Lunes, Hunyo 18, 2012

Walang lang!

Wala naman talaga akong balak mag-internet o kaya mag FB o kung ano pa mang may kinalaman sa world wide web...

kaya lang, may mga pagkakataong hindi maiiwasan...
may mga kailangang hanapin...
may kailangan makuhang file o kaya naman ay may importateng mensahe na sa pamamagitan lamang ng internet makukuha.

Nakakatamad din kaya ang mag-internet. Nakakatamad ding mag-research...ang dami-daming nagsusulputang mga links na kung minsan di mo malaman kung may virus bang dala o wala.

Kung minsan nakasama lang sa tags... eh...nabubuksan kahit walang kinalaman sa hinahanap.

Hindi rin advisable na mag-internet habang may ibang ginagawa sapagkat mas madaming nauubos na oras sa pagsu-surf kaysa sa paggawa... kaya mas madalas sa hindi nililimitahan ko ang aking sarili sa pagbubukas ng internet... eh ang kaso may mga taong sadyang nag-uudyok upang magbukas ako at mag-unli surfing kahit hindi ko talaga nais na tulad ngayon.

Kakalokah lang.... pag naka-unlisurf kasi... nanghihinayang na akong di gamitin...syempre dapat grab the opportunity hindi ba?

hays... kakalokah!

(*^_^)


Linggo, Hunyo 17, 2012

Si Tatay



       Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ngunit alam kong kailangan ko siyang pasalamatan at bigyan ng pagpapahalaga para sa espesyal na araw na ukol lamang sa kanya.
        Maraming bagay siyang naituro sa akin at masasabi kong kung ano man ako ngayon ay dahil ito sa kanya. Hindi siya perpekto ngunit alam ko na lahat ng kanyang ibinigay para sa amin ay napupunan na nito ang mga kakulangan niya.
        Hindi siya pamilyar sa salitang ‘pahinga’ simula kasi ng mag-aral kaming magkakapatid pati ang araw ng Linggo ay ipinapasok niya sa trabaho para lamang makapagtapos kami dahil sabi nga niya…iyon lang ang maaari niyang maipamana sa amin at ayaw niyang matulad kami sa kanya.
        Kung may mga pagkakataong sumasama ang loob ko sa kanya noon mas naiisip ko ang mga kabutihan at pagmamahal niya sa amin kung kaya’t nawawala din ang mga pagdaramdam ko sa kanya.
        Iba siya magsalita…nakakatawa ngunit makahulugan. Madalas siyang magsalita ng mga katagang…kung kailan natatae saka naghahanap ng papel...wala yatang tao sa bahay…kasi marumi…at marami pang iba.
        Nakita ko kung paano siya magalit…kung paano siya matuwa…kung paano siya masaktan…at kung paano niya tanggapin ang mga problemang dumarating sa kanyang buhay.
        Marahil sa aming magkakapatid, ako na yata ang lubos na makapagsasabi ng mga pagbabagong naganap sa kanya mula sa pagiging matipuno noon na ngayon ay pinahihina ng trabaho ang kanyang katawan.
        Mali mang sabihin ngunit masasabi kong mas minahal ko siya kaysa sa aking ina dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan namin na magkasama.
        Una, lumaki akong siya ang kasama habang ang mga kapatid ko ay nasa probinsya…na alam ko namang di man nila nais na magkahiwa-hiwalay kami ay kinailangan.
        Ikalawa, nang umalis ang aking ina at nagtrabaho sa ibang bansa pinilit niyang gampanan ang gawain ng isang ina.
        Ikatlo, palagi siyang nakasuporta sa mga hilig namin…tulad ng pagtugtog ng gitara, pagguhit…panonood ng mga pelikula at iba pa. Hindi siya nagagalit kung makakakuha ng line of seven sa card…sabi n’ya okay lang daw iyon, ang mahalaga ay pumapasa...
        Ikaapat, madalas siyang bumili ng mga bagay na maaari naming ikatuwa…mga laruan, gamit sa bahay na hindi lamang s’ya ang makikinabang kundi lahat kami.
        Kung tutuusin, marami pang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya. Ngunit sa mga oras na gusto kong ikwento ang tungkol sa kanya ay hindi ko mapagsunud-sunod ang mga salitang gusto kong gamitin para siya maipagmalaki.
        Isang bagay lang ang di ko masyadong nagugustuhan sa kanya kahit kasi hirap na siya sa trabaho ay di siya nagpapahinga. Minsan tuloy naiisip ko na mahirap talaga magpalaki ng magulang sapagkat para sa kanila alam nila ang makakabuti sa kanila.
        Ngunit kahit gan’on siya, mahal na mahal ko siya at kung makapipili ng magulang ay siya pa rin ang nais kong maging ama. Marami na siyang nagawa para sa amin at sa tingin ko hindi pa nangangalahati ang nagagawa namin para sa kanya na kung minsan ay minamasama pa ng iba.
        Marahil hindi nga kayang hagilapin ng makitid na isipan ng iba kung bakit sa kabila ng pagiging istrikto niya ay labis ko siyang minahal. Umikot ang buong buhay niya sa pagtratrabaho para sa amin at mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Kaya naman proud ako sa kanya.

        Happy Father’s Day, Tatay! Mahal na mahal kita.
        

*Kung sakaling naging magulo ang mga pangungusap ko ay humihingi ako ng paumanhin.
(*^_^)

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Guro.


Sabi n’ya…salamat sa Diyos at natapos din…

Sabi naman n’ya…mabuti pa ikaw nagpapasalamat na ako…Help me God…

Ilan lang ito sa mga usapang tila joke pero may katotohanan…madalas itong maririnig sa amin tuwing matatapos ang taon. Madami kasing kailangang tapusin at ipasa sa nakatakdang deadline.
Kung minsan akala mo ay tapos ka na…pero may kulang pa pala. May mga pagkakataong may makakaasarang kasamahan dahil sa hindi pa nagbibigay ng kailangang datos para sa ginagawa mo.

Ganyan ang buhay ng mga tulad naming mga guro. Para bang hindi na nauubusan ng gagawin at kahit naman sa pangkaraniwang araw ng pagtuturo at pagpasok sa paaralan laging kumakaway ang mga Gawain. Kaya naman kapag nakatapos na sa isa ay abut-abot ang pasasalamat habang ang iba naman ay tila humihiling sa taas na matapos na ang kaniya.

Nakakabaliw na nakakatuwa ang magturo. Nakakatuwa ang mga interaksyon sa mga bata subalit nakakabaliw ang sangkaterbang paper works. May mga ora-oradang ipapagawa na kung minsan kahit nagtuturo ay maaabala sapagkat kailangan ng ipasa…agad-agad…parang atat lang!

Noon, ang konotasyon ko sa mga guro…nakaharap lagi sa mga mag-aaral at nagtuturo. Gagawa lamang ng kanyang lesson tapos biswal at magrerekord ng grade pero hindi pala. Napakarami palang iintindihin ng isang guro bago n’ya maintindi ang kanyang pagtuturo. Nakakalungkot, hindi ba… Sapagkat ang isang dahilan kung bakit nasa paaralan ang guro ay para hubugin ang isipan ng mga kabataan ngunit paano naman maibibigay ang sangdaang porsyentong powers ng guro kung bugbog na sa mga kung anu-anong report.

Ngunit sabi nga, kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan… kaya naman lahat ng gawaing ‘yan ay easy lang sa gurong maabilidad at may puso sa kanyang ginagawa. Kaya nga lang, tila nagiging palabigasan na lang ang pagiging guro. Para bang kaya kumuha ng education ay dahil stable ang status ng trabaho. Parang peso sign lang ba… ganun!

Pero sana hindi ganoon…hindi naman kasi biro ang maging isang guro. Madaming maapektuhan lalong-lalo na ang mga kabataang uhaw na uhaw sa kaalaman. Bagamat mahirap at masakripisyo ang pagiging guro masasabing isa ito sa pinaka-noble profession.

(*^_^)
Hunyo 14, 2012

Martes, Hunyo 12, 2012

Balik-eskuwela na naman!

Tinatanong ko ang sarili kung excited ba ako sa pasukan... pero parang wala lang akong reaksyon.

Panibagong yugto na naman ito ng kabanata ng aking buhay bilang guro. Nakakalungkot dahil wala akong advisory class. Kung minsan kasi ang pagkakaroon ng advisory class ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Para bang enjoyment at fulfillment.

Pero, mag-uumarte pa ba ako. Sa mga gawain ko siguro mas makakabuti na nga lang rin na hindi na lang muna ako magkaroon. May tinuturuan naman ako.

Sa unang araw, ang daming sumulpot na mga kukuha pa lang ng card. Magpapa-enrol at mga medyo nawawala at hindi alam kung san pupuntang seksyon.

Nandyan din ang mga nakiki-usap na ilipat ang kanilang mga anak sa umaga o kaya naman sa hapon.

Ang mga adviser naman ay nagbigay ng mga rules and regulation, books at kumuha ng mga information about their students.

******
Another batch... pang-ilan ko na ba ito? mmm... pang sampu na! Akalain mo, ten years na akong nagtuturo...oldy na pala ako! hehehe... edad lang ung old pero ang looks... hende noh!
******

I was hoping for the best year ever... but every year may mga special part... I wonder kung ano ang special sa taong ito.
******

Last year, sa gitna ng taon nagkaroon ng pagbabago. Naglipatan ng mga Principals at naglipatan ng pwesto... at ngayong taon... lilipat na naman kami ng pwesto... but its not negative... para rin 'yon sa ikabubuti ng mga students!
*****

Ewan ko ba bakit tuwing kaharap ko ang blog ko wala akong maisulat na matino tulad ngayon... kanina naman parang ang daming gumugulo... hays!

Second week na ngayon....

Ano kaya ang nasa dako paroon?

(*^_^)

Linggo, Mayo 13, 2012

Araw ng mga Nanay

Tuwing sumasapit ang Mothers day... lagi kong naaalala ang Spice Girls dahil sa kanta nilang Mama.

So I just want to share the song!


Mama
Spice Girls

She used to be my only enemy
and never let me free
Catching me in places that I know I shouldn't be
Every other day I crossed the line
I didn't mean to be so bad
I never thought you would become the friend I never had

Back then,  I didn't know why
why you were misunderstood
so now I see through your eyes
all that you did was love

Mama, I love you
Mama, I care
Mama, I love you
Mama, my friend
You're my friend

I didn't want to hear it then
but I'm not ashamed to say it now
Every little thing you said and done
was right for me
I had a lot of time to think about
about the way I used to be
Never had a sense of my responsibility

Back then, I didn't know why
Why you were misunderstood
so now I see through your eyes
all the you did was LOVE

Mama, I love you
Mama, I care
Mama, I love you
Mama, my friend
You're my friend

...
Hindi ko man madalas sabihin sa nanay ko noon ang mga salitang mahal kita o I love you... pero iba pala talaga ang maging isang ina. I realized the importance of a mother when I became a mother too.

Happy mothers day sa lahat ng mga nanay, ina, mommy, inang, mamu, mama...

(*^_^)

Miyerkules, Mayo 9, 2012

Lutu-lutuan

Isa sa mga gusto kong gawin ay magluto pero dahil mas madalas ay siya ang magluto kaya tuloy minsan lang ako magluto.

Naniniwala siya na wala akong hilig sa pagluluto...pero ang totoo...mmm...basta may dahilan :P

Kaya naman ibabahagi ko ang isa sa mga paborito kong lutuin. Mahilig ako sa mga ulam na may tomato sauce kaya halos lahat ng pwedeng lagyan nilalagyan ko.

Wala akong name for this dish. Di ko rin talaga alam kung anong tawag dito kaya naman bininyagan n'ya ang luto ko nang KATARATA! (sa huli ko na lang sabihin ang meaning...hehehe)




KARATATA

Mga kailangan:


sitaw - hiwain ng 2 inches long


patatas - hiwain ng pa-cubes
karots - hiwain din ng pa-cubes

sibuyas - hiwain ng maliliit

bawang - hiwain ng pino

bell pepper - kahit anong kulay... hiwain ng maliliit

baboy - pwedeng maliliit na cut o pwede ring giniling
at mga pampalasa ( asin, cubes, betsin, paminta)

Paraan:



  • Pakuluan ang baboy o kaya giniling sa tubig may konting asin at betsin.
  • Kapag natuyo na lagyan ng mantika at magkulay brown tapos itabi.
  • Igisa ang bawang, sibuyas at bell pepper.
  • Isama ang sitaw, patatas at karots.
  • Lagyan ng pampalasa: asin, betsin, paminta at tomato sauce.
  • Pakuluin hanggang sa maluto ang mga gulay.
  • Dagdagan ng konting tubig kung malapot.

Pagkaluto...ayos na ang tiyan mo kasabay ang mainit na kanin.

Sabi naman nila...masarap naman daw ang luto ko.... kasi kung ako ang tatanungin n'yo...masarap talaga ang luto ko!

Chow!

Pahabol: 

Ang ibig sabihin ng KATARATA ay....sekreto pa rin! (*^_^)


Summer frustration


Kapag dumarating ang summer parang ang daming pwedeng gawin. Ang daming nililista na mga plano pero kung minsan...mmm... madalas hanggang plano na lang.

Kalagitnaan na ng summer... matatapos na nga dahil nagsimula nang umulan sa pagpasok ng Mayo pero parang wala pa ring nagawa sa mga binalak... kung meron man, ilan lang siguro.

Nakakalungkot kapag matatapos ang summer na hindi man lang nagawa ang mga binalak. Sana pala hindi na lang nagplano.

Una, ang isa sa mga gustong gawin pumunta kung saan-saan, eh, pero paano kung walang anda. Saan pa pupunta kung di sa bahay... stagnant!

Mainit. Mahaba ang byahe kaya tatamarin...ang plano na sa malayo pumunta... sa malapit mauuwi.

Kapag nasa bahay, super init. Syempre summer...gustong magswimming! Pero paano kung wala naman makasama...ano 'yun 'all by yourself ang drama' kalokah naman 'yon! Parang ang tatanungin mo kung malamig ba ang tubig ay ang sarili mo rin.... parang tanga lang!

Maganda rin sanang mag-aral ng mga bagong kaalaman. Iyon bang tipong lalabas ang talent mo. Pero dahil mahal ang mga registration fee, tuition fee... siguro sa isang taon na lang! ('yun din ang sinabi ko last year...LOL)

Maraming plano ang binalak na hindi na yata magagawa...ay sayang naman! :(

Ang ending sasabihin na naman natin sa ating sarili...

"Ang ikli naman ng bakasyon, ang dami ko pa namang gagawin."

Parang in-denial lang sa katotohanan na wala naman talagang nagawa o kaya'y ginawa.

Kaya naman para hindi manghinayang sa bakasyon, gawin na agad habang may panahon pa.

Kaya ayusin na ang mga gamit at go-mora na! (*^_^)