Ipinapakita ang mga post na may etiketa na post. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na post. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Enero 5, 2015

Bagong taon, bagong pananaw

Ito ang kauna-unahang paskil ko sa aking blog.

Matagal-tagal akong natulog sa pagsusulat hindi dahil wala akong oras siguro dahil medyo nauunahan ako ng katamaran. Isa pa, marami akong gustong isulat at mga nais ipahayag at bigyan ng aking mga kuro-kuro pero hindi ko ipinaskil at hinayaan kong matulog at magpahinga sa pansitan ang aking blog.

Kaya naman ngayong pagpasok ng bagong taon, parang gusto ko namang maiba. Gusto kong magpaskil muli hindi pa-isa-isa bawat buwan kundi sa mga bawat pagkakataong may sumagi sa aking isipan ay maisusulat ko at maibabahagi ko kahit walang matinong seseryoso sa mga sinusulat ko. :)

Pero bilang unang paskil sa aking blog... gustong kong isa-isahin ang mga hindi ko gusto... tao, bagay, hayop, at kung ano pa... wala lang #maymasabilang madalas kong ginagamit na hashtag.

Eto ang sampung ayaw ko

1. Ayokong makahalubilo mahilig humanap ng mali sa kanilang kapwa. Palagi nilang nakikita ang mga mali sa ibang tao pero 'yung kanila hindi nila mapansin.


2. Ayokong makaharap ang mga balikharap. Madalas, maganda lamang silang kausap kapag kaharap ka ngunit may mga lihim na mga disgusto pala 'pag talikod sa iyo. Mahilig magsabing nag-aalala sila, iniisip lang ang kabutihan mo ngunit sa kabila pala noon naghahanap lamang ng maibabalita sa mga kaututang-dila.

3. Ayoko sa mga walang kwenta sumagot. Ito 'yung mga eksenang matino ang mga tanong pero sasagutin ka na para bang napakaganda ng kanilang kasagutan. Mga tipong hindi pinag-isipan o kaya'y minsan papilosopo kung sumagot.

4. Ayoko sa mga nangunguha ng gamit ng may gamit pagkatapos hindi na ibabalik. Okay lang namang manghiram ng gamit basta ipinagpapaalam at ibinabalik.

5. Ayokong matulog ng walang nakikitang liwanag. Kung minsan, pakiramdam ko di ako makahinga kapag sobrang dilim. Kahit konting liwanag, ayos na ang tulog ko.

6. Ayokong makakakita ng mga jackpot ng mga aso sa umaga. Alam ko, hindi nila alam na nagkakalat sila pero hindi ba tungkulin ng mga nangangalaga na linisin ang mga dumi ng kanilang mga alaga?

7. Ayokong nakakatanggap ng text sa dis oras ng gabi. Ewan ko ba kung bakit may mga ganoon... pwede namang maghintay ng umaga, magtetext ng hatinggabi tapos mga qoutes lang o kaya ay GM lang... pang-asar 'yun hindi ba? Lalo na kung katutulog mo pa lang at biglang tutunog ang iyong telepono. >badterp< un!

8. Ayokong pinaghihintay lalo na kung hindi naman pala talaga darating o mangyayari. Madalas, inaantabayanan ko na yung mga pwedeng gawin lalo na kapag may usapang gawin o puntahan pagkatapos ay hindi maaalala at malilimutan na. Ang ending sawi!


9. Ayokong magdadala ng payong. Isang dahilan, mabigat. Mas madalas namang maaraw at alam naman na nating kung kelan talaga maaaring bumagsak ang malakas na ulan kaya bakit pa araw-araw magdadala nito kung pwede namang sa mga araw lamang na kailangan ito. :P


10. Ayaw na ayaw ko ng lamok. Hindi ko alam kung bakit lagi nilang pinagpipyestahan ang aking dugo. Malingat lamang ako ng konti, makakagat na ako. Ayoko ring marinig ang pag-ugong nila sa tenga... nakakayamot... nakakabuwisit. Kaya naman lagi akong nagkakabit ng kulambo.

At iyan ang aking sampung ayokong makasama, maramdaman, o kaya'y makita ngayong taong ito.

Ito ay mga bagay na sumagi lamang sa isip ko... mga panahong wala talaga akong maisip na iba.

Maligayang 2015 sa ating lahat. (*^____^)

Photo credits:
https://blogger.googleusercontent.com/img/proxy/AVvXsEhTA9BpDFO98U741MLoQC8m6kV_zfJ5Da1dlxVUGVgug9il7Zx5YTBOBZBac8o1fFAoxW84_azva4vCa4AUlqtAK9RnW4TbI9THCX9_R3_I7P9oe_IkkNhf7yHibJJbukyVaKNEpaLqg041WAq6XQgUkalc4g=
https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQUStjJ38FHW2e27hzqZGf9JjPrK_NBd9OtcDFIxDV4AJpAW-YjKg
https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTaJ3sQMNeYXXHsvB3dXh7UFiH8ZatZ7512vWu4OqDO5e8Ll8C7Mw

Biyernes, Enero 24, 2014

Bakit wala akong post?


Hindi ko talaga alam kung bakit di ko ma-update ang blog ko lalo na noong bakasyon bago magbagong taon.

Sobrang nakakaasar kapag ang daming pumapasok na ideya sa utak ko na hindi ko mailabas dahil sa isang bagay... ang nakakabuwisit na kabagalan ng net. Kaya madalas lumilipad na lang sa langit... pumuputok na parang mga bula ang mga naiisip ko...hanggang sa tuluyang hindi ko na maisulat.

Marami akong gustong isulat. Mga tao, mga pangyayari, mga kulay, mga hangarin, mga nararamdaman at kung anu-ano pa na pumapasok sa aking malawak na isipan ngunit sa kasamaang palad... ay hindi ko ito naisusulat. Kung maisulat ko man... hindi kayang habulin lahat kaya karaniwang unahan lang ang naisusulat. Kung minsan, nilalagay ko sa note sa aking celfon pero tulad ng sulat kamay, mahirap ding habulin ang mga salitang dinidikta ng aking utak.

May katamaran din kasi ako. Kahit ayaw na akong patulugin ng mga ideyang nasa isip ko...ayaw ko pa ring bumangon at magbukas ng computer kahit isinisigaw na ng utak ko na magbukas ako. Mabilis kasi akong magtype... kahit paano ay nakakasabay sa bilis ng mga tumatakbong salita sa utak ko tulad ngayon.

Pakiramdam ko tuloy ang dami kong na-miss na mga kuwento... mga bagay na nangyari na... mga bagay na dapat ay naibahagi ko pero di ko nagawa. Sa mga oras na ito. Ito ang unang post ko para sa taong 2014.

Huli na para bumati pa ako ng 'manigong bagong taon.' pero bumati pa rin ako... mabuti na ang bumati ng huli kaysa kalimutan na lang ng okasyon. 

Kung tutuusin parang wala namang kabuluhan ang post kong ito... pero gusto ko lang magsulat ng mga nasa utak ko sa mga oras na ito na pilit na hinahabol ng aking mga kamay sa pagtipa ng keyboard. 

Hanggang sa susunod na pagpapaskil. (*^_^)