itong tapusin at talagang bote ng mineral ang una kong hahanapin. Maayos ko namang natapos ang pagsayaw na hindi gumawa ng eksena.
October. Adik nga yata ako sa internet, halos araw-araw updated ang fb ko at karaniwang nakapaglalagay ako ng post sa blog...pero tila ang aga kong inaantok simula matapos ang cheerdance competition. Inisip ko dahil ito sa anak ko na palagi akong niyayang matulog katabi niya. Kaya hindi ko na nagagawang magpuyat at tumutok sa computer.
Ilang beses nasayang ang mga unlisurf ko dahil sa nawalan ako ng ganang magbukas ng computer. Palagi rin akong naglalaway... nakakainis na nga. Natakot ako na baka may kakaiba na akong sakit kaya minsan sinubukan kong magsearch sa internet kung anong sintomas ang ganoon. Nahihirapan din akong huminga at parang lagi akong sinisikmura. Hindi ko maintindihan. Isa sa lumabas sa na-research ko ang sakit na GERD...super ang pag-aalala ko. Gusto ko nang magpatingin sa doktor pero natatakot ako.
November. Kahit sa trabaho inaantok ako kahit ang aga-aga. Wala na akong ginawa kundi maghikab at pabayaang losyang ang sarili. Sa mga panahong ito napansin ng mga malalapit kong kasama o kaibigan ang gawi ko. Binibiro nila ako na baka buntis daw ako pero sabi ko hindi kaya. Pero nagkuwento ako sa kanila ng mga kakaibang nararamdaman ko.
Sabi nila... walang duda sis, buntis ka. Magpatingin ka na sa OB.
ANO DAW?!?! Buntis daw ako. Bigla akong kinabahan. Bonggang kaba. Natakot ako dahil baka may mga nakain o nainom na akong gamot na makakaapekto sa magiging baby ko. Super praning ako.
Bumili ako ng pregnancy test. Lumabas na malinaw ang isang linya at malabo ang isa. Sa isip ko, naku negative naman pala. E, malay ko ba naman na positive pala 'yun. Nasa denial stage ako... baka nagkakamali lang sila ng palagay...pero pinagtutulakan nila akong magpatingin sa OB.
At 'yun nagpatingin nga ako. Base sa sinabi ng OB magdadalawang buwan na siya. Totoo nga, dumating na siya.
Kung tutuusin hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng isang buntis. Walong taon na ang nakalipas...kaya clueless ako sa mga dapat gawin mabuti na lang at may mga kaibigan akong nagbibigay ng kanilang mga payo.
Bawal ang ganito, kumain ka ng ganito. Iwasan mo ang maganto, dapat ganito.
Sa sobrang dami nga ng sinasabi nila, nakakalito na. Pero masaya naman sa pakiramdam kahit may kaba sa bagong yugto ng pagiging ina ko.
Matapos magbunyi ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala... wala namang ginawa ang mga butihin kong mga kaibigan kundi yayain ako kung saan-saan. Kumain kung saan-saan at bumili ng kung anu-ano. (parang ang dami... haha!)
Nakaramdam ako ng pagduruwal pero napakadalang. Mas aktibo nga ako ngayon kaysa noong una sapagkat apat na buwan akong bed rest ayon sa doktor...pero ang kwento tungkol doon ay sa susunod ko na lamang ibabahagi dahil ang mas mahalaga ay ngayon. :)
Nasa ikalimang buwan na ako ngayon... nakakakaba pero masaya!
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na family. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na family. Ipakita ang lahat ng mga post
Martes, Enero 29, 2013
Biyaya sa pamilya
Mga etiketa:
family,
Karanasan,
Kasiyahan,
Kuwentuhan,
Pregnancy
Lunes, Hulyo 16, 2012
Cosplay Events
Isa na yata sa pinakagusto kong gawin ay ang makapunta sa isang cosplay event. Wala lang gusto ko lang. It's something na hindi na yata maaalis sa akin ang pagiging isip bata...hehehe...
Minsan nga sabi niya pang-bata lang yun but I proved him wrong.
My first ever cosplay event was last year... (kung kelan nagkaroon na ako ng anak at asawa saka lang ako napadpad sa mga event na ganito. Noon kasi kahit gustuhin ko mang pumunta wala naman akong budget kaya nangako ako sa aking sarili na kapag may trabaho na ako... sureness na pupunta ako!)
December 28, 2011... Ozine Fest... thanks to FB I was informed about it. So I ask my sister to go there together with him who feels na hindi siya mag-eenjoy.
Super saya ko dahil napapayag ko siya na pumunta sa event kahit nagdadalawang isip siya. May kailangan din kaming bilhin that time kaya naman double purpose ang pagpunta at talaga naman enjoy to the max ang feeling!
Parang nagbalik lang ako sa pagkabata...
January 21-22, 2012... Otaku expo.
Super enjoyed ako dahil sa pagkakataon na magkaroon ng pics kasama si Superman.
Tamang saya lang. Super enjoy ang mga kids...at sila pa talaga ang lumalapit sa mga cosplayer...
Sobrang nag-enjoy ang mga bata pati na rin ang matatanda... parang naging bonding time pa nga mga ibang pamilya ang pagpunta sa mga ganitong event dahil kasama ang mga magulang.
I'm looking forward sa mga darating pa na mga event. Hopefully sa darating na August 4-5, makapaunta sa Otaku Fest.
Isa na naman itong masayang araw at pangtanggal stress. (*^_^)
Mga etiketa:
Cosplay,
family,
kabaliwan,
Karanasan,
Megamall,
nais,
Otaku Fest,
Ozine Fest,
paborito,
Superman
Linggo, Hunyo 17, 2012
Si Tatay
Hindi ko
alam kung paano ko sisimulan ngunit alam kong kailangan ko siyang pasalamatan
at bigyan ng pagpapahalaga para sa espesyal na araw na ukol lamang sa kanya.
Maraming
bagay siyang naituro sa akin at masasabi kong kung ano man ako ngayon ay dahil
ito sa kanya. Hindi siya perpekto ngunit alam ko na lahat ng kanyang ibinigay
para sa amin ay napupunan na nito ang mga kakulangan niya.
Kung may
mga pagkakataong sumasama ang loob ko sa kanya noon mas naiisip ko ang mga
kabutihan at pagmamahal niya sa amin kung kaya’t nawawala din ang mga
pagdaramdam ko sa kanya.
Iba siya
magsalita…nakakatawa ngunit makahulugan. Madalas siyang magsalita ng mga
katagang…kung kailan natatae saka naghahanap ng papel...wala yatang tao sa
bahay…kasi marumi…at marami pang iba.
Nakita ko
kung paano siya magalit…kung paano siya matuwa…kung paano siya masaktan…at kung
paano niya tanggapin ang mga problemang dumarating sa kanyang buhay.
Marahil sa
aming magkakapatid, ako na yata ang lubos na makapagsasabi ng mga pagbabagong
naganap sa kanya mula sa pagiging matipuno noon na ngayon ay pinahihina ng
trabaho ang kanyang katawan.
Mali mang
sabihin ngunit masasabi kong mas minahal ko siya kaysa sa aking ina dahil na
rin siguro sa mga pinagdaanan namin na magkasama.
Una,
lumaki akong siya ang kasama habang ang mga kapatid ko ay nasa probinsya…na
alam ko namang di man nila nais na magkahiwa-hiwalay kami ay kinailangan.
Ikalawa,
nang umalis ang aking ina at nagtrabaho sa ibang bansa pinilit niyang gampanan
ang gawain ng isang ina.
Ikatlo,
palagi siyang nakasuporta sa mga hilig namin…tulad ng pagtugtog ng gitara,
pagguhit…panonood ng mga pelikula at iba pa. Hindi siya nagagalit kung
makakakuha ng line of seven sa card…sabi n’ya okay lang daw iyon, ang mahalaga
ay pumapasa...
Ikaapat,
madalas siyang bumili ng mga bagay na maaari naming ikatuwa…mga laruan, gamit
sa bahay na hindi lamang s’ya ang makikinabang kundi lahat kami.
Kung
tutuusin, marami pang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya. Ngunit sa mga
oras na gusto kong ikwento ang tungkol sa kanya ay hindi ko mapagsunud-sunod
ang mga salitang gusto kong gamitin para siya maipagmalaki.
Isang
bagay lang ang di ko masyadong nagugustuhan sa kanya kahit kasi hirap na siya
sa trabaho ay di siya nagpapahinga. Minsan tuloy naiisip ko na mahirap talaga
magpalaki ng magulang sapagkat para sa kanila alam nila ang makakabuti sa
kanila.
Ngunit
kahit gan’on siya, mahal na mahal ko siya at kung makapipili ng magulang ay
siya pa rin ang nais kong maging ama. Marami na siyang nagawa para sa amin at
sa tingin ko hindi pa nangangalahati ang nagagawa namin para sa kanya na kung
minsan ay minamasama pa ng iba.
Marahil
hindi nga kayang hagilapin ng makitid na isipan ng iba kung bakit sa kabila ng
pagiging istrikto niya ay labis ko siyang minahal. Umikot ang buong buhay niya
sa pagtratrabaho para sa amin at mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Kaya
naman proud ako sa kanya.
Happy
Father’s Day, Tatay! Mahal na mahal kita.
*Kung
sakaling naging magulo ang mga pangungusap ko ay humihingi ako ng paumanhin.
(*^_^)
(*^_^)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



