Martes, Agosto 2, 2016
Ayokong Matapos
Ayokong tapusin sa isang paalam
lahat ng ating pinagsamahan
ang mga naipong kaligayahan
hindi dapat matapos sa isang paglisan.
Ayokong tanggapin ang isang paalam
at limutin ang lahat ng alaala
hahayaang manatili dito sa isipan
mga pangako't matatamis na pagsinta.
Ayokong mauwi sa isang paalam
mga planong matagal pinag-isipan
maging mga pangarap na binuo nang sabay
sa kabilugan ng buwan na magkahawak kamay.
Ayokong sa isang paalam magwakas
suyuan at pagsinta sa mukha'y mababakas
kung may ligaya tiyak na may kalungkutan
ngunit ayokong matapos lahat sa isang paalam.
*Dahil gising pa ako sa kalaliman ng gabi ng nagdaang ika-18 ng Hulyo, 2016...
nabuo ang isang tula. (*^_^)
Linggo, Abril 10, 2016
Usapang aswang and everything
Nalalaman kong hindi pa panahon para pag-usapan ang tungkol sa mga nakakatakot na pangyayari o karanasan ngunit dahil sa nakapangako na ako sa isang kaibigan na nangangailangan ng kuwentong ito, isasalaysay ko na lamang dito. Hindi kasi kami magkaroon ng pagkakataong magkita at magkuwentuhan tungkol sa pakay niya kaya hayaan niyo nang maging creepy ng sandali ang pagbabasa niyo ng blog ko sa panahon ng tag-init.
Kapag lumaki ka sa panahon namin noon na malaki ang paniniwala sa mga duwende, mga aswang, mga multo at kulto na nangunguha ng bata para pang-alay. Ilan iyan sa mga nagbibigay sa amin ng dahilan noon para matakot kami na abutin ng pagkagat ng dilim sa lansangan.
Ngunit maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari noon na aking nasaksihan na nagpaniwala sa akin na totoo ang ilan sa mga ito?
Isa na dito ang tungkol sa mga duwende. Maraming kuwento ang lola ko noon sa akin na ako raw ay mahilig maglaro mag-isa at may kinakausap. Tuwing ikinukuwento niya iyon kinikilabutan ako pero sa isang banda ng isip ko siguro ay masarap magkaroon ng kaibigang duwende. Madalas, may mga nawawalang gamit sa bahay namin na matapos kang mahilo sa paghahanap biglang lilitaw. Halimbawa ay suklay, na makikita na lang sa ibabaw ng aming lamesa. Pinaniniwalaan ng lola ko na duwende ang may gawa noon. Syempre bilang bata, naniniwala ako ngunit minsang kinuwento niya na sa likod bahay namin na may puno ng bayabas ay nakita niyang nagkukuyakoy ang isang bata na may sombrerong kulay pula, matulis na sapatos na pataas ang dulo, makintab ang damit na mahaba ang manggas at lagpas tuhod na pambaba at nakasuot ng puting medyas. Masaya raw itong nagkukuyakoy sa puno.
Ilan pa sa mga nagpatunay na may duwende raw sa amin ay ang aking tito na sinususugan naman ng ninong ko, na kapag raw sila ay nagkakaingay sa kuwentuhan sa labas ng aming bahay at naghahalakhakan kasama ang aking lola at tatay ay may bigla na lang may mambabato. Ang harap ng aming bahay noong bata pa ako ay isang bakanteng lote na mapuno na kung minsan ay tinutubuan ng mga talahib kapag tag-ulan. Minsan ko na ring naranasan iyon noon na habang sila’y nagkukuwentuhan biglang may bumato, kaya sasabihin naman nila ninong ‘nagagalit na mga kaibigan natin, tayo na’t umuwi.’
Kapag naman may nababati sa amin, nag-aalay sila ng pagkain sa mga ito. Maaari raw kasing nagalaw ito o nasaktan ng hindi namamalayan kaya noon uso ang pagsasabi ng ‘Tabi-tabi po, makikiraan po!’ Sinasabi kasi na kapag hindi mo ito winika ay maaaring makasakit ka ng mga di nakikita... maaaring duwende o kaya ay mga maligno.
Noon, balitang-balita rin ang paggala ng mga aswang. Kaya naman kapag may buntis ay talagang pinag-iingat ng husto dahil may tiktik raw na gumagala. Nandiyan pa ang sinasabi ng mga matatanda tungkol sa pag-alam kung ang kaharap mo ay isang aswang. Tao raw sila sa umaga at sa gabi ay nag-iiba ang anyo. Minsan nagiging itim na pusa o kaya ay malaking ibon. Malalaman mo raw kung aswang ang kaharap mo kapag baliktad ang kanyang anino at pailalim kung tumingin.
Dahil sabi-sabi lang naman ito, hindi ganoon katindi ang aking paniniwala rito kaya nga lamang nang minsang may nagbuntis sa isa sa mga kapitbahay namin, isang pangyayari ang gumising sa amin isang gabi. Nagsisigawan ang mga kalalakihan at parang may hinahabol at doon sa may likod daw naming tumalon kaya napalabas kami ng bahay.
May aswang raw. Kinilabutan ako. Sabi nila tinamaan raw sa kamay at batay sa usapan nila ay titingnan nila sa kabilang baryo baka roon nagtatago ang nasabing aswang. Kaya naman nang sumunod na gabi ay inantabayanan nila. Nakakatakot kasi noong gabi iyon sa tapat ng bahay ng nagbubuntis ay may isang malaking kuwago ang paikot-ikot sa bubungan nito na pilit na binubugaw ng asawa ng babae.
Magkakamag-anak ang mga naroon kaya nagtulong-tulong sila. Malaki raw kasi ang posibilidad na babalik iyon dahil malaki na ang tiyan ng buntis. Inabangan nila pati kami naki-abang (actually, 'yung tatay ko, usisa lang ako). Sa kalaliman ng gabi, napansin nila ang isang lalaki sa bubungan ng bahay kaya ang ginawa nung tatay ng kaibigan ko ay umakyat sa bubong na naka-brief lamang at naglagay ng langis upang akalain raw nito na kauri siya. Hinihikayat niya itong bumaba dahil gusto nila itong hulihin ngunit mabilis itong bumaba sa bubong at ang nakakapangilabot ay imbes na paa ang mauuna sa pagbaba nito ay ulo ang unang bumaba... nagkagulo sila sa paghabol habang napapasok naman ako sa bahay sa takot. Sa kanilang paghabol, naging itim na pusa raw ito at muling tumalon sa pader sa likod bahay namin.
May paniniwala ang mga taga sa amin na ‘yung bagong mukha sa kabilang baryo ang aswang kaya sinusog nila kinabukasan ang lugar ngunit sinabing nakaalis na raw ito. Nakakatakot... pero hanggang sa ngayon nandoon pa rin ‘yung palaisipan kung totoo nga ba iyon o hindi.
May mga kuwento rin ng mga multo at white lady. Kuwento kasi ng lola ko, noong dumating sila sa doon sa lugar naming, kasing taas ng bahay ang mga talahib. Marami ring natagpuang mga bomba roon lalo na sa bakuran namin. Pinaniniwalaan na naging kampo ng mga sundalong Hapon ang lugar na iyon noon kung kaya’t maraming nakabaong mga ganoon. Nariyan ang mga kuwento na may mga naglalakad at parang naghihila ng mga bakal tuwing hatinggabi. At sa may tapat raw ng puno ng Mangga na katabi ng tanke ng tubig ay may lumalabas na White Lady.
Ayoko nga maniwala pero alam ko sa sarili ko na minsan na akong nakakita ng White Lady. Mahaba ang kanyang buhok at siyempre nakaputi. Hindi ko tiyak kung nakita ko ba ang mukha niya sapagkat mas madalas kapag naglalakad ako ay sa bandang baba ako nakatingin. Alam kong may makakasalubong ako pero nagitla ako dahil sa pakiramdam ko ang bilis niyang maglakad kaya nilingon ko ito at doon ko nakita na nakalutang siya hanggang sa mawala. Nagtatakbo akong pauwi ng bahay. Kaya kapag natatapat ako sa may tanke ng tubig napapatakbo ako. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw kong inuutusan sa gabi para bumili sa tindahan dahil noong panahong iyon ang lalayo pa ng mga tindahan.
Minsan naman ay may sumisitsit o kaya ay parang tinatawag ang pangalan mo. Iyong isang ate ng kaibigan ko ay nakasabay ko minsan, gabi iyon at papauwi kami, sa pakiwari ko nanood kami sa may basketball court ng laro at nagkataong nagkasabay kami dahil pareho lang naman ang daan naming. Pagtapat naming sa punong mangga may sumisitsit, paulit-ulit at malakas sa asar niya ay minura niya ito ng minura hanggang makaliko siya papunta sa kanila at ako naman ay binilisan ko ang paglalakad. Halos di ako huminga sa takot ko noon.
Bagaman hindi na ito masyadong pinaniniwalaan sa ngayon, masasabi kong naging isang malaking bahagi ito ng aking pagkabata. Kahit pa maraming nagsasabing hindi ito totoo at kuwento-kuwento lang ang naging karanasan, naramdaman at nasaksihan ko ay magiging batayan ko na ito ay totoo.

Mga etiketa:
Aswang,
duwende,
Kababalaghan,
Karanasan,
multo,
Paniniwala
Biyernes, Marso 25, 2016
Mahal na Araw na, bawal raw 'yan!
Kapag lumaki ka noong mga panahon na napakalaki pa ng impluwensya ng mga pamahiin maraming bagay ang hindi maaaring gawin kapag dumarating ang Mahal na Araw. Malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa mga matatanda at tiyak namang susunod ka dahil sa mga maaring mangyari sa iyo kapag ginawa mo pa rin 'yung mga sinasabi nilang hindi mo pwedeng gawin.
Bilang isa sa mga kabataang lumaki ng panahon na iyon, narito ang ilan sa mga sinasabing bawal mong gawin kapag sumasapit ang panahong ito.
- Bawal maglaro. Kapag bata ka, pagbabawalan ka ng mga matatandang magtatakbo o kaya nama'y maglaro ng bola. Noon, natatakot kami kasi may nakapagsabi sa amin na kapag naglaro raw kaming bola parang pinaglalaruan din namin ang ulo ni Kristo. Syempre sa takot namin, hindi talaga namin iyon ginagawa...at talagang sinusunod namin ito pero kunektado ito sa isa pang bawal.
- Bawal magkasugat. Siguro kaya ipinagbabawal na maglaro noon kasi nga bawal ring magkasugat dahil sa paniniwalang matagal itong gagaling at ang sabi pa ay isang taon daw ito bago gumaling. Sino ba namang gustong magkaganoon kaya naman talagang nag-iingat kami ng husto. Sa isang banda, minsan na akong nagkasugat pero gumaling rin naman sobra nga lang akong natakot sa paniniwalang ito.
- Bawal ring mag-ingay. Siyempre ginugunita ang pag-aalay ng buhay ni Kristo para akuin ang kasalanan ng mga tao... hindi nga tamang mag-ingay. Kaya nga lamang, bawal ring magtawanan o magsaya kasi nga bawal ang maingay.
- Bawal maligo kapag Biyernes Santo. Kahit init na init ka na at dahil sumapit na ang alas-3 hindi ka na pwedeng maligo ayon sa mga matatanda noon. Tatabingi raw kasi ang mukha mo kapag naligo ka. Gugustuhin ba naming mangyari iyon syempre hindi kaya hindi na lang kami naliligo. Mahirap na baka nga tumabingi ang mukha namin.
- Bawal rin daw magpukpok o gumawa sa bahay. Wala raw kasing Diyos na gagabay at maaaring masaktan kaya ipagpaliban na lang muna ang anumang gawain. Kaya rin siguro walang pasok ang panahong ito.
- Isa pa ang pagbabawal na kumain ng karne kaya naman kung hindi ka mahilig kumain ng gulay tiyak kaunti lamang ang makakain mo dahil karaniwan ng niluluto sa bahay ay mga gulay at isda.
Ilan lamang ito sa mga sinasabi sa amin noong mga bata pa kami na sa ngayon ilan dito ang hindi na rin masyadong pinaniniwalaan tulad ng paliligo at tungkol sa pagkakaroon ng sugat. Ngunit kahit ano pang mga pamahiin at mga pinaniniwalaan noon hanggang sa ngayon ang mahalaga ay gunitain natin na may tumubos ng ating mga kasalanan.
Magbigay tayo ng panahon na magtika at pagnilayan ang ating mga ginawa at ihingi ito ng kapatawaran. Kung tutuusin hindi naman mahalaga kung nasusunod mo o hindi ang mga kinasanayang mga paniniwalang ito tuwing sumsapit ang Semana Santa. Ang mahalaga ay maalala nating humingi ng kapatawaran sa mga nagagawa nating hindi maganda lalong-lalo na sa ating kapawa at magpasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap natin.
Photo credit: https://pixabay.com
Mga etiketa:
alaala,
Karanasan,
krus,
Mahal na araw,
Pamahiin,
Paniniwala,
Semana Santa
Martes, Marso 8, 2016
Pamamaalam
Madalas ang pagpapaalam ay may pangako ng pagbabalik ngunit kung minsan tuluyan nang paglisan. Masakit sa damdamin at kung minsan hindi katanggap-tangap... nangangahulugang sa langit na lang kayo muling magkikita.
Tuwing dumadalaw ako sa mga burol o kaya nama'y nakikipaglibing laging sumasagi sa isip ko ang mga mahal ko sa buhay. Naiisip ko bigla ang kanilang kahalagahan at 'yung kakayanan kong tanggapin ang mga ganoong mga sitwasyon.

Karaniwan, kapag may namatayan pinag-uusapan ang pagtanggap... ang pagmove-on at pagsasabi na kapiling na niya ang Dakilang Lumikha ngunit ang hindi alam ng iba hindi ganoon kadali tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay.
Sabi nga, mahirap magsalita lalo na kung hindi pa ito nararanasan kaya naman mas tamang sabihin na lamang na nakikiramay ka at nakiki-simpatya sa kanila. Naroroon ang pagnanais mong pagaanin ang kanilang mga kalooban sa kabila ng isang napakabigat na pagsubok.
Madali nga lang sabihing 'kaya mo 'yan...' o kaya ay 'isipin mo na lang na hindi na siya mahihirapan.' ngunit kapag pala sa iyo nangyari, kahit gaano kadali unawain ng mga salitang ito hindi pala ganoon kadali ang tumanggap.
Tumatakbo kasi sa isipan natin ang mga darating na araw na wala na sila. Maiisip mo ang mga masasayang alaala na kasama siya at pagkatapos ay maitatanong mo sa iyong sarili kung magiging ganoon pa rin ba kasaya ang mga pagdiriwang na darating dahil wala na siya.
Maiisip mo ang mga bagay na nais mo pang gawin para sa kanila na hindi mo na magagawa pa dahil tuluyan na siyang namaalam at hindi na nagbigay pa ng ibang hudyat ng pagbabalik. Hindi pala ganoon kadaling tumawa kapag nawala na sila. Hindi na pala ganoon kasaya ang alaala kapag wala na sila. Laging susunod ang lungkot at sasabayan ng pagpatak ng luha. Hindi ganoon kadali ang magpaalam.
At sa mga sandaling maaalala ang kanilang pagkawala, nagiging saksi na lamang ang kalaliman ng gabi sa pagluha ng tahimik at pangungulila. Unan na lamang ang makadarama ng mahigpit na yakap at kumot na lamang ang tutugon dito.
Hindi madaling tanggapin ang lahat, kahit nalalaman pa natin na sila'y payapa na at masaya.
Madali lang naman magsabi ng 'Paalam' ngunit hindi ganoon kadali tanggapin ang pamamaalam.
Makangingiti at makahahalakhak ka nga pagkatapos ng pamamaalam ngunit palagi nang may pangungulila.
Hindi na kailanman magiging tulad ng dati ang mga darating na araw sapagkat wala na sila.

damdamin,
Kalungkutan,
Pamamaalam,
Pangungulila
Sabado, Pebrero 20, 2016
Kaiba sa mga Sabado
Sabado.
Nagpasya akong dumaan sa bahay nila Tatay... ginagawa ko naman 'yun simula pumasok ang bagong taon. Pero iba ang araw na ito. Habang naglalakad ako mula sa kanto na binabaan ko ... iniisip ko kung ano pang silbi ng pagdalaw ko.
Mabigat man sa pakiramdam... nagpatuloy ako sa paglalakad. Bawat hakbang gusto kong isipin na may daratnan ako sa bahay... daratnan ko siyang nag-aabang sa pagdating ko ngunit alam ko namang hindi na iyon mangyayari.
Wala nang maghihintay pa sa akin at magre-request ng "Dumito muna kayo, wala namang pasok bukas?' Request na madalas kong hindi mapagbigyan. Siguro dala ng mga nakaatang na mga gawain sa akin... at 'yung isipin na hindi makakatulog ng maayos ang mga bata.
Gusto kong isipin na kapag dumating ako at pumasok sa bahay ay nandoon siya at ngingiti dahil dumating ako. Iyong pakiramdam na masaya siyang makita ako at aalukin ng mga pagkain dahil inaalala niya na maaaring gutom ako mula sa pinanggalingan ko. At kapag inabot ko ang kamay niya at nagmano, kung minsan ay may kabig na yakap mula sa kanya at halik sa noo.

Uupo kami at magkukuwentuhan habang hawak ko ang kamay niya o kaya nama'y magkaharap kami. Habang nanonood ng TV ay nagpapalitan ng mga kuro-kuro, minsan tahimik.
Wala pa sa hinagap ko na darating ang pagkakataon na tulad ngayon. Hindi ko inasahan na hanggang doon na lang pala dahil umaasa ako... sa mahaba pa sana naming pagkikita tuwing walang pasok o kaya ay makita niya ang paglaki ng aking mga anak o kaya ay maka-date siya sa ilang mga espesyal na pagkakataon pero isa na lamang itong hangaring hindi na kailaman mangyayari.
Minsan, gusto kong isipin na mabuti na ring umuwi na siya roon upang hindi na siya mahirapan pero gusto ko ring isipin na sana bumuti pa ang kanyang kalusugan at humaba pa ang kanyang buhay dahil kailangan pa namin siya.
Ilan lamang ito sa mga naikuwento niya kapag dumarating ako ng Sabado sa bahay. Malakas pa siya at nakakatayo noon pero parang ang bilis lang sa isang iglap wala na siya.
Ngayon, Sabado, mas pinili kong pumunta sa amin kahit alam kong wala na siya. Kahit alam kong hindi ko na siya makikita pang muli... sa pakiwari ko nga ang tagal ng ginawa kong paglalakad mula sa kanto hanggang sa bahay. Bagamat naroon ang mga kapatid at si Nanay... iba pa rin kapag nandoon si Tatay.
Siguro, dapat masanay na ako. Mahirap gawin pero pipilitin... bubuhayin ko na lamang siya sa aking alaala. (*^_^)

Kung sana ay mas napag-ukulan niya ng higit na pansin ang kanyang sarili siguro'y hanggang ngayon kapiling pa rin namin siya... ngunit mas binigyang pansin niya ang mga pangangailangan namin habang kami ay lumalaki at nagsimulang mag-aral. Inisantabi niya ang kung ano mang nararamdaman sa paghahangad ng mapag-aral kaming lahat na lagi niyang sinasabi na tanging pamana na maibibigay niya.
Ngunit, ayaw niyang makaabala. Ayaw niya na may nahihirapan dahil sa kanya. Sabi nga niya sa akin ng minsan kaming magkuwentuhan... kung ano pa raw ang ayaw niya iyon pa raw ang binigay sa kanya... ayaw n'ya raw kasing maging pahirap sa iba pero ewan daw niya kung bakit iyon ang binigay sa kanya.
Ilan lamang ito sa mga naikuwento niya kapag dumarating ako ng Sabado sa bahay. Malakas pa siya at nakakatayo noon pero parang ang bilis lang sa isang iglap wala na siya.
Ngayon, Sabado, mas pinili kong pumunta sa amin kahit alam kong wala na siya. Kahit alam kong hindi ko na siya makikita pang muli... sa pakiwari ko nga ang tagal ng ginawa kong paglalakad mula sa kanto hanggang sa bahay. Bagamat naroon ang mga kapatid at si Nanay... iba pa rin kapag nandoon si Tatay.
Siguro, dapat masanay na ako. Mahirap gawin pero pipilitin... bubuhayin ko na lamang siya sa aking alaala. (*^_^)
Biyernes, Enero 1, 2016
2016
Bahagi na muli ng kasaysayan ang taong 2015 at magsisimulang umukit ng mga pangyayari ang bagong taon.
Madalas din nating isangkalan ang pagpapalit ng taon sa mga ninanais nating baguhin sa ating mga sarili. Panahon na may mga nais tayong ipangako at pag-asang magagawa ang lahat ng ito ngunit kung minsan, hanggang umpisa lang naman tayo.
Ganoon pa man, gusto nating gumawa ng listahan. Gusto nating magbago. Gusto nating magkaroon ng pag-asa na ang bagong taon ay magdudulot sa atin ng pagbabago sa maraming bagay. Gusto nating maramdaman na may target tayo na makuha sa pagtatapos nito at muli nating susuriin ang ating mga ginawa.
At tulad ng karamihan, maging ako ay gumagawa nito, hindi dahil sa maraming gumagawa nito kundi upang makita ko ang aking tatahakin para sa taong ito.
Palagi kong ipinagpapasalamat ang mga nangyaring maganda gayundin ang mga hindi gaanong kagandahan sa nagdaang taon at inihihingi ko ng paumanahin ang mga bagay na nagawa kong hindi maganda sa aking kapwa sa Diyos. Hindi ko iniaalis na marami akong mga nagagawang pagkakamali na kung minsan ay hindi ako aware kung kaya't ang lahat ng ito ay aking inihihingi na kapatawaran sa Kanya.
Sa taong 2016...
Gusto kong mas maging mabuting tao. May sapat na kaalaman sa tama at mali. Magkaroon ng mas matatag na paninindigan at maging matapang sa mga kakaharaping mga pagsubok.
Nais kong maging malayo sa mga karamdaman ang aking pamilya bagaman ang aking ama ay hindi gaanong malakas nawa'y malagpasan niya ang pagsubok na ito at siya ay gumaling.
Mapuno sana ng pagmamahalan at pang-unawa ang aming samahan sa pamilya at mas maging buo at malapit sa isa't isa.
Biyayaan sana ako ng sapat na katalinuhan at pang-unawa sa aking pag-aaral at gayundin sa aking gawain. Mas maging mahaba sana ang aking pasensya sa lahat ng bagay at sa panahong ako ay nakakaramdam ng inis o galit ay mas manaig sana sa aking puso at isipan ang tama at kahinahunan.
Nais ko ring maging malusog at aktibo ngayong taon hindi para ipangalandakan kundi para na rin sa aking kalusugan... at sana kasama ko ang aking pamilya sa pagnanais na ito.
Gusto kong ma-upgrade sa lahat ng bagay... mula sa pisikal, espiritwal, at intelektwal kaya nga nasabi ko na ... Starting today, I'll be a better me.
Gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay... dahil sabi nga, kung anong iniisip mo ay iyon ang mangyayari kaya kung nanaisin ko ng mga magagandang bagay ang mangyari dapat ay hindi ko hahayaang makapasok ang mga negative vibes.
I want to be a better person, a better mother and a wife...I want to be more extraordinary and I think I can do it. I just need to be positive and everything will be fine with His guidance, I know I can.
(*^_^)
*** at hindi ko napigilang hindi gumamit ng Ingles.
Manigong Bagong Taon sa lahat!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)