Sana'y kaya mong basahin
nilalaman nitong isipan
upang iyong mabatid
dahilan ng pananahimik
madalas bibig ay pinid
nangangambang makasakit
kapag ito ay pinilit
hindi ko alam ang hatid.
Tagapagsalita ko'y pluma
tagapaghatid ay papel
kapag sila'y mawawala
damdamin ko'y di matatalos.
*Isa na namang tula na walang pamagat. Naisulat lamang dahil may gumugulo sa isipan. (*^_^)
Martes, Hulyo 31, 2012
Bugso ng Damdamin 2
Mga etiketa:
Bugso ng Damdamin,
damdamin,
Karanasan,
Tula
Huwebes, Hulyo 26, 2012
Deck of Cards
When I look at the ace in my deck of cards I know there is but one God. The two tells me that the bible is divided into two parts the old and new testaments and when I see the three, I think of the Father, the Son and the Holy Spirits.
And when I look at the four, I remember the four great evangelist who preached the gospel. They were Mathew, Mark, Luke and John. When I see five, I think of the five wise virgins who trimmed the lamp ten of the were five wise and were saved five were foolish and were cast out.
When I look at the six, I know that in six days God made this heaven and earth. The seven tells me that on the seventh day he rested from his work and called it Holy.
When I look at the eight, I think of the eight righteous person God saved when He destroyed this earth. They were Noah, his wife, their three sons and their wives.
Nine were the litters our Savior cleansed, nine out of ten did not even thanks Him. Of course, Ten always reminds me the Ten Commandments that God handed to Moses on a debris of stone.
When I see the king, I know that there is but one king in heaven. God Almighty and when I look at the Queen, I think of the blessed Virgin Mary. The Jack, our enemy is the Devil.
When I count the spots on my deck of cards, I find 365 days in a year. There were 52 cards, the number of weeks in a year. There were 12 picture cards, this is number of months in a year. There are four suits, the number of weeks in quarter.
So, you see my decks serves me not only a bible, an almanac but also a prayer book.
*Dahil sa sariling sikap kaya ako nagkaroon ng kopya nitong DECK OF CARDS. Lagi kasi itong maririnig sa radyo tuwing alas-5 ng umaga noon sa isang estasyon na hindi ko na matandaan... ang kasunod nga nito ay mga awitin ng The Beatles.
Maaga kasi ang gising para sa pagpasok sa school kaya para hindi makatulog ulit, binubuksan ng aking ama 'yung radyo. Nagkaroon ako ng interes at tuwing naririnig ko ito ay isinusulat ko ang pagkakasunod-sunod.
Kaya eto, gusto kong ibahagi sa iba. (*^_^)
Miyerkules, Hulyo 25, 2012
Mahal kita.
Mahal kita.
Simpleng pangungusap
ngunit makahulugan.
Simpleng bigkasin
ngunit mahirap patunayan.
Simpleng isulat
ngunit tumitimo sa puso.
Simple lang
ngunit napakahirap isatinig.
Simple
ngunit ipinagdadamot pa
Simple
ngunit sinasarili.
Simple
ngunit masarap marinig.
Simple
ngunit walang hangganan.
* Isang tula na naisulat ko sa kawalan ng magawa.
Inspirado ba ako noon... di ko sure eh... (*^_^)
Kwaderno kong pinag-imbakan ng mga nasa isipan ko... :))
Martes, Hulyo 24, 2012
Saloobin
* Tulang walang pamagat naisulat sa kalakasan ng ulan habang humihigop ng mainit na kape. (*^_^)
Sakit mo sa bangs, ay sobra
mga pahaging mo, bongga
parang umukit ng obra
nakakapanting ng tenga.
Kelan kaya matatauhan
tulad mong matikid ang utak
sa pagputi pa ba ng uwak
o kapag wala nang panahon?
Ang sakit mo sa ulo
sarap hampasin ng bolo
baka sakaling magbago
pananaw mong nalilito.
Sakit mo sa bangs, ay sobra
mga pahaging mo, bongga
parang umukit ng obra
nakakapanting ng tenga.
Kelan kaya matatauhan
tulad mong matikid ang utak
sa pagputi pa ba ng uwak
o kapag wala nang panahon?
Lunes, Hulyo 16, 2012
Cosplay Events
Isa na yata sa pinakagusto kong gawin ay ang makapunta sa isang cosplay event. Wala lang gusto ko lang. It's something na hindi na yata maaalis sa akin ang pagiging isip bata...hehehe...
Minsan nga sabi niya pang-bata lang yun but I proved him wrong.
My first ever cosplay event was last year... (kung kelan nagkaroon na ako ng anak at asawa saka lang ako napadpad sa mga event na ganito. Noon kasi kahit gustuhin ko mang pumunta wala naman akong budget kaya nangako ako sa aking sarili na kapag may trabaho na ako... sureness na pupunta ako!)
December 28, 2011... Ozine Fest... thanks to FB I was informed about it. So I ask my sister to go there together with him who feels na hindi siya mag-eenjoy.
Super saya ko dahil napapayag ko siya na pumunta sa event kahit nagdadalawang isip siya. May kailangan din kaming bilhin that time kaya naman double purpose ang pagpunta at talaga naman enjoy to the max ang feeling!
Parang nagbalik lang ako sa pagkabata...
January 21-22, 2012... Otaku expo.
Super enjoyed ako dahil sa pagkakataon na magkaroon ng pics kasama si Superman.
Tamang saya lang. Super enjoy ang mga kids...at sila pa talaga ang lumalapit sa mga cosplayer...
Sobrang nag-enjoy ang mga bata pati na rin ang matatanda... parang naging bonding time pa nga mga ibang pamilya ang pagpunta sa mga ganitong event dahil kasama ang mga magulang.
I'm looking forward sa mga darating pa na mga event. Hopefully sa darating na August 4-5, makapaunta sa Otaku Fest.
Isa na naman itong masayang araw at pangtanggal stress. (*^_^)
Mga etiketa:
Cosplay,
family,
kabaliwan,
Karanasan,
Megamall,
nais,
Otaku Fest,
Ozine Fest,
paborito,
Superman
Biyernes, Hulyo 13, 2012
Hari ng Komedya
Isa lang ang alam ko, maraming beses n'ya akong napatawa. Mula sa mga pelikula at mga palabas na pangtelebisyon doon ko siya nakilala.
Hindi naman ako isang super fan pero alam ko na gusto ko ang paraan n'ya ng pagbibigay-aliw sa mga manonood.
Eh, sino ba namang Pilipino ang hindi nakakikilala sa kanya? Halos 60 taon n'yang binigyan ng saya ang buong bansa at maituturing nang bahagi ng buhay ng isang karaniwang Juan at Inday.
Naabutan ko pang ipinapalabas sa RPN 9 ang John en Marsha at lumaki akong nanonood ng Home Along da Riles. At ang kauna-unahang kong napanood na pelikula sa sinehan ay ang Once upon a time kung saan siya ang bida.
Thankful ako dahil sa kanya ay napapawi ang lungkot na nararamdaman ko noon sa pamamagitan ng mga palabas niya.
Hindi ko man personal na kilala ang tinaguriang Hari ng Komedya masasabi kong sa dami ng mga nagbibigay ng papuri sa kanyang paglisan ay sapat nang kaalaman na siya ay isang mabuting tao sa harap at likod ng tabing.
Malungkot man ang lahat sa pagkawala niya... pero ang alaala niya ay mananatiling masaya sa puso ng bawat Pilipinong manonood ng kanyang mga pamanang mga palabas.
Hindi naman ako isang super fan pero alam ko na gusto ko ang paraan n'ya ng pagbibigay-aliw sa mga manonood.
Eh, sino ba namang Pilipino ang hindi nakakikilala sa kanya? Halos 60 taon n'yang binigyan ng saya ang buong bansa at maituturing nang bahagi ng buhay ng isang karaniwang Juan at Inday.
Naabutan ko pang ipinapalabas sa RPN 9 ang John en Marsha at lumaki akong nanonood ng Home Along da Riles. At ang kauna-unahang kong napanood na pelikula sa sinehan ay ang Once upon a time kung saan siya ang bida.
Thankful ako dahil sa kanya ay napapawi ang lungkot na nararamdaman ko noon sa pamamagitan ng mga palabas niya.
Hindi ko man personal na kilala ang tinaguriang Hari ng Komedya masasabi kong sa dami ng mga nagbibigay ng papuri sa kanyang paglisan ay sapat nang kaalaman na siya ay isang mabuting tao sa harap at likod ng tabing.
Malungkot man ang lahat sa pagkawala niya... pero ang alaala niya ay mananatiling masaya sa puso ng bawat Pilipinong manonood ng kanyang mga pamanang mga palabas.
Mga etiketa:
artista,
Dolphy,
Home Along da riles,
John en Marsha,
Once upon a time
Biyernes, Hulyo 6, 2012
Sisteret
Sisterrrrrr……
madalas ay bati niya kapag dumarating sa school.
Bago siya makarating sa mesa niya ay napakarami niyang estasyon. Sa edad niya,
mas bata siya tingnan dahil sa medyo maliit s’ya at payat. Pero masayahin at
palakaibigan.
Masarap kasama sa mga gimikan si
Sister…’yun ang tawag namin sa kanya. Todo birit sa videoke…mega-indak kung kailangan at marami ding kwento sa buhay.
Business
minded si Sister, pabango, sabon, bag, basahan, at malamang madagdagan pa
ang mga iyon sa susunod. Sabi nga n’ya, pwedeng-pwede siyang magnegosyo na lang
kasi malakas ang kanyang convincing power
sa mga mamimili…kaya tuloy halos lahat kami eh, na-convince n’ya na bumili sa kanya ng pabango…hehehe…
Pagdating sa pagtuturo, bigay na bigay
din itong si Sister. Pinipilit niyang ipaintindi sa mga mag-aaral n’ya ang
kanyang itinuturo kahit hindi n’ya talaga major ang Filipino…BS Psychology kasi
ang natapos niya. Kompleto ‘yan sa visual
aids at mga teksto. Minsan nga tinatawag siya ng mga bata ng Mrs. Teksto dahil araw-araw may tekstong
ipinapabasa.
Bahagi na siya ng pang-araw-araw na
buhay ng mga bata at naming mga kasamahan n’ya lalo na sa akin. Hindi ko
itatangging malapit siya sa akin dahil iyon ang totoo.
Pareho kasi kaming masayahin…parang
laging walang problema. Marami kaming napagkukwentuhan. Buhay sa eskwelahan,
buhay may-asawa, pagiging babae, pagiging ina, maging mga…takot namin sa
darating na panahon…
Sa mga naging kasamahan ko sa
pagtuturo ng halos magpipitong taon na masasabi ko na siya ang isa sa
pinakagusto ko at malapit sa akin.
Hindi ko naisip na darating ang panahon na
magkakahiwalay kami…hindi dahil may pinagtalunan kami kundi dahil kinailangan
na niyang lumipat ng ibang paaralan mas malapit sa bahay nila.
Isa ito sa ikinabigla ko at
ikinalungkot.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga
tanong na… sino na ang pagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko at
makakapalitan ko ng opinyon sa halos lahat ng bagay? Sino na ang yayakapin ko
tuwing pumapasok ako na madalas kong gawin sa kanya? Sino na ang tatawagin kong
Sister? Sino na ang bibirit sa videoke?
Sino na ang makakasabayan ko sa pagsayaw? Sino na ang bagong magrereyna sa
pabebenta ng pabango?
Lahat ng ito ay pumasok sa isipan
ko…nalungkot ako…naluha ng palihim.
Ang buong akala ko, mawawala lang siya
ng dalawang buwan dahil nagsilang siya ng ikalawang anak niya…iyon na pala ang
hudyat ng aming paghihiwalay. Iyon na pala ang umpisa ng minsanan na lang
naming pagkikita.
Marami naman akong kasamahan na
kaibigan ko pero para sa akin iba ang lalim ng aming pagkakaibigan. Hindi ko
napaghadaang maaaring magkahiwalay kami. Pero alam ko na hindi naman nagtatapos
sa kanyang pag-alis ang aming pagkakaibigan. Iba lang kasi ang pakiramdam ng
palagi kayong nagkikita at kahit maikli ang mga kuwentuhan ay bumubuo ng araw
mo. Gan’on siya sa akin.
Siguro, hudyat na rin ang paglipat
namin noon ng tirahan… na darating ang ganitong pagkakataon. Noon kasi ay
madalas kaming pumunta sa kanilang bahay tuwing walang pasok. Magkukuwentuhan
at magkakainan ng puspas…tawag nila
sa lugaw. Iyon ang mga araw na masarap balikan. Mga araw na binigyan ko ng
halaga katulad ng halaga niya sa akin bilang kaibigan.
Ngunit kahit gan’on pa man, alam kong
mananatili pa rin siyang espesyal sa akin. Mahirap makalimutan ang tulad n’ya
na laging nagbibigay ng saya sa araw ko. Magkikita pa rin naman kami at
makakapagkuwentuhan hindi na nga lang madalas tulad ng araw-araw na pagkikita
namin dito sa ekwelahan.
Hindi ko na rin masyadong maririnig
ang salitang sister…sa kanya kasi nagsimula ang salitang iyon at siya lamang
ang tumatawag ng ganoon sa amin. Nakakalungkot pero kailangang tanggapin.
Sabi nga “there’s no permanent but
change” lahat maaaring magbago. Sa ngayon, nangailangan lamang si Sister ng
pagbabago para na rin sa ikabubuti ng kanyang pamilya.
Mamimiss ko siya…namimiss ko na nga
siya… pero wala naman akong magagawa. Mabuti na lang at may cell phone na at
internet…marami nang paraan para magkaroon ng komunikasyon.
Hayyy….
Paalam Sister…. Alam kong magkikita
rin tayo di nga lang madalas.
Note: Matagal ko na itong naisulat sa note sa FB pero hindi ko nailagay dito sa blog.
Naalala ko lang ulet si Sister kaya naman naisip kong i-post dito. (*^_^)
Huwebes, Hulyo 5, 2012
Bday Wishes
nakaraang taon pa itong cake na ito! haha! at haggardness ang fesla ko! |
Sanay ako sa low profile kapag sumasapit ang kaarawan ko...
una, dahil wala akong handa...
pangalawa, wala akong panlibre
at pangatlo, sanay na ako na hindi nababati tuwing birthday.
Kaya naman medyo overwhelmed ako sa mga nakakaalala at bumabati sa pamamagitan ng celfon at lalo na sa FB dahil... broadcast nga pala ang bday ko doon.
Anyway, dahil araw ko naman ito siguro hindi masamang maglista ng mga wish...
Here's my wish list
1. I really, really want a new phone...(but I guess sa sunod na taon na iyon matutupad...:P)
2. Books (ang dami nang bago... sad to say siguro sa December pa ulet ako makakabili...huhuhu :((
3. DVD's ( Can't wait to have a copy of BIG)
4. Good health ( well, I can't buy health...:))
5. Happiness ( hindi rin nabibili...)
Wala namang espesyal na pangyayari sa araw ko ngayon bukod sa binalak ko talagang umuwi ng maaga. Wala lang gusto ko lang makasabay ang aking asawa sa pag-uwi.
Masaya na ako na nailibre niya ako ng pizza at pina-inom ng gulaman juice sa mga stall sa MOA (Mall of Antipolo) hahahha... habang naghihintay ng oras sa pagsundo sa aming anak.
*So, I end up today meeting old schoolmate and she's clueless about the occasion. Anyway, I just glad to see her.*
Wala man akong handa ngayon... masaya pa rin naman ako. Mas mahirap masanay sa sarap kung sa huli naman ay hirap.
Mananatili akong masaya sa isang buong taon para positive vibes ang pumasok sa aking panibagong kabanata.
Bago ako makalimot, salamat sa mga bumati at nakaalala.( as if mababasa nila ito! heheheh)
(*^_^)
Mga etiketa:
Big,
Galaxy y,
I am number four,
Kaarawan,
Karanasan,
Nicholas Sparks,
Pasasalamat,
Pittacus Lore,
Rick Riordan,
The Lost Hero,
The Lucky One,
The Power of six,
Wishes
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)