Biyernes, Agosto 31, 2012

Paboritong palabas


Kanina usapang pambata ang peg naming magkakasamahan. Alalahanin ba naman ang mga paboritong palabas noon. Nagsimula un nung pumasok si Taz at Charmaine eh. LOL.

Isa sa mga napag-usapan, 'yung tumatalon daw na babae at nakikita ang underwear niya... sabi ni Taz sa Bioman daw 'yun... pero si Annie pala ang tinutukoy niya...hahaha... kung sabagay sa Bioman si June ang nakapalda at palagi ring tumatalon. 

Balik kay Shaider... sabi ni Charmaine ang gusto daw niya doon ay si Ida... sabi ko lalaki si Ida sa totoong life... nagulatang sila... eh, kahit ako... nagulat eh! Parang 'Time space warp, ngayon din!' effect lang!
Isa palang lalaki si Ida.  Siya si Jun Yoshida. 


Parang ganun din ang pagkagulat ko nang malaman ko na si Farrah Cat na kalaban sa Bioman ay walang iba kundi si Cynthia Luster. Syempre, nagulat ulet sila. 

'Yung naka-violet, siya si Farrah Cat.

Maskman. Naka-red si Michael Joe na dito na nakatira sa atin.

Super tawa trip ang nangyari kanina. Biglang singit si Downy di un ung palabas na may makasintahan? wahahaha... Maskman un ah... ay ang tinutukoy pala niya ay Daimos... sabi niya Voltes V daw... naku, patandaan ba ito ng palabas? hahahahha... sila na talaga... ay mali pala, kami na pala.



Tamang laughtrip lang talaga kanina!

Nakakatuwa lang talaga pag-usapan ang isang bagay na pare-pareho ninyong alam. (*^_^)

Miyerkules, Agosto 22, 2012

Cosplay Ramp, yosh!

I have no idea...as in wala. Malay ko ba na may Coslay ramp sa SM Masinag nung nakaraang sabado.

Abala ako masyado at hindi ko na naisip 'yon...pero nagyaya siya na pumunta kami doon ang dahilan ay alam na! (surprise pala 'yun... ahihihi... kilig!)

Kaya naman super enjoy ang sabado ko kahit naging super ngarag. Tamang saya lang at halata naman sa mga larawan! :)




















*Medyo nagkaroon lang ng konting di magandang pangyayari.
Anyway, naging okay din naman. Isa sa mga nag-organize nito ang Grandline Philippines. (*^_^)

Martes, Agosto 14, 2012

Ipagpalagay mong tanga ako

Eto ang kuwento

Guro: Takdang aralin. Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumisimbolo sa inyong buhay.

Kinabukasan.

Guro: Ipasa ang takdang aralin. (Bumunot ng isa.) Ipaliwanag kung bakit ito ang iginuhit.

Mag-aaral: (Nagpaliwanag.)

Napansin ng guro na karamihan sa ginawa ng mag-aaral ay kandila. Kaya naman sinabi nito na

Guro: Wala na ba kayong maisip na iba? O, eto may puso pa e, di ba simbolo ito ng pag-ibig... eto naman may puso at may bilog sa gitna... gulong ba 'yong bilog na iyon?

Mag-aaral: (sumabat) Ma'am lemon po 'yung bilog.

Guro: (tumaas ang kilay) Ano daw ang sabi? Lemon  daw? Ginagawa yata akong tanga ng nagsabi n'un. O, sige ganito na lang, ipagpalagay na lang na tanga ako... bakit lemon ang nasa gitna? anong ibig sabihin n'on?

Mag-aaral: (sabay kamot sa ulo) akala ko lang po ma'am...


... kung minsan ang mga kabataan sa ngayon basta may masabi lang pero wala namang laman. Ito ay isang sitwasyon na para bang sa ginawa nung mag-aaral gusto n'ya lang magpatawa pero nakababastos na ng guro. Para bang gusto palabasin na tanga ang guro at hindi mapapansin ang sinabi niya. 

... maraming ganitong uri ng mag-aaral, mahilig sumabat kahit sa gitna ng talakayan at wala namang kaugnayan ang mga sinabi sa pinag-uusapan. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Ang kaseryosohan ng buhay mag-aaral ay hindi na mahalaga kundi ang lakas ng loob lang na maipakita sa kanyang mga mag-aaral na hindi sila kayang sawatahin ng mga guro dahil may batas na nagpro-proteksyon sa kanila?

... paano naman kaya ang mga guro kapag sila ang ginagawan ng di maganda ng mga mag-aaral? wala pa rin bang karapatan ang mga ito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili kahit pagkatao na nila ang tinatapakan ng mga walang galang na mag-aaral? Ano pa ang silbi ng ilang taong pag-aaral sa kolehiyo at pagkuha ng lisensya kung sa bandang huli ang mga bata na gusto nilang akayin sa kabutihan ay siya ring lalapastangan sa kanilang pagkatao. Hindi ba't nakakababa naman ng dignidad.

... at isa pa, hindi ba naiisip ng mga batang ito na ang panahong iniuukol ng mga guro sa kanila ay isang pagsasakripisyo sapagkat ang oras na dapat na ibigay nila sa kanilang mga anak ay nailalaan pa sa kanila. Kung tutuusin kahit nasa mga bahay na ang mga gurong ito, iniisip pa rin ang mga estudyanteng hindi pumapasok... nag-aalala sa mga estudyanteng maaaring bumagsak. Nag-iisip kung paano matutulungan kahit sa maliit na paraan ngunit ano ang nagiging kapalit ng lahat ng ito...

mas madalas gusto nilang gawing tanga ng harap-harapan ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng mga pagtatagni-tagni ng mga kuwento at pagsagot-sagot nang walang pakialam sa damdamin ng mga ito.





Huwebes, Agosto 9, 2012

Wala lang.


Tatlong araw nang walang pasok.
Walang bagyo pero di maawat ang langit sa pagluha.
Sa mga tamad, ayos ito!
Sa  mga masisipag, sayang naman.
Sa mga magulang na nagbayad ng tuition fee, lugi naman.
Sa mga may negosyo, matumal.
Sa mga bagong kasal, bongga ‘yan.
Sa mga may kasintahan, nakakalungkot.
Sa mga walang pera, okay lang.
Sa mga foreigner, oh my!
Sa mga mahilig sa facebook, yehey!
Sa mga mahilig sa tweeter, twit-twit!
Sa mga nasa mababang lugar, matubig.
Sa mga nasa mataas na lugar, madulas.
Sa mga apektado, tumulong tayo at magdasal.
Sa mga walang paki-alam, tulog ka na lang.
Sa mga nagtataka, wag na!
Sa mga nagbabasa, bakit?
Sa gumawa nito, pahinga ka na!
Walang magawa, iyon ang dahilan.
Sa dami ng gagawin, walang masimulan.
Sa dami ng sisimulan, walang magawa. 
(*^_^)

Go pa rin sa Otaku Expo 2012


Sa ikatlong pagkakataon, nakapunta ako sa isang cosplay event… Otaku Expo 2012. Syempre, hindi napigilan ng malakas na ulan ang nagpupumilit at makakating paa.

Nakaplano na ito subalit nagkaroon ng pasok ang sabado kaya naman hapon na kami naka-alis kung kaya’t ilan na lang ang inabutan namin sa Megatrade Hall ng SM Megamall.

Halos isang oras at kalahati pa kaming naghintay sa sakayan kaya naman bonggang hapon na dumating…as in hapon na… alas-5 na kasi.

Dumating kami na may tumutugtog na banda, kung ano ang kanilang kinakanta hindi ko alam… medyo windang pa kasi kami sa byahe. Naging sentro ng atensyon ng kasama ko…(kapatid ko) ang mga dvd… usual Japanese series o kaya ay anime!


Umubos din kami ng halos isang oras kaka-paroo’t parito…tingin doon tingin dito ng kung anik-anik.



Bago pa, kami nagpakuha ng picture sa mga nanatili at pagod nang cosplayer.  Buti nga at nagpa-unlak pa sila.



Anyway, masaya pa rin naman sa pakiramdam ang makapunta at maging isip bata. Kaya lang, nagulat ako nang may tumawag sa akin ng ‘Ma’am’… nandoon din pala ang isa sa mga naging estudyante ko… nakakahiya… hehehe…as if! Nahiya ako ng konti… LOL.

Masaya naman ang ilang oras na pagstay namin… pero sa susunod dapat na maagang makapunta…hehehe… it only means na hindi dito natatapos ang pagdalo ko sa ganitong events. Sure ‘yon! (*^_^)

Walang kaalam-alam ang may-ari ng likod na iyan na may picture na siya...
pasaway lang kasi ang nagpa-picture... LOL