Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagbati. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagbati. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 22, 2014

Para kay Ateng




Sa una naming pagkikita, para siyang na-culture shock sa mga sinabi ko tungkol sa kakaharapin niya. Inakala ko pa nga na baka magback-out siya dahil na rin sa dami ng bata na kailangan niyang turuan bawat klase pero palaban siya.


Hindi man kami matagal na naging magkakilala pero parang matagal na kaming magkaibigan. Nag-click agad kami. Madalas magkaututang dila kami sa kahit anong paksa... mapa-pamilya, buhay, gawain, mga insecurities, mga pangarap sa buhay at usaping pag-ibig.

May mga usapang kami lamang ang nagkakaunawaan at may mga pagkakataong humahalakhak kami sa joke na kami lang ang nakakaalam ng dahilan. Masarap siyang kasama, may pagkamaldita nga lang. Masuri sa pamimili ng mga gamit at fashionista rin. May kakulitan din siya pero syempre mas makulit ako. 

Nagkapuwang siya sa aking puso bilang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan tulad ni sisteret... kung tutuusin tila siya ang pumalit sa pangungulila ko dito. 

May pagkakataon na pareho pa kaming naluha sa ilang mga session namin... ngunit kinailangan niyang mamili at magdesisyon. Lumipat siya at tunay akong nalungkot.

Kaya sa espesyal niyang araw ay nais ko siyan batiin ng isang

MALIGAYANG KAARAWAN!!!

Nawa'y mapasaiyo ang lahat ng iyong mga ninanais. Mapuno ng kaligayahan at mabusog sa pagmamahal. :)
miss you overload! (*^_^)

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Paskong maligaya

Taon-taon ipinagdiriwang natin ang Pasko...

Ngunit kung minsan nakakaligtaan natin ang tunay na kahulugan nito at mas nananaig ang mga materyal na bagay na kung saan ay panandaliang ligaya lang naman ang hatid.

Sana sa araw na ito ay manariwa ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan...

Mas maramdaman sana natin ang pagkakaisa at pagmamahalan sa bawat isang miyembro ng ating pamilya.

Na kahit walang handa... basta magkakasamang nagtatawanan... nagbabahaginan ng mga kuwentong maaaring magbigay ng inspirasyon... o kaya naman ay kagalakan.

Ngunit higit sa lahat, nalalaman natin ang dahilan ng pagkakaroon ng okasyon na ito. 

Ito ay dahil kay Jesus, ang bugtong na anak na Diyos na pinadala dito sa lupa para iligtas ang mga tayo sa ating mga kasalanan.

Maligayang Pasko sa ating lahat! :)

source:dramabeans






Martes, Pebrero 14, 2012

Isang tula para sa kanya

     Nagpagawa ako ng isang tula na naglalahad ng nararamdaman para sa isang taong minamahal...kaya nahikayat ko ang aking sarili na gumawa din ng tula.
     Ang alam ko, eto ang nasa isip ko! 

Laman ng puso

Kung mamarapatin, puso ko’y pakinggan
Matagal nang may nais sa’yo’y ilaan
Sa tulang ito’y sana iyong malaman,
Ligayang dulot mo, lubha kong naibigan.

Sa tagal nang panahon na magkasama
Wala sa hinagap ipagwalang bahala
Ang isang tulad mo na tila biyaya
Bigay ng Maykapal mula nang nakilala.

Dumating man ang pagsubok sa hinaharap
Pangako’y panunungkapan maging sa hirap
Sapagkat suliranin ay sadyang sangkap
Upang tumibay ang isang samahan.

Hindi man matamis ang araw-araw
Basta’t sa bawat isa’y walang aayaw
Tiyak na kulang ay mapupunan
Nang pag-ibig na tunay  at wagas.
(2/13/12 7:50PM) 
-eto ang orihinal kong gawa... 
Maligayang araw ng mga puso!
pagbati para sa mga makakabasa!
(*^_^)