Hating gabi na. Habang nanonood ng pelikula ni Stephen Chow na hindi ko alam ang pamagat dahil kabubukas lang ng t.v. heto ako at tumitipa sa keyboard ng aking computer.
Wala lang... ang dami kasing kailangang gawin na parang hindi matapos-tapos.
Para bang kung hindi gagawa kawawa.
Hindi yata bagay ang awiting aking pinapakinggan sa pag-eemote ko... favorite ko pa naman un...
siguro mas maganda kung itulog ko na muna lahat ito... bumibigat na rin kasi ang ulo ko at parang umi-epekto na and isang basong gatas na ininom ko...parang bata lang!
Lunes, Marso 26, 2012
Alas-dose ng hatinggabi
Mga etiketa:
Avril lavigne,
Karanasan,
my happy ending
Biyernes, Marso 16, 2012
Eksena ‘pag patapos na skulyir! (Seryoso?!?)
Tuwing dumarating ang buwan ng Pebrero at Marso bumibisita na rin ang DAT, RAT at NAT. Susukatin na naman ang mga natutunan ng mga mag-aaral. Maghahanda na naman nang sangkatutak na reviewer ang mga guro habang ang mga iniintinding mga mag-aaral ay tila wala naman pakialam…(pakiramdam ko lang ba?)
Ito rin ang buwan kung saan unti-unting tinatamaan ng katamaran ang lahat dahil sa kumakaway na ang bakasyon. Para bang abot-kamay na ngunit ang hirap abutin. Ang mga mag-aaral parang nagmamadali nang hatakin ang mga araw para makapagtampisaw sa tubig o kaya’y makapagbakasyon habang ang mga guro ay pilit na hinahabol ang ilan pang mga aralin na kailangang tapusin.
Laging ganito ang eksena kapag papatapos na ang school year…ang mga bata tamad na tamad nang ihakbang ang mga paa papasok ng paaralan at ang mga guro bagama’t excited na sa bakasyon ay ginagawa pa rin ang dapat para sa mga anak ng ibang tao.
At dahil matatapos na ang isang taong panuruan, nahaharap na naman sa sitwasyon ang mga guro kung saan ibubukas ang puso para sa mga tamad na mga mag-aaral at sisikaping bigyang ng justification ang markang kanyang na-compute. Habang ang mga mag-aaral naman lalo na ang mga alanganin ay panay ang pa-pogi at pa-tweetums sa mga guro para humingi ng pagkakataong maipasa sila.
Nariyan ang mga batang bitbit ang mga magulang at gagawing protector shield with matching luha kapag talagang walang pag-asa. Kung minsan naman ay kasama ang lolo, lola, kuya, ate o kung sino mang pwedeng maisama para makiusap sa mga guro.
Eh, kung gusto naman talagang pumasa ng mga batang ‘yan hindi ba tama lang na pumasok sila araw-araw at gawin ang mga Gawain sa loob ng silid-aralan? Kaya nga lang ang mga batang mahilig maki-usap, eh, ‘yung mga tipong isa o dalawang beses lang kung pumasok.
Kapag pinatawag ang mga magulang, hindi naman darating. Ang daming ganitong kuwento…na para bang guro lang at paaralan ang tagahubog ng isipan ng mga bata. Pagkatapos, kapag bumagsak ang anak, susugod sa paaralan upang magreklamo gayong kapag pinatawag o kaya ay may mga meeting, eh, hindi naman pumupunta.
Tulad ngayon, magtatapos na ang school year… maggra-graduation na… saka palang makiki-usap. Hihingi ng mga special projects bilang pampuno sa tatlong grading na hindi nila pinasukan… ano ‘yun ganun-ganon lang ‘yun? Kakalokah!
Eeksena rin ang mga aklat na dapat isauli. May mga magbabalik na sira-sira na… marahil ay gamit na gamit. Meron ding parang bagong bili… halatang itinago lang sa aparador.
Pasok din ang mga pag-aayos ng mga upuang tila pinahirapan ng mga nagsi-upong estudyante at pagpipintura sa mga dingding ng silid dahil ginawang chat room o kaya naman ay shout out ng mga damdamin o kaya advertisement ng mga naghahanap ng mga ka-text! Eksenaloo talaga nang super bongga… kung minsan ginamitan pa ng pentel pen.
Syempre, nandiyan ang praktis ng gradution. Pinagbubuti ng mga guro ang pagmamando sa mga bata habang sa huling pagkakataon ay magpapasaway pa ang mga ito. May mga mahuhuli nang dating at makakatanggap ng sermon. Meron di namang ninanamnam ang mga huling araw sa paaralan kaya naman pinagbubuti ang pag-eensayo.
Samantala, ang mga guro sa lower years ay patuloy na nagtuturo habang nag-aasikaso ng mga forms. Isabay pa ang mga reports na kailangan ipasa at mga home visit for the last time sa mga talagang di na pumapasok.
Ganito na talaga ang buhay ng mga guro at mag-aaral… kalian kaya darating na magiging magaan ang trabaho ng mga guro at hindi na magpapapampam ang mga bata? Hay, wish ko lang sa sunod na school year…haha! :)
Biyernes, Marso 2, 2012
Bugso ng damdamin...tula
Isa lang ang ginagawa ko para mailabas ang mga damdaming umaalipin sa akin. Ito ay sa pamamagitan ng pagsulat. Hindi perpekto ang aking sinusulat ngunit ito ang paraan ko upang iwaksi ang aking nararamdaman!
Madalas walang pamagat... sapagkat ang nais ko lang naman ay isulat ng mabilis ang nasa isipan ko... saka ko na pinag-iisipan ang pamagat tulad ngayon.
Hahayaan ko na lamang na walang pamagat ang tatlong tula na ito... at kung magkakaroon ako ng oras at panahon ay saka ko na lamang lalagyan.
Unang tula... natakot ako kaya siguro eto ang nasa isip ko. Halos limang minuto ko lang itong naisulat sa sobrang bilis ng mga salita sa 'king isipan. Ang hirap habulin...hehehe..
Di maipaliwanag ang naramdaman
Nang ako’y dumaan sa kanyang harapan
Bumilis ang pagtibok ng aking dibdib
At tila ako ay nasa isang liblib.
Ang araw na ‘to ay ordinary lamang
May anong takot sa puso’y bumalot
Sa tinig na narinig ako’y nangilabot.
Bigla kong pinangarap na sana’y tulog
Upang isipin ang nangyari’y bangungot
Ngunit nakaharap ang katotohanan
At isipin pa lamang ay kay hirap takasan!
10/12/11 3:45PM
Pangalawa, gusto ko nang matulog pero abala pa ang isipan ko...kaya eto ang nabuo...
Tamad na bumangon sa pagkakahiga
Para bigyan-daan ang nasa isipan
Ngunit nang makaharap na ang panulat
Mga salita’y mahirap mahagilap.
Bakit sa sandaling bumalik sa higa
Mga salita’y biglang nagsulputan
Kaya’t sa muling pagbangon naging handa.
Ngunit may kung ano sa gabing ito
Bagama’t may ideya’y nakakalito
Pilit mang hanapin ngunit humihinto
Ang mga salitang magaling magtago.
11/16/11 9:17PM
Habang pinagmamasdan ang kanyang mukha
Di ko mawari kung anong naibigan
Ang matangos bang ilong o ang singkit na mata
Makapal bang kilay o mapang-akit na labi?
Isa lang naman ang aking nalalaman
Kanyang kalooban ang mas nangibabaw
Sa kabaitang taglay, saan pa makahahanap?
Dagdag na lamang ang kanyang kaanyuan.
Hindi man siya perpekto sa paningin ng iba
Hindi naman sila ang magiging magkasama
Kaya’t di kailangang makisawsaw pa
Pagkat tayo’y may kanya-kanyang panlasa.
2/13/12 10:52PM
(*^_^)
Biyernes, Pebrero 24, 2012
Shout it out...mmmbop!
I will start with the very first music video that they make…
Mmmbop baddu bidapp baddu bop... oh yeah!
Sino bang hindi napapa-indak sa awiting ito? Noong 1997 ay kinalampag ng Hanson ang airwaves at marami ang nagtatanong kung sino at anong pangalan ng bandang ito? Super cute kasi ang tatlong teenager na kumakanta at napagkamalan pang babae ang isa sa mga ito.
Well, sila ang Hanson na binubuo ng magkakapatid na sina Isaac, Taylor at Zac.
![]() |
| Ike |
![]() |
| Taylor |
![]() |
| Zac |
I really, really like them. Hangga’t maaari gusto ko sanang bilihin lahat ng mga song hits at magasin noon na may poster o kaya ay may mga news about them (pero sad to say, I don’t have enough budget L). Those were the days na parang walang araw na hindi pwede na hindi ko mapakinggan ang kanilang mga awitin (salamat sa bespren kong si Grasya at album ng Hanson ang gift sa akin.)
I was still in college at that time and I don’t have capability to get what I want so I would ask my friends to lend me their magazines and photocopied it. Masaya na ako noon. I can say na naging buhay ko ang mga songs nila. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan nang dahil sa kanila.
Wala pa kasing facebook noon at hindi rin ganoon kauso ang celfon. Ang isang paraan para magkaroon ng mga friends at makipag-share ng mga likes ay sa pamamagitan ng pakikipagsulatan.
Nakilala ko sila Luz, Bev, Joanna at Laarni na love na love ang Hanson… nadagdagan pa iyon sila Yzac, Ivy at Mariane… hindi naman masyadong naging problema ang communication noon dahil may telephone naman kaya nga lang sa mga information dissemination medyo mabagal. Nagsisimula pa lang kasi noong pumalaot ang Internet… Yahoo lang naman ang uso noon at mga chatroom.
Nagkaroon ng Yahoo group noon na ginawa nila Laarni at Joanna… (ewan ko lang kung buhay pa)… Trimondoblondo mania yata ang name… naku, nakalimutan ko na yata… sorry sa mmmboppers… doon, nagkakaroon ng mga usapan na magkikita-kita o eyeball.
Isa sa mga pinuntahan ko ay ang celebration ng birthday ni Ike… I still have the invitation and I also won a copy of songs from the boomerang album hindi ‘yung album...hehehe…tamang saya lang ‘yung feeling… kasama ang mga may gusto sa Hanson.
Naalala ko rin na kumuha ng piano lesson si Bev dahil sa Hanson at sila Laarni at Joanna naman ay nagko-compose ng songs tulad ko dahil din sa bandang ito. At si Luz na yata ang super fan ng Hanson dito sa Philippines dahil ang wall paper ng kuwarto niya that time ay puro poster ng Hanson…when I say puno.. it means na hindi mo mahahanap ang pinto…as in gan’un!
When I looked back, napapangiti ako sa mga nagawa ng tatlong gwapong teenager na ito sa amin na binigyan ng kulay ang mga buhay naming humahanga at nagustuhan ang kanilang mga awitin.
Maraming nagmahal sa Hanson kaya naman nang umeksena ang The Moffats… nagkaroon ng war zone sa mga songhits. Ayaw syempreng pumayag ng mga Hanson fans na masabihang manggagaya ang mga ito. Noon, super seryoso ang ilang fans ng Hanson at talagang nagsasagutan sila sa mga pahina nang Solid Gold…J
Anyway, when I graduated college… ang wish ko magkaroon ng bagong album nila at na-grant naman. At that time, maraming fans ang umaasa na pupunta sila ng Manila dahil kapag bumili ng bagong album… may chance ka na makita sila in person pero drawing lang ang lahat.
Marami kaming nagwi-wish na sana matuloy ang pagdating nila dito at noong first time nilang magko-concert year 2004… gustuhin ko mang manood ay hindi rin pwede (I’m pregnant!). Nalungkot ako. I envy my friends who got the chance to get their signature and take photos with them.
I just said to myself that if they will come back I will definitely watch it and I’m so glad that this coming March 30 they will visit the country and going to hold their second concert.
But I will admit that I’m not that updated about them now, maybe because of work … but to forget them… that are the last thing I will do!
Well, I’m also hoping to meet my Hanson friends again. Thankful sa FB dahil nahanap namin ang isa’t isa. I guess we will be forever grateful sa Hanson dahil nagkaroon kami ng chance na magkaroon ng bagong friends, learn music instruments and inspire us with their songs! (*^_^)
Pahabol... isa ito sa favorite video ko... :)) If only!
Pahabol... isa ito sa favorite video ko... :)) If only!
Huwebes, Pebrero 23, 2012
Abubot
Mahilig akong mag-ipon ng kung anu-anong bagay. Ang iba may sentimental value at ang iba ay may mga bagay na gusto ko lang kolektahin. Kung minsan nga pakiramdam ko basurera na ako. Nagawa ko kasing mag-ipon ng mga pinagbalutan ng mga chitcherya o kaya naman ay mga pinagbalutan ng mga kendi at tsokolate… pero nang mapansin kong dumadami na … tinapon ko na. Parang na-realize ko na parang garbage can na ang lagayan ko.
Marami na rin akong naitapon sa mga precious treasures ko…dahil sa bagyong Ondoy. Pinasok ng tubig ang aming bahay at inabot ang aking baul. Ang baul ng mga kayamanan ko noong ako’y bata pa. Lalagyan ng mga alaala ng aking pagkabata.
(Pagmamay-ari talaga ng aking lola ang baul na ibinigay na niya sa akin at ayon sa kanya baul na niya iyon mula nang siya’y magkaisip… eh 1915 siya ipinanganak kaya naman antique na talaga ang baul na ‘yun. Nasa langit na siya…matagal na pero ang mga alaala niya ay nasa aking pangangalaga maging ang kanyang diary at mga komiks at liwayway na ang hindi pa ako buhay nang mailathala. Sa totoo lang, sa kanya yata ako nagmana. Wala kasing pruweba…hehehe)
Ilan sa mga naitapon ko ay ang mga diary ko simula nang ako’y grade 6. Hindi ko na nagawang isalba dahil basang-basa ng baha (take note baha hindi ng ulan…hehehe) Kaya kinunan ko na lang ng larawan bilang alaala. Maraming nabasa sa gamit ko pero sa diary ako nagpaalam ng lubos. L
Marami pa naman ang natira tulad ng mga collections ko ng mga trivia mula sa Inquirer noon… mga write-ups kay Charles Barkley…pati ‘yung mga cards. Bumalik ulet tuloy ako sa pagkabata habang inaalala ang pagkaadik ko sa NBA dahil kay Barkley. Naalala ko ang finals noon na ang kalaban ng Phoenix Sun ay Chicago Bulls kung saan star player si Michael Jordan. Inaasar ako ng tatay ko dahil sa Bulls siya kampi habang ako syempre sa Suns. Mega tili pa ako kapag nakakapag-shoot ng bola si Barkley…kakatawa ngang alalahanin eh… as in! kabaliwan days ko noon.
Kasama sa mga abubot ko ang mga classcard ko noong ako’y nasa college at mga registration cards. Naipon ko rin ang mga maliliit na card na lumalabas sa weighing fortune. Madalas kasi akong dumaan sa Farmers papunta sa sakayan pauwi … kapag may limang piso ka malalaman mo na ang bigat mo may kasama pang hula…2 in 1. Nilagyan ko pa ng date ang bawat pagtitimbang ko d’on…at buhay pa hanggang ngayon… college ako noon!
Nawili din akong bumili ng mga stationary na kung saan nagswa-swap pa kami ng mga kaklase ko. Isang dahilan siguro kung bakit ay dahil nakikipagsulatan ako noon (penpal…pero saka ko na palalawakin ang tungkol doon…J). Nauso pa nga noon ang mga personalized kaya naman mega order kami. Meron pang mga may zodiac sign at design na patok sa amin.
Isa pa sa mga hindi ko napigilang kolektahin ay ang mga teks ng Ghostfighter. As in superduper mega-kolek ang beauty ko. Nand’yan pa ang mag-aagawan kami ng mga kaibigan ko para sa may magandang printing ng teks o kaya naman pogs. Kapag naaalala ko nga iyon, natatawa akong mag-isa. Para pala kaming mga baliw noon…hehehe… at dahil sa sobrang kabaliwan naming sa palabas na ‘yan… naisipan ko pang gumawa ng nobela…at naging katulong ko ang mga kabarkada ko sa pagtapos nito. (ginawan ko ito ng blog pero hindi pa nakalagay ang lahat ng kabanata…)
Marami pa akong kinolekta tulad ng mga ads ng mga pelikula at mga kakaibang pictures sa dyaryo at ang halos dalawang kahon na songhits. Isama pa ang pagkahumaling ko sa Hanson, kay Alanis Morissette at Avril Lavigne.
Sabi ng nanay ko, itatapon na daw n’ya pero syempre hindi naman niya gagawin ‘yon… isa pa kukunin ko iyon dahil napakalaking bahagi ng buhay ko ang maglalaho kapag basta na lang itatapon.
Masasabi ko rin na ang mga bagay na ito ang nagpapangiti sa akin at nagpapaalala na naging masaya ang kabataan ko. Kaya nga kahit pa sabihing basurera ako… e, ano naman… wapakels… ang mahalaga masaya ako tuwing nakikita ko ang aking mga abubot! (*^_^)
Mga etiketa:
baul,
diary,
ghost fighter,
hanson,
koleksyon
Martes, Pebrero 21, 2012
Simula ng katotohanan
May ugali akong balik-balikan ang mga kabanata ng aking buhay mula noong ako’y bata pa. Nand’yan ang tungkol sa kung ano ba ang buhay ko noon o kaya naman tungkol sa pag-aaral ko o kaya naman tungkol sa mga hinangaan ko at marami pang iba.
Kaya naman naisipan ko na ano kaya’t ibahagi ko ang aking mga karanasan. Meron naman akong blog…eh, di ba sabi nila, ang blog ay parang isang diary, pwede ring burador, pwede ring kawalan lang ng magawa pampalipas oras…talaan ng mga saloobin o kaya naman ay tila isang electronic book o magasin. Ganyan daw ang blog.
Noong unang beses akong gumawa ng blog…(doon pa iyon sa friendster… eh kaso, wala na iyon ngayon…natuwa nga ako at na-retrieve ko pa iyong mga inilagay ko doon) hindi ko alam kung anong ilalagay ko. Ang totoo hindi ko naman talaga alam kung anong dapat ilagay…basta ang alam ko kahit ano pwede ilagay kaya kung anu-ano lang ang mababasa doon… nandyan ang lyrics ng kanta… bahagi ng pelikula…mga hinaing ko sa mga students ko… mga pagkaasar ko sa iba’t ibang tao at kung anu-ano pa.
Ang tanong ko lang naman sa sarili ko, may nakakabasa ba naman nang mga inilalagay ko sa blog. Tulad dito sa blog kong ito, ilan lang ba ang nagbibigay ng oras para basahin ang mga isinulat ko…ang mga kalokohan ko… meron nga bang nagbabasa? Pero kahit alam ko sa sarili ko na ilan lang ang nagbabasa, nagpo-post pa rin ako. Nagshe-share pa rin ako ng blog ko sa FB. Ayaw kong sumuko.
Pero isa ang nakita kong problema sa aking pagsusulat sa blog. Naglalagay ako ng pader kung saan ninanais kong ilayo ang tunay na ako. Ayaw ko kasing malaman ng iba na ako ang nagmamay-ari ng blog. Kaya kung minsan nahihirapan akong humanap ng salita na maaaring ipanakip ko sa tunay kong pagkatao o kaya tunay kong hanapbuhay.
Pero ngayon, I will write as if I’m really talking. ..no more boundaries. Mahirap kasing magkuwento kung may limitasyon. Gusto ko nang lisanin ang ideya na pagtatago sa tunay na ako. Siguro, may takot akong baka hindi maunawaan ng mga makababasa ng aking mga sinusulat, ang ilan sa mga pahayag ko sa bagay-bagay lalo pa’t ako ay isang guro. Kaya simula ngayon, I don’t care e-e-e-e-er… kebertediber basta ang alam ko… kailangan kong magpakatotoo para makapaglahad ako ng mga makatotohanang pangyayari at makabuo ng mga tula, kuwento, nobela na walang pangamba.
Martes, Pebrero 14, 2012
Isang tula para sa kanya
Nagpagawa ako ng isang tula na naglalahad ng nararamdaman para sa isang taong minamahal...kaya nahikayat ko ang aking sarili na gumawa din ng tula.
Ang alam ko, eto ang nasa isip ko!
Laman ng puso
Kung mamarapatin, puso ko’y pakinggan
Matagal nang may nais sa’yo’y ilaan
Sa tulang ito’y sana iyong malaman,
Ligayang dulot mo, lubha kong naibigan.
Sa tagal nang panahon na magkasama
Wala sa hinagap ipagwalang bahala
Ang isang tulad mo na tila biyaya
Bigay ng Maykapal mula nang nakilala.
Dumating man ang pagsubok sa hinaharap
Pangako’y panunungkapan maging sa hirap
Sapagkat suliranin ay sadyang sangkap
Upang tumibay ang isang samahan.
Hindi man matamis ang araw-araw
Basta’t sa bawat isa’y walang aayaw
Tiyak na kulang ay mapupunan
Nang pag-ibig na tunay at wagas.
(2/13/12 7:50PM)
-eto ang orihinal kong gawa...
Maligayang araw ng mga puso!
pagbati para sa mga makakabasa!
(*^_^)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
















