Linggo, Oktubre 27, 2013

Nang-agaw ang Tumblr

Nag-eenjoy ako ngayon sa pagpo-post ng kung ano-ano sa tumblr...noon kasi hindi ko masyadong ma-gets! Nito ko lang ulit binuksan at sinubukan kong magpost ulit at 'yun boom...sunod-sunod ko namang ginawa.haha~

Mabilis lang magpost sa tumblr...instant kung baga... kung di ka na mag-iisip ng matagal mga pictures na lang at lagyan mo ng kung ano mang masasabi mo sa ipo-post mo. Ang saya lang...bigla akong nag-enjoy at parang tila tinalikuran ko ang aking blogspot...

Pakiramdam ko tuloy...mawawalan ako ng oras para magpost dito sa blogger. Bigla ako nakaramdam na para bang ako'y nagtataksil...ngunit napag-isip-isip ko... kung tutuusin pwede ko rin namang gawin 'yung paraan ng pagpapaskil.

Madalas kasi pinag-iisipan ko kung ano ang mga dapat kong ilagay sa aking mga blog. Madalas iniisip ko kung ano ang mga magandang bagay na naganap, mga aral na dapat malaman at kung ano-ano pa. Pero, sa tumblr...parang isang picture... may nasasabi ako na hindi ko na kailangan pang mag-isip ng matagal.

Kung nakakapagsalita lang siguro ang blogger... sasabihin nito sa akin...

unfair ka... pwede mo rin iyong gawin sa akin bakit di mo ginawa?
Tama, pwede kong gawin dito sa blogger kung ano man ang pwede kong gawin sa tumblr pero magkaibang level lang kasi. Mas mabilis lang kasi magpost sa tumblr... iyon lang siguro 'yun.

Kaya naman napag-isip-isip kong mula sa mga mabilisang post na ginagawa ko sa tumblr... makakakuha naman ako ng mga bagong ideya na mailalagay ko sa blogger. Pasaway ba ang dapat itawag sa akin?!?
Kalokah lang kasi.

Martes, Oktubre 22, 2013

Kwentong Jeepney: Bubot ka pa, Ineng!

Papasok na naman ako ng trabaho at syempre sasakay ako ng jip. Karaniwan, dedma lang ako sa itsura ng mga kasakay ko.

Pero ngayong araw na ito kasunod kong sumakay ang isang elementary student dahil sa kilala ko ang unipormeng suot niya.

Ang nakakaloka, ahit ang kilay, naka-foundation at mapula ang labi. Mahahaba ang kuko at may mga kung ano-anong mga nakasulat sa kanyang kamay at sa may binti na parang tattoo...na ipinagpapalagay niya, sa tingin ko, na maganda.

Gusto ko siyang tanungin, gusto kong usisain ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura n'ya...pero di ko nagawa. Parang ako pa ang nahiya para sa kanya. Kung tutuusin ano bang pakialam ko, pero masyado lang siguro akong na- bothered sa kaanyuan niya.

Kung sabagay maraming tulad ng batang ito ang nagpupumilit na maging dalaga. Mga bubot na bubot pa'y kung manamit, mag-ayos at kumilos ay parang mga dalaga. Sa aking palagay, grade 6 na siya at sa edad niya, parang di niya alintana ang maaaring idulot ng mga koloreteng pinahid niya sa kanyang mukha at di rin yata niya pansin na nagmumukhang madungis na siya sa mga bolpeng tattoo na isinulat niya sa kanyang murang balat.

Bukod pa sa maaga nilang pagkilos bilang dalaga ay kapansin-pansin din ang maaga nilang pagkakaroon ng bf o gf... ano rin ba ang pakialam ko d'on...ang alam ko lang, sa edad nila, mas magandang maramdaman nila ang pagiging bata. Maglaro sila, magtawanan, magkuwentuhan, kumain ng dirty ice cream, maligo sa ulan... magpatintero, mag-agawan base at marami pang iba.

Isa lang naman ang pinupunto ko, minsan lang naman kasi magdadaan ang pagiging bata...kaya dapat sana i-enjoy na lang nila para kapag dumating ang panahon na umedad sila... wala silang na-missed out sa buhay nila.

Hayyy... kung ako lang eh, kamag-anak nito masasabihan ko talaga siya nang

Ineng, bubot ka pa! (*^_^)

Huwebes, Oktubre 10, 2013

Meron akong blog!

Meron akong blog.
Okay! Fine! Ano naman ngayon?

Kuwentuhang weird

Movies and series

Kung minsan iniisip ko kung ano nga ba ang dahilan ng pag-aaksaya ng panahon 
sa harap ng apat na kanto ng monitor. 
Kung minsan, ang daming gustong ipagawa ng isip ngunit bago pa maitipa ang mga daliri sa keyboard
nawala nang parang bula ang lahat.

Pero tuwing nagbubukas ako ng account, 
at nakikita ko ang mga bagong post ng mga sinusundan kong blog...
nagkakaroon ako ng inspirasyon na magpatuloy na magtala at magpost sa aking blog.

Para bang mahahalagang detalye ng buhay at isip ko ay nakasaad na sa aking blog.

Hindi ko masasabing maganda ang nilalaman ng blog ko... 
pero totoo sa sarili ko ang mga naisulat ko at bagamat ang iba ay hango sa napakalawak kong 
imahinasyon... alam kong naisulat ko iyon dahil may gusto akong sabihin.

Hindi rin naman biro ang gumawa ng blog...
kung minsan ang pag-asa na sana mabasa ng iba ang mga nilalaman ng isip mo sa pamamagitan nito
ay maglalaho kapag napansin mong wala man lang nagtangkang pasyalan ang site o kaya talagang ako lang rin ang magmamahal sa mga post ko.

Pero sabi nga, hindi dapat masyadong umasa na may papansin
sa mga ginagawa mo... ito naman ay isang paraan lamang upang mahasa ang abilidad magsulat
at malibang habang nag-aaksaya ng kuryenteng tumataas at oras na dapat ay ipinagpapahinga ng katawang lupa.

Kaya siguro matagal-tagal pa ang lalakbayin ng blog kong ito... 
sigurado ako na sa bawat araw na nagdaraan...ay may mga kuwentong nakatago sa mga nakapaligid sa akin... at malamang may opinyon namuuo sa aking isipan.

Isang magandang stress reliever ang pagsusulat kaya bakit ko aalisin ang pagkakataong tulad ngayon.

Ang totoo n'yan, may gusto akong isulat na di ko maumpisahan pero eto nakabuo ng isa na wala namang kinalaman sa gusto kong isulat.

Ang alam ko lang patuloy lang sa pagtipa ng keyboard ang akng mga daliri kasabay ng mga mga salitang binitiwan ng aking isip.

Sa mga nakabasa nito, salamat sa oras. Masaya ako't napasyal ka sa aking mundo! (*^_^)

Lunes, Oktubre 7, 2013

Like din pala nila ako

Natuwa naman ako nang makatanggap ako ng mga liham, card at puso sa Araw ng mga Guro...meron din palang nagbibigay halaga sa akin bilang guro.


I have two hearts... :)





Natutuwa ako sa nilalaman ng kard na ito.

Karaniwan, di gaanong magugustuhan ng isang mag-aaral ang isang tulad ko pero ganoon pa man, nakakatuwang isipin na may mga nakaka-appreciate sa ginagawa ko. Kaya naman gusto kong magpasalamat sa mga gumawa at naglaan ng oras para pasalamatan ang isang tulad ko. 

Ngunit sa lahat ng gumawa ng card, natatangi pa rin ang gawa ng aking anak. Natutuwa ako sa palagian niyang paggawa ng card sa mga espesyal na mga araw tulad ng Teachers' Day! (*^_^)






Gawa ng aking anak! :)


Miyerkules, Setyembre 25, 2013

Maligayang Araw ng Mga Guro

Wala nang mga mabulaklak na salita.
Tigilan ang mga pahiwatig.
Hindi na kailangan pang magpaligoy-ligoy...
dapat ay tuwiran nang sabihin.

Isang pasasalamat ang aking ipinaaabot sa mga naging guro.

Ang aking mga naging Tagapayo at sa mga naging guro sa iba't ibang asignatura...
Prep - Ms. Melo
Grade 1 - Mrs. Bernardo
Grade 2 - Mrs. Felipe
Grade 3 - Mrs. Tiratira
Grade 4 - Mrs. Dualan
Grade 5 - Mrs. Santos
Grade 6 - Ms. San Marcos

First Year - Mrs. Realo
Second Year - Mr. Dela Cruz
Third Year - Mrs. Martinez
Fourth Year - Ms. Arroza

Sa aking mga kapwa guro, 

Isang pagbati para sa natatanging araw ng pagkilala sa ating mga GURO.

Linggo, Setyembre 15, 2013

Peste sa buhay ko

Palagi nila akong sinusundan. 
Hindi ko nga alam kung anong meron sa akin dahil gustong-gusto nila ako.
Para bang mga papansin na aali-aligid...

Sa totoo lang, yamot na yamot ako sa kanila.
Kung pwede lang silang isuplong bilang stalker matagal ko nang ginawa.
Walang araw na hindi sila naging bahagi ng buhay ko
at walang araw na hindi ko sila pinag-isipang patayin.

Masyado ba akong masama... 
kung tutuusin marami na akong pinatay sa kanila...
halos araw-araw nila akong kinakagat
para na nga akong manhid...
basta alam ko, may makati, sila lang ang may sala.

Hindi ko alam kung anong silbi nila sa ecosystem...
pero talagang nakakayamot ang pagsulpot nila sa mundong ibabaw
at isa ako sa sobra nilang minahal kagatin.

Pasalamat na nga lang at di ako nagkakasakit ng dahil sa kanila...

naniniwala na lang ako na darating ang araw na hindi na nila gagambalain ang
buhay ko... dahil pupuksain ko ang kanilang kaharian.

Ganun pa man, araw-araw pa rin akong nakikibaka sa pagpuksa sa inyo mga pesteng...
LAMOK!





Sabado, Agosto 31, 2013

Eto ang A - Z ko


Nakigaya lang po ako kay hArTLeSsChiq

A. Attached or Single?



Attached sa asawa.

B. Bestfriends

Dami nila...nung primary ba, hayskul, college o sa work... ah baka kapitbahay.

C. Cake or Pie

Cake...kahit anong klase ng cake basta may icing!

D. Day of Choice

Friday - tamang gimik day... para masarap ang tulog kinabukasan

E. Essential Items

notebook at ballpen... isama na ang pera, celfon at food...

F. Favorite Color

alam ng mga kaibigan ko Black kaya nagulat sila Pink ang motif ng kasal ko. :)

G. Gummy bears or Worms

kailangang pumili? di ko talaga gusto 'yung mga ganito... pero, gummy bears para sandali lang nguyain.

H. Hometown

Antipolo city

I. Indulgence

watching movies except horror... nakakatakot kasi...

J. January or July

July... syempre kaarawan ko July...

K. Kids

Masarap kasama ang mga bata di ramdam ang edad.

L. Life isn't complete without...

my family. (tamang seryoso)

M. Marriage date.

June 26... wala na akong ibang pagpipilian eh...

N. Number of brothers and sisters

3 sisters... panganay ako...pangarap na lang ang brother. asa-ness pa ako!

O. Orange or Apples

Apples.... Fuji

P. Phobias

snakes and bees

Q. Quotes

To see is to believe. ( di ako basta-basta nakikinig sa sabi-sabi kailangan may confirmation)

Success is not a gift its challenge to use what you achieved. (ewan ko kung kanino galing ang quote na ito.)

R. Reason to smile

My family and payslip :P

S. Season of Choice

Christmas season...hehehe

T. Tag 5 People

eh, kung sinong gustong makigaya.

U. Unknown facts about me

kung meron man, alamin na lang nila.

V. Vegetable

carrots - what's up doc? parang si Bugs Bunny lang!

W. Worst habit

saka na lang pag-usapan 'yan.

X. Xray or UltraSound

Ultrasound... kita agad sa monitor kaysa sa xray maghihintay pa.

Y. Your favorite food

Fruit: watermelon
Drinks: tubig sa gripo
Pasta: Spaghetti na maraming carrots
Fish: tuyo
Bread: basta tinapay

Z. Zodiac Sign