Martes, Enero 17, 2012

Brigada Eskuwela na... sama ka?

Magsisimula na naman ang kampanya ng 
Brigada Eskuwela 
kung saan kinakailangan ang pagtutulungan
ng mga bumubuo ng paaralan at komunidad...
kabilang dito ang pamunuan ng paaralan, mga guro, 
mga magulang, mga mag-aaral at iba pang nagnanais na makatulong
sa ikagaganda ng paaralan at sa ikauunlad ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

Taun-taon itong ginagawa kaya hindi na ito bago
ngunit mas magiging maganda ang gawaing ito kung maraming makikipagtulungan
at makikibahagi ng kanilang oras at panahon para dito.


Katulad nang nakaraang taon...
bago nagsimula ang SY 2011 - 2012 muling nagsama-sama
ang mga guro, kawani ng barangay, magulang at mga mag-aaral upang
maging handa ang paaralan sa pagpasok ng mga mag-aaral.


May nagbigay ng t-shirt...



May mga nagpa-picture lang... LOL...


Dahil sa bakasyon, hindi nagalaw ang mga kuwarto ng paaralan...
maraming alikabok at mga tuyong dahon na kailangan 
walisin at damputin...




Nandiyan ang taga-kuha ng larawan...


ang mga kinabakasan ng pagod....


present din ang mga kinatawan ng mga magulang at baranggay.


Katulong ng mga magulang at mga guro ang pamunuan
ng SSG o ang Supreme Students Government!


Nakiisa rin ang mga mag-aaral sa pagwawalis para sa mga babae...


at  paglalampaso ng sahig sa mga lalaki...

Nariyan din ang mga gurong lalaki kasama ang ibang mga mag-aaral na lalaki na nagsasalansan ng mga kagamitan tulad ng mga silya... 


At syempre, isang masaganang lugaw ang pinagsaluhan
pagkatapos ng paglilinis...




Maganda ang hangarin ng Brigada Eskuwela.

Hindi dahil sa makukunan tayo ng pictures para masabing naging bahagi tayo nito kundi ito ay pagtataguyod sa isang bagay na pakikinabangan ng mas nakararaming kabataan sa ngayon na naghahangad ng quality education tuwing darating ang pasukan.

Kaya ngayon palang ay hinihimok na ang lahat na makipagtulungan.
Dapat lang na magkaroon tayo ng pakialam... mas maganda kung papasyalan natin ang paaralan sa ating komunidad upang malaman natin ang pangangailangan nito.

Maraming pwedeng gawing paraan upang makatulong tulad ng...
pagbibigay ng walis tingting o kaya ay tambo, 


pagdadala ng mga basahan...

o kaya naman ay pintura

at iba pang maaaring gamitin sa pagkukumpuni 
ng mga nasirang mga upuan, mesa o kaya'y pisara.

Kaya naman kung tayo'y may malasakit sa ating mga kabataan, 
maging bahagi tayo ng brigada eskuwela.

Magtulungan tayo, sama ka!

Lunes, Disyembre 26, 2011

MC Sessionista :)

MC Sessionista eating at...


madalas sa McDonalds kami nanginginain at naghuhuntahan... 
pero dahil magpapasko at para maiba nagpunta kami ng Chef d Angelo...

pero eto ang kuwento kung bakit nagcelebrate kami!


Sa hindi inaasahang pagkakataon, pinalad na makuha ni Bheng ang ikatlong puwesto sa pinakamaputing babae sa MC Sessionista... inalayan siya ng palakpak at natatanging korona na natagpuan sa kung saang sulok ng apat na sulok ng kanyang mundo....


...nahihiya man ay kumaway-kaway pa siya sa madlang people...(kung meron man...hehehe)

Pumangalawa naman si Ting, ipinasa ni Bheng ang korona sapagkat wala nang ibang maipapasa pa... 


tuwang-tuwang tinanggap ni Ting ang korona...


tatararan... presenting princess Ting..hehehe...


...pero dahil naiiba...inilipat ni Ting ang korona ... 

kay...

eh...sa akin pala...hehehe...


iba pa la feeling kapag kumakaway...LOL...


pero mas masarap pa ring maging anghel..hahahha...

ngunit di nagpaawat ang pinaka-cute at reigning...ms. korona


at 'yan ang dahilan ng celebration...

eat-all-you-can


one, two, three...click!
buti hindi gumalaw...LOL...


sa totoo n'yan...binantayan niya talaga ang mga stub na 'yan! heheh...


yummy....yummy...yummy....





Round 1



  
 ...Round 2 na sila...


...sumakit na yata ang ulo dahil sa kabusugan...
kaya mo 'yan...Rachel..LOL

pero nagcelebrate din kami dahil magkakaroon na daw ng tv sila Me-an


dahil d'yan...

CONGRATULATIONS!

Matapos manginain...


busog agad...


tumapong pagkain


napasayaw...


tamang trip lang...


at tamang tayo lang 
at iwanan ang bakas ng kabusugan!

(*^_^)

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Bakit pa kasi gumawa ng blog?

Bigla na lang ang daming tanong sa isipan ko...ewan ko nga ba kung bakit pero ganun talaga

Halos naka-isang taon na akong nakagawa ng blog na matagal ko nang minimithi pero ngayong meron na akong blog bakit wala naman akong mailagay...bakit parang wala na akong oras? Ningas kugon nga lang ba ako. Parang ang yabang ko pang tatlo pa ang ginawa ko.

Parang kayang i-update everyday. Parang napakaraming oras para humarap sa kuwadradong mundo. Parang napakasigasig sumulat.

Gusto ko nang katukin ang utak ko eh...bakit pa kasi gumawa ako ng blog gayong hindi ko naman pala magagawang malagyan ng kung anu-ano.

Pero, muli kung binasa ang mga naitala ko na...maayos naman...nakakatuwa naman...nakaka-excite naman pero sad pa rin ako dahil tila wala namang nagbabasa.

Ano nga ba ang dahilan ko sa paggawa ng blog? Una, gusto kong mabasa ng ibang tao kung anong nasa isip ko. Pangalawa, gusto kong mabasa ng ibang tao ang mga likha ko. Pangatlo, para ipaalam kung gaano ako kaadik manood ng mga pelikula.

Tila ang babaw ng dahilan ko...pero 'yun talaga 'yon! Walang labis, walang kulang...pero kung sa inyong palagay eh may kulang e di dagdagan ninyo...pero ang sa akin lang WALANG PAKIALAMAN!

Kaya masisisi n'yo ba ako kung itanong ko sa aking sarili kung bakit pa ako gumawa ng blog? Ang umeksena...papampam!

Linggo, Oktubre 2, 2011

Kumanta siya, umiyak ako

Nang sumalakay si Pedring nawalan kami ng kuryente. Dalawang araw na walang kuryente dito sa amin. Sa unang gabi, walang magawa. Ang gitara ko...wala sa tono kaya wala akong magawa. Kaya...tulog na lang muna.

Sa pangalawang gabi, tila ganoon ulet ang drama ng buhay ng mga walang kuryente....bago sumapit ang dilim kailangan, luto na ang pagkain...at bago pa tuluyang mabalot ng dilim ang buong paligid at mga malabong ilaw na lamang ng kandila ang magsisilbing liwanag ay kailangang nakakain na. 

Hindi naman namin inaasahan na hindi pa rin magkakaroon ng kuryente. Ang anak kong buhay na buhay pa rin ang energy sa kabila ng madilim na kapaligiran...inuto kong kumanta.

Marami siyang kinanta na kinakanta daw nila sa school...pero may isang awitin na tinamaan ako...

eto iyon...

Bago ko ipikit ang mata ng mahigpit
kaya bago pa managinip kayo ang nasa isip

Ang pamilyang ito, may pag-ibig na totoo
kaya abot hanggang langit 
ang pasasalamat ko

Dear God, salamat po 
sa pamilyang ito
Huwag n'yo pong pababayaan 
ang mga minamahal ko
Dear God, salamat po
panalangin ko'y dinggin
sana'y laging may pag-ibig
sa tahanan namin

Nanay at tatay ko
sa akin ay the best kayo
kapatid kong makulit
hindi kita ipagpapalit

Dear God, salamat po
sa pamilyang ito
huwag n'yo pong pababayaan 
ang mga minamahal ko
Dear God, salamat po
panalangin ko'y dinggin
sana'y laging may pag-ibig 
sa tahanan namin


natuwa ako sa pagkanta n'ya punung-puno ng feelings...
mabuti na lang at madilim hindi n'ya pansin ang luha ko...

Kalungkot lang hindi ko na-record...siguro pag nauto ko na lang siya ulet!

Nakakatuwa talaga siya...(*^_^)
Sep. 28,2011




Lunes, Setyembre 19, 2011

Mabahong usapan...as in eeewww!



Marami ang nagsasabi na magandang ehersisyo ang paglalakad. Kaya naman ang motto ko…(na sinabi rin ni drew..ehem) ‘Lahat ay walking distance.’

Pero paano kung ang kalsadang daraanan mo ay puno ng mga …jackpot?!?

Paumanhin sa mga kumakain… pero hindi ba’t nakakadiri…nakakawalang gana at talaga naman nakakaasar lalo na kung umagang-umaga ito ang babati sa’yo! (eeewww!)

HIindi naman ako maselan sa mga mababahong amoy…maging sa mga dumi ng hayop…pero ang hindi ko gusto ay ang kawalang manners ng mga aso na araw-araw ay ginagawang palikuran ang kalye.

Walang araw na walang jackpot sa dinadaanan kong kalye…pwera na lang kung umuulan. Tulad na ng nasabi ko na kung baho rin lang ang pag-uusapan di ko na iyon pansin…pero ang nakakadiri ay ang nagkalat na jackpot na napisa na ng mga gulong ng mga sasakyan o kaya’y may suwerteng nakaapak dito! (Eeewww)

Pero ang malala ay ang pagpapatintero sa mga nakaladkad ng mga gulong o mga tsinelas na bumuo ng mga pulo-pulo sa kahabaan ng kalye. Talagang nakaka-eeewww!

Sabihin n’yo nang nag-iinarte ako… pero nagsasabi lamang ako ng isang katotohanang araw-araw na bumabati sa aking umaga. How I wish magpalit tayo ng sitwasyon kung saan kayo ang makakasaksi ng mga bastos na mga asong hindi magpagawa ng sarili nilang palikuran para hindi nakakahiya sa taong katulad natin!

Hay naku, talaga! EEEWWW!
(*^_^)

Setyembre 19, 2011