Lunes, Setyembre 22, 2014

Para kay Ateng




Sa una naming pagkikita, para siyang na-culture shock sa mga sinabi ko tungkol sa kakaharapin niya. Inakala ko pa nga na baka magback-out siya dahil na rin sa dami ng bata na kailangan niyang turuan bawat klase pero palaban siya.


Hindi man kami matagal na naging magkakilala pero parang matagal na kaming magkaibigan. Nag-click agad kami. Madalas magkaututang dila kami sa kahit anong paksa... mapa-pamilya, buhay, gawain, mga insecurities, mga pangarap sa buhay at usaping pag-ibig.

May mga usapang kami lamang ang nagkakaunawaan at may mga pagkakataong humahalakhak kami sa joke na kami lang ang nakakaalam ng dahilan. Masarap siyang kasama, may pagkamaldita nga lang. Masuri sa pamimili ng mga gamit at fashionista rin. May kakulitan din siya pero syempre mas makulit ako. 

Nagkapuwang siya sa aking puso bilang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan tulad ni sisteret... kung tutuusin tila siya ang pumalit sa pangungulila ko dito. 

May pagkakataon na pareho pa kaming naluha sa ilang mga session namin... ngunit kinailangan niyang mamili at magdesisyon. Lumipat siya at tunay akong nalungkot.

Kaya sa espesyal niyang araw ay nais ko siyan batiin ng isang

MALIGAYANG KAARAWAN!!!

Nawa'y mapasaiyo ang lahat ng iyong mga ninanais. Mapuno ng kaligayahan at mabusog sa pagmamahal. :)
miss you overload! (*^_^)

Biyernes, Agosto 22, 2014

Himutok

Gusto ko sanang kutusan ang tulad mo
mahilig mag-isip ng kung ano-ano
wala naman sa lugar ang  pagtatampo.

          Gaano ba kakitid ang utak mo
          at hindi maunawaan ng husto
          naabala ang lahat saan mang dako.

                    Kung ang ginawa mo'y nakiisa
                    at hindi pansarili mong mga nasa
                    siguro ay mas nakatulong ka pa.

                              Ngunit pinuno mo nang isipin
                              ang mga tao sa iyong paligid
                              nakasira ka nang sobra sa gawain.

                                        Ano man 'yang pinadaraanan mo
                                        wag na sanang kami'y idamay pa
                                        at kami'y hindi mahilig sa negatibo. (*^_^)

Biyernes, Hulyo 25, 2014

Coffee Jelly ni Alvin

 Isa sa mga kinawiwilihan namin ngayon ang pagkain ng coffee jelly na gawa ni Alvin. Creamy at malambot ang gelatin nito at dahil sa marami ang nagnanais na matuto kung paano gumawa ng desert na ito... nagbigay na siya ng procedures na inaasahan naming lahat na maging successful.


Eto ang INGREDIENTS:

     1 CAN EVAPORATED MILK (BIG)
     1 CAN CONDENSED MILK (BIG)
     1 PC. NESTLE CREAM
     1 KILO SUGAR (SUPER BROWN)
     25 GRAMS NESCAFE
     1 (P20.00)AGAR-AGAR (FROM MORONG 'GELATIN POWDER')
     4 1/2 LITERS OF WATER

PROCEDURES:

1. PUT 4 1/2 LITERS OF WATER IN A STOCKPOT.

2. MIX AGAR-AGAR AND NESCAFE IN WATER. WHEN THEY ARE ALREADY MELTED, PUT IT UNDER FIRE. WAIT UNTIL THE MIXTURE REACHED ITS BOILING POINT.

3. PUT THE SUGAR.

4. WAIT AGAIN FOR THE MIXTURE TO BOIL. THEN, TURN OFF THE FIRE.

5. POUR THE MIXTURE IN A TRAY WHERE IT WILL BE COOLED.

6. AFTER CUTTING THE MIXTURE INTO DESIRED SHAPE, MIX IT WITH THE EVAPORATED MILK, CONDENSED MILK AND NESTLE CREAM.

7. REFRIGERATE IT.

8. BEST SERVED WHEN CHILLED.

'Yan na ang paraan sa paggawa ng coffee jelly.

Try n'yo ring gumawa... pero ang masasabi ko lang, kailangan ng pasensya lalo na kung first time pa lang gumawa. (*^_^)

Miyerkules, Hulyo 16, 2014

Ano nga iyon?

Kapag tapos ka nang magsalita
pakikinggan mo ba ako, 
mga sasabihin ko ba'y uunawain mo
panahon mo ba'y ilalaan mo pa
tulad ng ginawa kong pakikinig sa'yo?

Kapag tapos ka nang magsalita
sasagot ba ako 
o tahimik na lang akong lalayo...
papatol ba ako't magpapakababa
o titingnan na lang kitang nadidismaya

Kapag tapos ka nang magsalita
susuriin ko ba 
lahat ng sinabi mo
o titingnan kita
hanggang sa ika'y matunaw?#

http://25.media.tumblr.com/tumblr_mccramvzdc1rey9iqo1_500.jpg



Sabado, Hulyo 12, 2014

Blog kung saan-saan


Noong una, hindi ko alam kung paano magblog. Pero ang alam ko, maari itong maging daan para sa pagpapahayag ng mga saloobin at gayundin ng mga sariling katha na kung saan ay maaaring makita at mabasa ng ibang tao.

Ang totoo niyan, hindi ako sanay na may nagbabasa ng mga ginagawa ko. Una, dahil sa natatakot akong mahusgahan ang mga sinusulat ko pero sa isang banda ng aking isipan gusto kong may pumuna. Gusto kong may magbigay ng kanyang opinyon ukol sa aking mga ginawa.
Kaya naman nang magsulputan ang kung ano-anong site na maaaring makabuo ng blog ay gumawa ako. 

Nandyan ang blogger, livejournal, wattpad, itong tumblr at may isa pa na hindi ko na matandaan kung anong pangalan. Parang tanga lang na gumawa ng kung anong mga sulatin. Umaasa na may papansin sa aking mga sinulat at pinaskil.

Nito ko lamang napagtatanto na ang pagba-blog ay isang daan para kumonekta sa mga mambabasa. Hindi naman ito payabangan ng salita. Kung minsan nga kung ano pa ang pinakamababaw na sinulat o pinaskil yun pa ang nakakuha ng interes ng marami kaya naman naisip kong mas maging ako kapag nagsusulat.

Iniiwasan kong makulong sa mga tradisyunal na paraan ng pagsusulat. Mas pinili kong magsulat ng mga bagay na pumukaw sa aking interes. Mga bagay na gusto. Hindi naman kailangan sobrang seryoso ngunit hindi rin naman basta lang.

Maganda ring sa mga sinusulat mapa-rebyu man ito ng mga palabas, nobela at kung ano pa ay makapag-iiwan ng mga butil na kaalaman o kaya nama'y kaisipan na gigising sa kaisipan ng mga mambabasa.

Maibalik ko lang sa aking naunang sinasabi... sa dami ng aking ginawan ng blog... laging dito ako bumabalik sa blogger. Ewan ko ba kung tutuusin ang iba ay mas madali lang ang pagpapaskil ngunit mas gusto ko ang paraan dito. Masaya na ako rito at nawa'y magpatuloy pa ang aking pagpapaskil kahit napakaraming gawain.

Kung sabagay, sabi nga kapag ang isang bagay na gawain ay nakapagbibigay saya sa atin kahit gaano kahirap o kaabala nagagawan ng paraan para maisagawa ang ninanais.(*^_^)

Photo credits:
https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRimrY1Kh1BJeH0z_bDq16gwkn4qKvZB7UWjcMQch9MaqW_53ON
http://www.artisanskinfacebody.com/uploads/2/9/4/8/29480759/7524478_orig.jpg

Miyerkules, Mayo 28, 2014

Entrance Exam



Matapos ang halos 14 na taon, ngayon na lang ulit ako kumuha ng Entrance Exam.

Nawindang ako. Totoo.

Hindi naging madali ang mag-file ng application. On-line magre-register at ang payment ay sa main at ang filing ay sa graduate studies. Sa unang sabak, kulang. Umuwi kaming luhaan at hinagilap ang kulang na papel.

Kinabukasan, bumalik kami. Dala na namin ang mga bagay na wala nung nagdaang araw. Ngunit ewan ba sadyang mapanukso ang pagkakataon... mali pa rin ang aming bitbit. Pero na-realize naman namin na hindi nga iyon ang hinihingi kaya ayun hanap ng paraan. Nakapag-file naman kami ng application.

Ngayon ang nakatakdang entrance exam. Nag-aalala ako. Hindi ako nagrebyu, una dahil sa wala akong ideya kung anong nilalaman ng exam. 9:00AM ang nakalagay sa permit namin. Nagkaroon kami ng usapan. Magkikita ng 7:30 na nauwi sa 8:30... mabuti na lang may MRT. Siguro mga 15-20 minutes nandoon na kami. Pagbukas ng pinto ng MRT, nanakbo kami pababa ng hagdan... tuloy-tuloy patungo sa destinasyon. Mga tatlong kalye ang tinakbo naman... habol-habol namin ang hininga.

Sakto ang dating namin. Inakyat namin ng mabilis ang second floor. Sabi kasi nakapaskil raw sa pinto ang mga pangalan pero wala naman kaya bumaba ulit kami para alamin 'yung kwartong pupuntahan. Magkahiwalay kami.

Pag-upo ko parang may bukal ako ng pawis. Di matapos-tapos ang pagpahid ko sa aking tuloy-tuloy na pagpapawis. Aircon ang room...okay sana kaso naiisip kong masama 'yun sa mga tulad kong nanakbo, pinawisan tapos ay malalamigan. Pero siguro dahil minsan lang okay na rin.

Lumipas ang 30 minutes hindi pa nagsisimula. Wala pang proctor. Mabuti na lang, nagkaroon ako ng oras para kumalma at makapagpahinga. Ngunit ang sandaling hinihintay naming lahat ay dumating.

Pinamigay ang mga booklet at answer sheet...ayun, o... hindi ako inabutan ng booklet pero kinuhaan naman ako. (natakot ako baka mahuli sa pagsagot.)

Lintak na exam 'yan... Puro English... sa pagkakaalam ko Filipino ang major ko, eh, bakit ganoon? Pero ano bang magagawa ko... kaya sinagutan ko rin naman sa wikang Ingles. Halos matuyo ang utak ko at ang nakakaloka may computation pa... waaaaah... help me Lord na lang ang nasabi ko.

Matiwasay ko namang natapos ang exam. Hindi ko lang tiyak kung tama lahat ng sagot ko. Una, hindi na ako sanay sa mga ganoong uri ng exam at pangalawa, hindi ako bihasa sa Ingles pero marunong akong mag-ingles.

Nagkita ulet kami, at pinag-usapan ang nangyari. Parang isang oras na ang lumipas di pa rin kami maka-move on sa exam. Pero at least, nasubukan ko ulit kulitin ang isipan ko. Nagfunction naman yata ng maayos.

Hindi rin pala maganda 'yung walang exercise sa mga ganoong klase ng pagsusulit. Nakakagulat.
Pero, we're not really hoping for the best but we're ready for the worst. >cross-fingers<

Sa araw na ito, maituturing kong 'da best experience ang maghabol ng oras' ang tagal ko nang hindi nagawa 'yun. Pakiramdam ko tuloy nasa bahagi ako ng Bourne Legacy. haha (*^_^)

Martes, Abril 8, 2014

Team bonding 101



Ayon sa isang qoute:
All work and no play makes Jack a dull boy.
at dahil ayaw naming maging dull boy and girl... nagkaroon kami ng Team Building!

We went to Paraiso Beach Resort at Sariaya, Quezon and have fun.

Two days and one night kami roon. Dumating kami ng 12pm doon at ariba na sa dagat ang iba. Yung iba dahil uso ang selfie... namasyalan na agad at nagkukuha ng mga picture ng kanilang sarili o kaya kasama ang kanilang mga friendship.


Post dito. Post doon. At dahil hi-tech na lahat, agad-agad ang iba naka-status na sa FB o sa kaya ay sa Twitter. (Ang sosyal!)

May mga inuna ang kumain. May mga nagpahinga dahil sa haba ng byahe. May mga naghuntahan. May mga nag-videoke. May maganda ang boses pero may mga gustong magpumilit humawak ng mic.

Ang mga takot sa araw, hinintay muna ang paglubog ng araw bago lumusong sa tubig.

About the place, maganda naman. May swimming pool din bukod sa baybaying dagat. Nakakatuwa rin dahil may palaruan para sa mga bata at mga isip bata. May ilang mga hayop na maaaring makita. Masarap din ang mga pagkain.


Pero bukod sa mga magagandang tanawin, masasarap na pagkain at mainit-init na tubig ng dagat at pool... ang masayang bagay na meron sa pamamasyal na ito ay ang mga kasamang maaaring hindi pa lubusang kakilala o kaya naman ay mga kasama nang inugatan sa trabaho.

Pagkatapos kumain ng hapunan, nagkaroon ng gathering (team building). Nagsimula kami sa panalangin na pinangunahan ni Sir Roque. Sinundan ng ice breaker ni Ma'am Carly with her girlfriends Ma'am Shen Ann and Ma'am Ruth. Nakigulo rin sa ice breaker si Sir Timmy sa kanyang bahay kasama si Sir Vergel at Sir Andrew. Tamang tawanan lang.



Isa sa mga highlight ng gabi ang pakikinig sa word of wisdom na mula kay Sir Tipay kung saan ay tinalakay niya ang VOTE. V for vision, O for organize, T for trust and E for endure. Sinasabi na kailangan ng unity and trust sa kapwa para maging maganda ang samahan sa buong faculty.


Nagbigay naman ng words of encouragement si Sir Beltran, ang aming principal at isa sa mga ibinahagi niya ang parable tungkol sa mga geese na lumilipad ng naka-V formation. Lumilipad sila as a group at hindi nag-iiwanan. Naibahagi rin niya ang tungkol sa pencil maker. Sa huli ng kanyang pananalita sinabi niya na kailangan daw na magkaroon ng legacy sa mga bata ang bawat isa sa amin at matutong makinig dahil sa pakikinig mas mauunawaan natin ang isa't isa.

Ang gawain naman na ibinigay ay ang pagsasama-sama ng mga magkaka-department at pag-uusapan ang kung ano mang problema sa grupo. Pero may rules na ibinigay: 1. Wait for your turn, 2.Respect. Refrain from butting in while someone is speaking. 3. Accept positively what you hear and reflect.

Dapat ay 15 minutes lang ang group activity ngunit dahil siguro sa dami ng kailangang pag-usapan... tumagal ang sharing ng isang oras. Nagkaroon naman ng sharing after at nakakatuwa naman ang result.

May kanya-kanyang sabeh ang bawat dept.

EP - sabi nila maganda ang chairman.

MAPEH - tawagan nila 'gurl' kahit may mga boylet.
TLE - Bawal ang nakasimangot at payat


AP - pwede ang payat at iisipin ang sinasabi ng bata


SCIENCE - sila raw ay gwapo at magaganda (ayon lang yun sa kanila) at may pagkakaisa

MATH - Inglesero... kailangang magreach out


ENGLISH -  we had issues but not yet settled... but we're able to talk about it. We are dynamic.

FILIPINO - Were interrelated.

UTILITY - pagpapahalaga sa pagmamay-ari ng paaralan...

Natapos ang gawain hatinggabi na. Karamihan ay nagpahinga pero may mga nagkukuwentuhan, may mga social drinking....at may mga ayaw paawat sa videoke.

Sa pagsapit ng umaga, talbugan na agad sa tubig habang hindi pa matindi ang init ng araw habang ang TLE naman ay naghahanda ng agahan. Masayang almusal ang nangyari. :)



Tamang saya lang naman ang nangyari. Masayang nag-uwian at plakda lahat sa bus. :) :) :)