Miyerkules, Oktubre 3, 2012

Ang aking mga Guro



Bigla kong nasabi sa sarili ko na parang isang sulatin lang na kailangang ipasa ang title ng post ko na ito pero dahil sa palagay ko ito ang pinakatamang pamagat...hayaan ko na lang tutal...Araw naman ng mga guro.

Hindi ko kailangang sabihin na ang mga gurong mababanggit ko ay mga paborito ko noong ako'y nag-aaral pero mas tama sigurong sabihin na sila ang mga tumatak sa isip at damdamin ko.

Isang buwan ang nakalaan para sa mga guro mula noong September 5 hanggang October 5 pero parang hindi naman ito naramdaman. Kung meron mang bumati parang iilan lang naman talaga...at naalala lang ito sa huling araw ng selebrasyon.

Sabi nga nila, ang pagiging guro ay isang noble profession kaya nakakabilib ang mga guro. Ayon nga sa mga palasak na usapan o kaya naman ay madalas magamit sa iba't ibang speech ang mga katagang 'kung walang guro wala ring mga doktor, inhenyero, abogado at iba pang mga bigating mga tao sa ngayon.'

Ibig lamang sabihin na malaki ang impluwensya ng isang guro sa isang bata. Tulad na lamang ng aking mga naging guro noong ako'y nag-aaral pa.

Nagsimula akong mag-aral noong anim na taong gulang - prep. Ang una kong naging guro ay Ms. Melo. Sabi nila noon,  magkamukha daw kami dahil sa medyo malapad din kasi ang mukha niya subalit mapagpasensya siya sa amin kahit may kakulitan kami.

Minsan, nagpakulay siya ng isang ibon. Ano bang malay ko noon sa kulay? Ang alam ko kapag maraming kulay very good. Kaya naman naging technicolor ang ibon. Pinuri n'ya ang gawa ko maganda raw at sinabi niya na may mga ibon na talagang maraming kulay. Natuwa ako, syempre, bata ako at mahalaga sa akin ang papuri niya.

Nakatapos ako ng prep...mataas ang aking marka. Naggrade one na ako at si Mrs. Bernardo naman ang naging guro ko. Mahigpit siya sa klase pero magaling siyang magturo. Mabilis na akong magbasa noon pero mas nahasa niya ang pang-unawa ko sa aking mga binabasa at naging interesante sa akin ang science. Isa siya sa mga gusto kong guro noong ako'y nag-elementarya.

Grade Two. Lumipat ako ng paaralang malapit sa amin. Medyo masama ang loob ko noon na hindi ko na makikita si Mrs. Bernardo pero wala naman akong magagawa. Naging adviser ko si Mrs. Felipe. Hindi naman sa hindi ko siya gusto pero may tanong sa isip ko noon... bakit ganoon siya at di siya katulad nung nakaraang guro ko. Bakit lagi na lang akong maglilista ng maingay? Lumipas ang ikalawang bahagi ng elementarya - ganun lang kabilis.

Grade Three. Si Mrs. Tiratira ang adviser ko. Ang lakas ng boses niya. Umaabot halos sa bahay namin. Walking distance lang kasi 'yung school kaya nga takot na takot akong umabsent dahil baka makita ako nila Ma'am na pagala-gala habang nagkaklase sila. Perfect attendance yata ako noon.

Grade Four. Si Mrs. Dualan naman ang adviser ko. Dumadagundong din ang boses niya sa aming silid. Maghapon ang pasok namin sa kanya. Mabait at strikto sa oras ng klase. Isa siya sa mga natuwa nang malaman niyang isa na akong ganap na guro. Inaanyayahan pa nga niya akong pumasyal sa kanila.

Grade Five. Hanggang grade 4 lang ang kasya sa school namin kasi extension lang kaya nung grade five na kami dun na kami sa main campus. Si Mrs. Santos naman ang aking naging gurong tagapayo. Malumanay magsalita parang hindi makakasakit ng kahit isang mag-aaral. Napakabait at hindi yata marunong magalit. Pero palaging malinis ang aming silid.

Grade Six. Last year sa elementary. Si Ms. San Marcos (misis na yata siya ngayon) naman ang naging adviser ko. Mabait din at malumanay makipag-usap ngunit may kakayanan siyang patahimikin ang buong klase at walang kawala ang mga pasaway. Maliit lamang siya ngunit nagagawa niya kaming pasunurin! Kaya nung kaming nagtapos di ko pinaligtas ang pagkakataon na makakuha ng picture kasama siya.


Siguro nga kung uso na noon ang celfon na may camera lahat sila ay makukuhanan ko ng picture. Pero para maging patas... di na lang ako maglalagay ng larawan. (palusot... :P)

Pero isa lang naman ang gusto kong ipunto, nais ko silang pasalamatan sa lahat ng kanilang nagawa para sa akin. (*^_*)

Pahabol...

Mga guro ko palang 'yan sa elementarya... paano naman ang hayskul syempre may part 2! :P







Biyernes, Setyembre 28, 2012

Di inaasahang tagumpay

Siguro isang mabilis na kuwento lang ito tungkol sa isang gawain na taon-taon  kong pinagdadaanan. Eto 'yung pakikilahok sa mga patimpalak na may kaugnayan sa School Paper.



Ngayong taon na ito ang pinaka mababang bilang ng batang kasama ko sa Division School Press Conference (September 20-22) dahil sa kulang sa budget kaya pito lang ang nadala ko. Before kasi palaging 12 ang dala ko para lumaban sa iba't ibang kategorya. (Filipino participant at ganun din sa English)

Sabi nga ng iba mas malaki daw ang possibilities na may manalo kapag maraming dalang bata sa contest pero may paniwala naman ang punongguro namin na kapag ang dinala mo ay 'yung may kakayanang manalo balewala ang may dalang marami.

Hindi naman sa di ko sinasang-ayunan ngunit nakadama ako ng lungkot sapagkat tila ilan lamang ang batang marunong sumulat... in-short, hindi ako umaasa na may makakapasok sa RSPC. Para sa akin maliit ang tsansa pero go pa rin.

Wala akong inaasahan na kung ano man. Kaya naman n'ung awarding na... mega chixmax pa ako.
Chrismae Lagumbay - 3rd place Pagkuha ng larawan

Jimson Madrona - 6th place Pagsulat ng Editoryal

Leonheil Zausa - 2nd Place Pagsulat ng Balitang Sports
12th Place Pagsulat ng Balita

Nemiah Parcon - 5th place Editoryal Kartuning

Biglang tinawag ang isa sa mga batang kasama ko at pasok siya sa top 7. Next category... pasok na naman ang isa pa sa top 7. Nakakalokah... nagulat pa ako... natuwa naman ako at sa pitong batang kasama ko apat ang kasama sa RSPC na gagawin daw sa Lemery, Batangas. Ang angas lang!

Nakamit din ni Edward Dompor ang 15th place sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita.

Natuwa talaga ko...as in BONGGA. Super tuwa rin ang pakiramdam ng aking mga anak! (*^_^)


The Stentor 8th place at Umalohokan 6th place Over-all. :))

Kahit malakas ang patak ang ulan, masaya kaming umuwi dahil sa mga natanggap nilang karangalan. :))

Huwebes, Setyembre 20, 2012

Panahong tulad ng DSPC

Tuwing dumarating ang buwan ng Agosto at Setyembre lagi na lang bumubuhos ang mga hinaing ko tungkol sa isang gawaing naiatas sa akin sa loob na ng sampung taon.

Eto lang naman ay may kaugnayan sa pagsulat...pamamahayag...para mas maging malinaw, ngayong taon na ito, sampung taon na akong tagapayo ng pahayagang pampaaralan. 

Taon-taon kong naibubulalas na ayaw ko nang hawakan ang dyaryo pero taon-taon din hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi magkaroon ng pakialam sa mga batang nagnanais magsulat. 

Parang timang lang.

Sa mga panahon na tulad ngayon, nakaka-miss 'yung mga tulad ng mga sumusunod:







Ilan lang sila sa mga nakaka-miss! At dahil sa mga tulad nila... hindi ko mabitiwan ang dyaryo. :))
(*^_^)

Biyernes, Agosto 31, 2012

Paboritong palabas


Kanina usapang pambata ang peg naming magkakasamahan. Alalahanin ba naman ang mga paboritong palabas noon. Nagsimula un nung pumasok si Taz at Charmaine eh. LOL.

Isa sa mga napag-usapan, 'yung tumatalon daw na babae at nakikita ang underwear niya... sabi ni Taz sa Bioman daw 'yun... pero si Annie pala ang tinutukoy niya...hahaha... kung sabagay sa Bioman si June ang nakapalda at palagi ring tumatalon. 

Balik kay Shaider... sabi ni Charmaine ang gusto daw niya doon ay si Ida... sabi ko lalaki si Ida sa totoong life... nagulatang sila... eh, kahit ako... nagulat eh! Parang 'Time space warp, ngayon din!' effect lang!
Isa palang lalaki si Ida.  Siya si Jun Yoshida. 


Parang ganun din ang pagkagulat ko nang malaman ko na si Farrah Cat na kalaban sa Bioman ay walang iba kundi si Cynthia Luster. Syempre, nagulat ulet sila. 

'Yung naka-violet, siya si Farrah Cat.

Maskman. Naka-red si Michael Joe na dito na nakatira sa atin.

Super tawa trip ang nangyari kanina. Biglang singit si Downy di un ung palabas na may makasintahan? wahahaha... Maskman un ah... ay ang tinutukoy pala niya ay Daimos... sabi niya Voltes V daw... naku, patandaan ba ito ng palabas? hahahahha... sila na talaga... ay mali pala, kami na pala.



Tamang laughtrip lang talaga kanina!

Nakakatuwa lang talaga pag-usapan ang isang bagay na pare-pareho ninyong alam. (*^_^)

Miyerkules, Agosto 22, 2012

Cosplay Ramp, yosh!

I have no idea...as in wala. Malay ko ba na may Coslay ramp sa SM Masinag nung nakaraang sabado.

Abala ako masyado at hindi ko na naisip 'yon...pero nagyaya siya na pumunta kami doon ang dahilan ay alam na! (surprise pala 'yun... ahihihi... kilig!)

Kaya naman super enjoy ang sabado ko kahit naging super ngarag. Tamang saya lang at halata naman sa mga larawan! :)




















*Medyo nagkaroon lang ng konting di magandang pangyayari.
Anyway, naging okay din naman. Isa sa mga nag-organize nito ang Grandline Philippines. (*^_^)

Martes, Agosto 14, 2012

Ipagpalagay mong tanga ako

Eto ang kuwento

Guro: Takdang aralin. Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumisimbolo sa inyong buhay.

Kinabukasan.

Guro: Ipasa ang takdang aralin. (Bumunot ng isa.) Ipaliwanag kung bakit ito ang iginuhit.

Mag-aaral: (Nagpaliwanag.)

Napansin ng guro na karamihan sa ginawa ng mag-aaral ay kandila. Kaya naman sinabi nito na

Guro: Wala na ba kayong maisip na iba? O, eto may puso pa e, di ba simbolo ito ng pag-ibig... eto naman may puso at may bilog sa gitna... gulong ba 'yong bilog na iyon?

Mag-aaral: (sumabat) Ma'am lemon po 'yung bilog.

Guro: (tumaas ang kilay) Ano daw ang sabi? Lemon  daw? Ginagawa yata akong tanga ng nagsabi n'un. O, sige ganito na lang, ipagpalagay na lang na tanga ako... bakit lemon ang nasa gitna? anong ibig sabihin n'on?

Mag-aaral: (sabay kamot sa ulo) akala ko lang po ma'am...


... kung minsan ang mga kabataan sa ngayon basta may masabi lang pero wala namang laman. Ito ay isang sitwasyon na para bang sa ginawa nung mag-aaral gusto n'ya lang magpatawa pero nakababastos na ng guro. Para bang gusto palabasin na tanga ang guro at hindi mapapansin ang sinabi niya. 

... maraming ganitong uri ng mag-aaral, mahilig sumabat kahit sa gitna ng talakayan at wala namang kaugnayan ang mga sinabi sa pinag-uusapan. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Ang kaseryosohan ng buhay mag-aaral ay hindi na mahalaga kundi ang lakas ng loob lang na maipakita sa kanyang mga mag-aaral na hindi sila kayang sawatahin ng mga guro dahil may batas na nagpro-proteksyon sa kanila?

... paano naman kaya ang mga guro kapag sila ang ginagawan ng di maganda ng mga mag-aaral? wala pa rin bang karapatan ang mga ito para ipagtanggol ang kanilang mga sarili kahit pagkatao na nila ang tinatapakan ng mga walang galang na mag-aaral? Ano pa ang silbi ng ilang taong pag-aaral sa kolehiyo at pagkuha ng lisensya kung sa bandang huli ang mga bata na gusto nilang akayin sa kabutihan ay siya ring lalapastangan sa kanilang pagkatao. Hindi ba't nakakababa naman ng dignidad.

... at isa pa, hindi ba naiisip ng mga batang ito na ang panahong iniuukol ng mga guro sa kanila ay isang pagsasakripisyo sapagkat ang oras na dapat na ibigay nila sa kanilang mga anak ay nailalaan pa sa kanila. Kung tutuusin kahit nasa mga bahay na ang mga gurong ito, iniisip pa rin ang mga estudyanteng hindi pumapasok... nag-aalala sa mga estudyanteng maaaring bumagsak. Nag-iisip kung paano matutulungan kahit sa maliit na paraan ngunit ano ang nagiging kapalit ng lahat ng ito...

mas madalas gusto nilang gawing tanga ng harap-harapan ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng mga pagtatagni-tagni ng mga kuwento at pagsagot-sagot nang walang pakialam sa damdamin ng mga ito.





Huwebes, Agosto 9, 2012

Wala lang.


Tatlong araw nang walang pasok.
Walang bagyo pero di maawat ang langit sa pagluha.
Sa mga tamad, ayos ito!
Sa  mga masisipag, sayang naman.
Sa mga magulang na nagbayad ng tuition fee, lugi naman.
Sa mga may negosyo, matumal.
Sa mga bagong kasal, bongga ‘yan.
Sa mga may kasintahan, nakakalungkot.
Sa mga walang pera, okay lang.
Sa mga foreigner, oh my!
Sa mga mahilig sa facebook, yehey!
Sa mga mahilig sa tweeter, twit-twit!
Sa mga nasa mababang lugar, matubig.
Sa mga nasa mataas na lugar, madulas.
Sa mga apektado, tumulong tayo at magdasal.
Sa mga walang paki-alam, tulog ka na lang.
Sa mga nagtataka, wag na!
Sa mga nagbabasa, bakit?
Sa gumawa nito, pahinga ka na!
Walang magawa, iyon ang dahilan.
Sa dami ng gagawin, walang masimulan.
Sa dami ng sisimulan, walang magawa. 
(*^_^)